‘DITO ko lang nilagay iyon kahapon,’ nagtatakang saad ni BJ. Halos nahalughog na niya ang buong library, nahilo na siya kakaikot ngunit hindi pa rin niya mahanap ang folder kung saan nakalagay ang kanilang kontrata. Sa pagkakatanda niya ipinatong lang niya iyon sa ibabaw ng mesa pero noong balikan niya ito wala na. ‘Nasan na ‘yon.’
Mayamaya narinig niyang marahang bumukas ang pinutuhan. ‘Ya, may nakita ka bang folder dito sa mesa kanina noong maglinis ka? Hindi ko na kasi mahanap iyong-’
‘Anong folder?’
BJ smiled involuntarily at himself upon hearing his girlfriend’s voice. She was on time as always. Nagkayayaan silang dalawa na lumabas ng araw na iyon. Ayon dito hindi na raw mapirma sa bahay ng mga ito ang mga kapatid at ina kaya nga kahit hindi man ito nakapagregister tumabay ito ng study center para doon magpalipas ng oras sa pagbabasa. Binigyan ito ng Chapter ng isang buwang pahinga para sa priparasyon nito sa board at natapos na nito ang training at on call duties sa STH kaya naman marami itong free time para sa sarili.
Nakangiting nilingon niya ito. ‘Cy- wow!’ nanglalaki ang mga matang saad niya nang makita ang kabuoang hitsura ng girlfriend. She was wearing a high waist white skirt with blue colored flower imprints as a design. May malaking plates ito sa harap at likod at hanggang gitnang hita nito ang haba. She paired it with white long sleeve polo shirt and tucked it inside the skirt. She rolled the sleeves up to her elbows. Tatlong butones ang binuksan nito mula sa neckline at nasa ayos ang kuwelyo. Nakaballerina shoes ito ng blue –slightly darker shade of blue kaysa sa bulaklak sa saya nito– nakalugay ang magulong buhok at ang tanging accessory lang nito ay isang maliit na silver bangled braclet sa kanang kamay nito. And she was using a dark brown leather sling bag na may kakaibang design sa sling part at may kung ano- anong nakasabit naman sa bag mismo making the whole bag looked unique.
She really looked so fresh, young, outgoing and a hundred percent chic.Young and mature, he silently thought. Pero agad naming nagsalubong ang kanyang kilay nang naiiklian sa suot nitong palda. ‘You’re showing a lot of skin,’ seyosong turan niya.
‘Cholera!’ Nanggigigil naman na hinampas siya ng dalaga sa braso. ‘Tigilan mo nga ako Tukmol! Hindi mo alam ang hirap na pinagdaanan ko sa mga kamay ni Marguax para lang dito sa outfit na gustong gusto raw niyang isuot ko. At isa pa itolang ang pinakamahabang skirt na dala niya.’ Nagkamot ito ng mukha. ‘Paano kaya nalaman ng babaeng iyon na may lakad ako ngayon?’ wala sa sarili nitong tanong. Pinigilan ni BJ ang mapangitin nang mapansin niyang parang hindi nito alam kung hihilahin paibaba ang palda o pababayaan lang. She finally gave up and looked at him helplessly. ‘Cholera… Hindi na ako gaanong sanay sa mga ganito eh. Bastusin ba?’
He finally gave up his struggle after hearing her question. Nginitian niya ito ng ubod ng tamis at masuyong ginulo ang buhok. ‘Hindi raw sanay eh magkasinghaba lang naman iyan sa suot mo noong opening night ng bar ni Sev.’ Nanglalaking ang mga mata nitong napatingin sa kanya. ‘Opo, magkasinghaba lang po,’ natatawang saad niya habang hinahalikan ang pisinge nito. ‘Namigay na naman ba ng bagong damit si Marguax?’
Umiling ito at hindi man lang sinita ang paghalik niya sa pisnge nito making him smiled charmingly at her. Mukhang nasasanay na ito sa gesture niyang iyon. ‘Cholera kasi itong si Marguax. Naumay na yata sa pakikipaghalubilo sa mga models nila kaya ayon nag- iba ng trip. Itinalaga lang naman nito ang sarili bilang personal stylist naming ni Antoinette-’ agad nitong natuptop ang bibig na tila ba nakabigkas ito ng salitang ipinagbabawal.
Natawa naman siya sa reaksyon nito. ‘Anong nangyari sa’yo?’ agad naman ito umiling bilang sagot ngunit hindi pa rin nito ibinaba ang mga kamay. ‘Teka nga lang. Kabarkada n’yo ba iyang Antoinette na iyan?’ Tumango lang ito. ‘Bakit hindi ko siya nakita-’
BINABASA MO ANG
My Man
Chick-LitDalawang nilalang na magkaiba ang personalidad ang nagkasundo para sa iisang hangarin. May magkakaibigan kaya o kunsimisyon lang ang dala nila sa isa't- isa. "You do stupid things when you're in love."
