Chapter 29: Hindi ka rin magulo eh no Ms. Cholera? Hala sige Tukmol habol!

432 14 2
                                    

NANGULANGBABA si Cybil habang matamang pinagmamasdan ang makulit na asaran ng mga kaibigan. They were at Sev’s huge living room. That day, masasabi niyang kompleto silang magbabarkada. Napatawad na niya kasi sina Johan at Kenneth. Medyo matagal na rin naman ang tampo niya sa dalawa kaya she decided to forgive them. Ayaw niyang tuluyang mawasak ang pagkakaibigan nilang tatlo dahil lang sa ginawa ng mga ito, na para rin naman sa kanya.

After ng biglaang pagsulpot ng kanyang ama, parang kay dali na para sa kanya ang magpatawad. Kahit na si Dave, biglaan nalang niya itong hinarap at kinausap noong isang gabi nang dumalaw ito kasama nina Rae. Kinausap niya ito ng masinsinan, he even asked her for a second chance, second chance for their relationship and their love. Nginitian lang niya ito, pinatawad and turned down his request. Hindi na siya nag- abala pang magpaliwanag dito. May pakiramdam siyang alam na nito ang dahilan. Pero kahit ganoon ang nangyari she was glad her issue with Dave was over. Gumaan ang kalooban niya the moment she forgave him.

Cholera! Ganito ba ang feeling ng magpapaalam, she asked herself silently. Kaya niya kinausap at pinatawad ang mga ito ay dahil ayaw niyang may hang ups pa siya sa paglisan niya ng bansa. Hindi nga naman niya alam kung kalian siya makakabalik or worse kung makakabalik pa ba siya ng Pilipinas. Aalis na siya bukas patungong London at ni isa sa mga kaibigan niya wala pang ka-ide-ideya sa paglisan niya.

Sabay na tumili sina Marguax at Rae at asar na hinabol ang humahalakhak na Ken at Johan. She smiled sadly at her friends. Malaki ang naging parte ng mga ito sa buhay niya and leaving them without saying goodbye was like hell. Originally ayaw niyang magpaalam sa mga ito. Bakit pa nga naman siya magpapaalam kung babalik lang naman siya after a month or two ngunit matapos niyang malaman mula sa ama ang lahat ng sekretong inilihim ng mga ito sa kanya, nagsimula na siyang magdalawang isip sa naunang plano. So kahit masakit, magpapaalam siya sa mga ito. Cholera, she shouted silently, took a deep breath and release it audibly.

                “Ang lalim naman yata noon ah!” nakangiting puna ni Sev. He was carrying a tray full of cakes, cookies, brownies and a pitcher full of pineapple juice. “Bakit parang ang lalim ng iniisip mo ngayon?” Inilapag nito ang hawak na tray, kumuha ng dalawang pirasong cookies at umupo sa kanyang tabi. “Naitakas ka naman namin sa inyo,” nakangiti nitong turan habang inaabot sa kanya ang isang cookie. “So anong problema?”

                Mataman muna niyang tinitigan ang hawak na cookie bago ito binalingan. “I’m going back to London na,” malakas na boses niyang turan. Napansin agad niyang sabay na natigilan ang mga kaibigan at hindi makapaniwalang tumingin sa gawi niya. “Tomorrow…” Nagbaba siya ng tingin. Hindi na niya masalubong ang mga mata ng mga kaibigan. “Bukas na ang flight ko.”

                “Seryoso Cy?”

                “Are you kidding me?”

                “Hala I’m hearing things!”

                “Ikaw ba ‘yan Cy?”

                Inirapan niya ang apat na talagang sinugod pa siya sa kanyang kinauupuan. Binalingan niya ang katabi. “So wala ka rin bang violent reaction tulad ng apat na ito?”

                “Bakit ka babalik? I thought you’re not going back there? Why this soon?” Nakakunot ang noo nitong tinitigan siya. “Do you really have to leave? For how long will you stay there? Is this for good na?”

                “Cholera!” asar na saad niya.  Sa tono ng pagsasalita ng mga kaibigan niya at sa inaakto ng mga ito, parang tumututol ang mga ito sa kanyang desisiyon. “I thought you want me to go home?” nakataas ang isang kilay niyang saad sa mga ito. “Hindi ba it’s the right thing for me to do?”

My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon