‘Here. Read this,’ inabot ni BJ sa kanya ang dala dala nitong folder. Agad naman binasa iyon ni Cybil. ‘Those are the rules at mga kondisyon ko for having this relationship. Nakasulat na d’yan ang lahat ng kondisyon ko. Isulat mo nalang ang sa iyo then we’re going to see my family lawyer.’
Madami pa itong sinabi sa kanya ngunit masyado siyang absorb sa pagbabasa ng mga kondisyon nito para makinig. Talaga itong tukmol na ‘to! ‘I should be present in all your games and cheer for your team?’ basa niya sa unang nakasulat. ‘Yeah right. I got so many things to do… important things… than your silly, stupid games.’ Busy nga naman siya sa pagkakawang gawa. Magrereact sana ang binata ngunit agad naman itong natigilan nang tignan niya ito ng masama. ‘Pupunta ako sa game mo if may free time ako at mag tsicheer ako sa team na gusto ko.’ Isinulat niya ang mga sinabi.
Binasa naman niya ang kasunod. ‘I should give you my time eh?’ nakataas kilay niyang tanong. ‘Okay… but you should give me my time. Ano ‘tong bawal akong makipagdate sa iba? Pagkatapos malaya kang nakikipagdate kahit sinong babae? That’s unfair! I want to have a life after this ‘relationship’ thingy ends. We should erase this,’ at inikesan pa talaga niya ang mga salita.
‘You know,’ mahinahong saad nito. ‘You’re not in the position to question my conditions. Remember ikaw ang may utang sa akin. Not the other way around.’
‘Yeah… yeah… may utang na kung may utang pero unfair ang mga kondesyon mo. At karapatan kong tumutol. Buharin din nating ‘tong bawal akong sumama sa ibang lalaki. Ipaaalam ko lang po sa n’yo mahal kong kasintahan,’ she said her last phrase with a trace of sarcasm in her voice. ‘Bilang lang po ng mga daliri ko sa kamay ang mga kaibigan kong babae kay aangal talaga ako.’
‘Fine,’ napipilitang sangayon nito. ‘So okay na?’
‘Nope. That was your conditions, here are mine.’ She first cleared her throat. ‘No hugging, no kissing, no holding of hands,’ isinulat niya agad sa papel ang mga sinabi. ‘And most importantly no asking of personal questions.’ Tinignan muna niya ito bago magpatuloy sa pagbovoice out ng kondesyon n’ya. ‘Hep…’ pigil n’ya sa pag aangal sana nito. ‘Aangal pa eh. Hindi pa ako tapos. Maaari mo lang hawak ang kamay ko if Claire’s-’
‘Clarisse,’ pagtatama nito.
She toucheh her glasses. ‘Clarisse’s around and only in her plain sight. Hugging… pagnagkikita or nagpapaalam lang tayo sa isa’t isa sa harap ni Clarisse. If Clarisse isn’t around balik tayo sa normal. Walang mangyayaring halikan sa pagitan natin. Mapacheek, forehead, nose… I don’t care basta walang halikan ang magaganap.’ Tumingala siya rito at nakataas ang kilay na nagtanong. ‘Maliwanag?’
‘Oo na… oo na. Naisulat mo ba iyon lahat?’
‘‘Oy hindi pa ako tapos.’
‘Ang daya ang dami ng sa iyo to think ikaw pa man din naman ang may utang-’
‘Heh!’ pagpuputol niya sa sasabihin sana nito. ‘Let’s keep this ‘relationship’,’ she raised both hand and made an imaginary quote. ‘A secret to my family and friends also yours. Only your Clarisse will know about us,’ she said proudly, clearly telling him she didn’t like to be his girlfriend.
Kumunot ang noo nito. ‘At bakit parang ikinahihiya mo na may relasyon tayo?’
‘Are you sure you want me to answer that?’
‘Argh…’
She chuckled. ‘Mabuti naman. You shouldn’t appear when ever you want, you can’t interfere in any of my personal problems, I’ll do the same to yours and you just can’t order me around.’ She stopped for a while as if thinking something. ‘I don’t give a damn sa mga diskarte mo kay Clarisse pero sasabihin mo sa akin para naman mapaghandaan ko. At ayokong magmukhang tanga lalo na sa harap ng Clarisse mo. Maliwanag ba Brent?’
BINABASA MO ANG
My Man
ChickLitDalawang nilalang na magkaiba ang personalidad ang nagkasundo para sa iisang hangarin. May magkakaibigan kaya o kunsimisyon lang ang dala nila sa isa't- isa. "You do stupid things when you're in love."
