‘WHAT are you talking about?’ Halos pasigaw na tanong ni BJ kay Clarisse. Ramdam niyang nag- iinit na sa sobrang galit ang kanyang mukha at gustong gusto na niyang saktan ang babaeng minahal niya noon. Damn her! tahimik niyang sigaw sa isip. Bakit ngayon pa ‘to nangyari? Ilang minuto nalang sana ang kanyang hihintayin mag- uusap na sana sila ni Cybil at masasabi na niya sana ang tunay na nararamdaman para sa dalaga. Ngunit bigla namang umeksena si Clarisse at layunin nitong ibulgar ang kanilang munting sekreto.
Kung magkaganoon man kailangan niyang protektahan si Cybil. ‘I didn’t hire Krizia just to make you jealous.’ BJ saw Cy flinched at that. Alam niyang iniisip nito kaya naman pasimple niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nito. It was his way of sending her a message na siya na ang bahala sa lahat. ‘Bakit ko naman gagawin iyon?’ Kailangan niyang magkaila sa harapan ng mga magulang. ‘Like what I said before, I wouldn’t stoop that low. I’m not a loser at hindi rin ako tanga para habol- habolin ang isang babae na obvious naman na hindi ako mahal at hindi ako mamahalin.’ Narinig niya itong malakas na suminghap at nang tignan niya ito he noticed that her eyes was wide in shock. ‘I respect and understand your decision when you told you can’t love me dahil hindi mo kayang bitiwan ang pagmamahal mo kay Kuya Wade. Kaya nga I followed your advice and move on. So please… leave us alone.’
‘Leave you alone?’ pagak itong tumawa. ‘Parang kalian lang your begging for my love tapos ngayon you want me to leave you alone?’ Umiiling ito habang mahinang tumatawa. ‘Okay ah! Was this still part of the plan? Kasi naipagtagpi tagpi ko na lahat eh. Iyong biglaan mong pagkakaroon ng girlfriend and you claimed na mahal na mahal mo, iyong tahasan mong pangbabaliwala sa akin… alam ko na ngayon. That was just all part of your well plotted plan.’
‘At bakit ko naman gagawin ‘yan?’
‘Bakit nga ba?’ balik nitong tanong sa kanya. Nakataas ang isang kilay nito habang pinagmamasdan siya. ‘Maybe because you’re still in love with me?’ It was his turned to raised one brow at her. Mapait itong nginitian siya. ‘Have you forgotten na? Before tayo nag- usap about this issue, you promised me that you will do everything you can para lang mabawi mo ako kay Wade? Na gagawin mo ang lahat,’ she looked straight at him. ‘Mahalin lang kita.’
Pinanliitan niya ito ng mata. Oo, nasabi niya ang mga katagang iyon pero bunga lang iyon ng kanyang kadesperaduhan. He was madly in love with his childhood friend back then. His childhood friend who happened to be the girlfriend of his brother. And that time hindi pa niya kilala si Cybil. ‘That was before I met Krizia and obviously fell for her.’ He noted Cybil’s shock that was written in her amber eyes as she looked at him. ‘Kaya kung puwede lang leave me and Cybil alone.’ Sa kanyang peripheral vision napansin niyang bigla nalang napatingin ang kanyang ama sa gawi ni Cybil.
Umiling iling ito habang ang mga mata’y nagmamakaawang tumitig sa kanya. ‘I can’t… asked me anything and I’ll do it willingly but not that one. I can’t. Not now… not when that I finally realized that I-I love you.’
Natutulalang napatitig siya sa gawi ni Clarisse. Did he hear it right? Did Clarisse told him she love him? Wala sa sariling napasulyap siya sa gawi ni Cybil nang maramdaman niyang binawi nito ang kamay na hawak hawak niya. Nanglalaki ang mga mata nito habang ang isang kamay nito ay nakatakip sa bibig nito. Ilang segundo ang lumipas, nanghihinang umupo ito sa pinakamalapit na umupan at nagtaas ng tingin sa kanya. Her expressive amber eyes reflected so many emotions. Pag- aalala, kadesperaduhan, pain and defeat. ‘Cy-’
‘I was blinded by my love for Wade back then,’ she said seriously. ‘As I was busy reminiscing my past with Wade, failed to notice that I’m slowly falling for you. Ikaw na laging nasa tabi ko sa tuwing kailangan ko ng isang taong masasandalan, ikaw na laging nakaalalay sa akin at,’ she looked straight at his eyes. ‘Ikaw na handang gawin ang lahat mahalin lang kita.’

BINABASA MO ANG
My Man
ChickLitDalawang nilalang na magkaiba ang personalidad ang nagkasundo para sa iisang hangarin. May magkakaibigan kaya o kunsimisyon lang ang dala nila sa isa't- isa. "You do stupid things when you're in love."