Chapter 30 Finale

611 20 19
                                    

NANGHIHINANG napaupo si Rae sa isang bench na hindi gaanong kalayuan sa tinatayuan nito. Mataman nitong pinagmasdan ang direksyong tinahak ni BJ.   “I’m glad it’s over!”

                “Hindi mo pa masasabing tapos na ang lahat Rae,” wika ni Marguax na kakalabas lamang sa pinagkukublian. Kasama nitong lumabas ang tatlong lalaki. “Masasabi mong tapos na itong dramang ito kung maaabutan nga ni BJ si Cybil, makapag- usap at magbalikan.”

                “Well see to it na mangyayari iyan,” seryosong saad ni Ken. Inilabas nito sa bulsa ang cellphone and dialed. “Dave, papunta na riyan ang karibal mo na hilaw. Oo na susunod na kami agad diyan basta huwag mong hayaang basta nalang mawala sa paningin mo si Cybil ng hindi pa dumarating si BJ. Malilintikan ka talaga sa amin kapag pumalpak ang plano nang dahil sa’yo.” Natahimik ito na tila ba matamang nakikinig sa kausap nito sa kabilang linya. “Oh kung ‘di kay Lia ka malilintikan!”

                “At kayo ring tatlo ang malilintikan sa akin kapag hindi nagkaayos ang dalawa,” banta ni Rae nang ibaba ni Ken ang cellphone.

                “Sorry na nga,” sabay na hingi ng paumanhin ng mga ito.

                Kahapon matapos magpaalam ni Cybil nakumbinsi rin sa wakas nina Sev sina Marguax at Rae na tulungang magkaayos ang dalawa. They planned everything thoroughly and carefully. Kinunstaba pa ng mga ito ang mga kateam mates ng binata pati na rin ang coach nito para mas maging katotohanan ang dramang naisip.

                Their plan was simple. Kailangan magkaayos ang dalawa bago umalis si Cybil. Pero bago mangyari iyon kailangang maiparating kaya BJ na may- isa nalang itong pagkakataon upang habulin ang dalaga. Na kapag sinayang pa nito ang pagkakataon iyon tuluyan ng mawawala si Cybil at hinding hindi na nito makukuha pang muli. And in doing so, Rae fabricated some lies para lang maencourage si BJ na habulin, kung hindi man pigilan sa pag- alis at least kausapin si Cybil.

Kailangan ang binata mismo ang unang lumapit at kumausap sa dalaga. Wala kasi sa plano ni Cybil ang unang magtapat dito, kahit nahihirapan na ito. Masyadong lang talagang mapride si Cybil.

                “Alis na tayo. Baka magduda na si Cy sa sobrang late natin,” said Sev.

                “I’ll go get the car,” prisinta ni Johan.

                Hinarap at nginitian ni Rae ang mga mababait na kateammates ni BJ. “Thank you so much for helping us execute our plan. Hindi namin magagawa itong lahat kung hindi dahil sa tulong ninyo,” pormal na saad nito. Kahit medyo may iringan sa pagitan ng mga ito at nina Kenneth at Johan pumayag pa rin ang mga itong tumulong. “Coach, maraming salamat po ah.”

                “I’m glad I can help. Mas matiwasay ang buong team kapag magkabalikan na ang dalawa.”

                “Maraming salamat po ulit sa inyong lahat,” magalang na saad ni Marguax.

“Mauna na po kami sa inyo.” Nagmamadaling nagmartsa si Rae papalabas ng gym.

My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon