‘CHOLERA! Kapag iyang video na ‘yan nakita ko sa youtube or sa facebook malilintikan talaga sa akin ang nagkuha ng video at ang may- ari ng camcorder na ‘yan,’ nakataas kilay niyang sabi kay Ryan na abalang kinukuhanan siya ng video habang nagsasalita. Tumatawa na man ang may- ari ng gadget na si Vince na nasa likuran lang ni Ryan at tulad ni Ryan nakitingin din ito sa maliit na screen. Kasalukuyan silang naglilipit ng mga kalat sa conference room. Kakatapos lang kasi ng program nila para sa mga bagong halal ng mga opisyales ng Chapter Youth Counsel.
Maaga palang abala na silang naghahanda para sa Inaugartion na magaganap ng araw na iyon sa Chapter. At dahil siya ang service chapter youth representative sa kanya ipinamahal ng kanilang head na naturang activity. May special program siyang hinanda bago mag- oath ang mga bagong opisyal. A special sing and dance numbers with comic spoofs ng mga kasamahan niyang volunteers. Umalma pa nga ang mga ito nang malamang hindi siya kasali sa dance number kaya ayun kinaladkad siya ng mga ito sa dance floor at pinasayaw. She had fun all in all kahit na napagod siyang katatago sa mga kasamahan niyang kuha ng kuha ng mga stolen shots niya o kay Vince at Ryan na pasimple siyang kinukunan ng video. Hindi kasi siya nagpapakuha ng kanyang picture or video lalong lalo na ngayon na balik na sa dati ang kanyang hitsura. Kaya nga wagas siya kung makabanta sa mga ito. Mahirap na baka makita ng lolo niya ang kanyang picture or ang videos at matunton ang kinaroroonan nilang mag- iina.
Kahit na sobra ang pagod at stress niya sa pag- oorganisa ng naturang activity, she was really glad about the timing of it. May excuse na kasi siya para maiwasan si BJ. She just left him a note telling him na may activity siyang hahawakan nang araw na iyon at kailangan niyang rumiport sa Chapter ng maaga. Hindi na sila ganoong nag- usap last night at kanina namang umaga sinadya niya talagang umalis ng hospital ng kahit nag- aagaw pa ang dilim at liwanag sa langit.
Noong nakaraang gabi nadatnan niya si BJ na naghihintay sa kanyang pagbabalik mula sa OR kahit na half past tweleve na siya bumalik sa silid nito. Agad nitong napansin ang namamaga niya mata pero sinabi lang niya na namatayan sila ng patient habang nasa OR table pa at kasalukuyang inooperahan. Mukhang tinanggap naman nito ang palusot niya. Magsasalita pa sana ang binata pero hindi na natuloy nang bigla niyang inanunyso na matutulog na siya.
Hindi niya nasunod ang orihinal niyang plano na tratuhin ang binata na tulad pa rin ng dati. As if nothing happened… na para bang wala lang siyang nakitang kababalaghan kani- kanina lang. Pero hindi niya nagawa iyon at hindi naman niya puwedeng komprontahin ang binata tungkol sa paghahalikan nito at ni Clarisse. Alam niyang wala siyang karapatang gawin iyon… wala siyang karapatan sa binata kahit na ba sa mga mata ng ibang tao girlfriend siya nito… she never forget that their relationship was fake.
After that night, her confusion went to a higher level. Litong lito na siya sa sarili lalo na sa naging reaksyon niya sa halikan nila BJ at Clarisse. Bakit siya umiyak? Bakit bigla siyang nalungkot? And why was it she felt BJ betrayed her with that kiss? Diba dapat maging masaya siya sa nangyayari sa dalawa? Nagkakamabutihan na ang mga ito and time would come mapapagtanto na ni Clarisse that BJ is worth taking the risk. Dapat niyang ikatuwa iyon. It only means freedom. Freedom for her for being BJ’s pretend girlfriend pero bakit parang nagluluksa siya?
At bakit ang sakit? tahimik niyang tanong sa sarili habang nagpapanggap na engross sa pakikinig sa mga kuwento nila Vince. Bakit mas masakit pa kaysa sa hindi pagsipot ni Dave sa akin n’on? The pain she felt was as if hundered of knives were slowly peirecing her heart and as she recalled the scene she saw last night she felt the knives peireced deeper in her heart. She sighed softly. Bakit nga ba siya nasasaktan ng ganoon ka wagas?
‘SI CYBIL po Tita?’ magalang niyang tanong sa ina ng girlfriend matapos niya itong hinalikan sa pisnge. Kakadischarge pa lang niya ng umagang iyon. His doctor wanted to discharge him late in the afternoon pero nagpumilit siyang idischarge ng umaga rin iyon. Ayaw na niyang manatili maski isang oras pa sa ospital na iyon lalong lalo na kapag wala si Cybil. Feeling kasi niya mamamatay siya ng wala sa oras. At isa pa he needed to talk to Cybil. May sasabihin siya rito na importanteng bagay. Dapat sana kagabi pa niya ito sinabi rito but she seemed upset. Idagdag pa ang na mamagang mga mata nito. Uusisain niya sana ito lalo na nang makita niya sa mga mata nito ang sakit na pilit nitong tinatago pero umiiwas itong mapag- usapan ang kung ano man ang nakasakit dito. Hinayaan nalang niya ang dalaga at ipinangako sa sarili na first thing in the morning sasabihin niya rito ang bagay na iyon. But she left at tanging iniwan lang nito ay isang note.
BINABASA MO ANG
My Man
ChickLitDalawang nilalang na magkaiba ang personalidad ang nagkasundo para sa iisang hangarin. May magkakaibigan kaya o kunsimisyon lang ang dala nila sa isa't- isa. "You do stupid things when you're in love."
