‘MAGBEHAVE ka sa party ha,’ BJ sternly said making Cybil rolled her eyes. Pang- ilang ulit na nitong sinabi sa kanya iyon simula nang magbiyahe sila papuntang Waterfront Hotel. Sa nasabing hotel na iyon gaganapin ang party ni Clarisse.
But for Cybil, she did give a damn. Nagsisimula ng mangati ang kanyang mukha sa mga kung ano- anong nilagay ng make up artist, nananakit na rin ang kanyang mga paa sa stiletto heels niyang sapatos, though her gown was beautiful and expensive hindi siya komportable rito. Hukab na hukab ito sa kanyang katawan na para bang ito na ang second skin niya, may mahaba itong slit na kung lalakad siya halos kita na ang buong left limb niya sa haba. Halos makita na rin ang kanyang dibdib sa sobrang revealing ng gown. Mabuti nga na lang at hindi siya nahubaran kanina nang lumipad siya mula sa hagdanan.
Napabuntong hininga siya. She really felt weird and awkward sa ayos niya ngayon. Wala na ang malalaki at maluluwag na damit niya at wala na ang napakapangit niyang salamin na pantago niya sa kanyang mata… wala na ang mga nakasanayan niya. Pero nakucurious siya sa ayos niya. Hindi kasi siya binigya ng pagkakataon ng stylist na masulyapan ang sarili sa salamin. She knew she looked good at nagustuhan ni BJ ang ayos niya ngayon. Base na rin sa reaction nito kanina. But still something’s not right talaga, nangulambaba niyang sabi habang nakatanaw sa bintana. Kahit reflection niya mula dito hindi pa rin niya maainag ang sarili.
Mayamaya BJ’s car pulled over in front of Waterfront’s lobby. Pinagbuksan siya nito ng pintuan at inalalayan makababa. Maglalakad na sana si BJ pero agad itong napahinto when she reached for his arm and tucked her hand in the crook of his hand. ‘What?’ mahina niyang tanong habang pasimpleng inilapit niya ang katawan sa katawan ni binata. Bigla nalang itong natigilan.
Nahihiwagaang tinitigan lang siya nito at hindi man lang nag- abalang sagutin ang tanong niya. Napailing nalang siya sa inaakto nito. Akala ko ba well mannered ka? ‘I’m your date for tonight. Dapat lang naman siguro na alalayan mo ako habang naglalakad tayo diba?’ mahina niyang sabi dito habang nakangiti. ‘Etiquette,’ she hissed. ‘Mukhang ikaw ang hindi nagbasa noon eh,’ nailing niya sabi. She was referring to the books he purchased.
Nagpakurap kurap muna ito bago nagsalita. ‘Binasa mo ang mga libro?’ hindi makapaniwalang turan nito. Nagsimula na silang dalawa maglakad.
‘Yup. All of them,’ she lied. Hindi na niya kailangan ang mga librong iyon. She breathed, she ate and she lived every word in those books when she was still young, nakakarindi na kung babasahin pa niya ito.
‘Well, what can I say,’ tumatawang sabi nito. ‘I’m impressed,’ natatawang sabi nito habang ginugulo ang buhok niya na agad naman niyang ninalmahan. ‘Mas sanay akong makita kang magulo ang buhok at tsaka mas bagay iyon sa’yo. Nagmumukha kang tao kapag ganoon.’
Kokomento sana siya sa sinabi nito but something ahead of them caught her attention. Parang pamilyar sa kanya ang babaeng iyon. Wala sa sariling nilapitan niya ang babae. ‘Oh my God!’ mahinang sabi niya habang ang mga mata ay matamang nakatitig sa babae. ‘This can’t be happening.’ Naka- gown din ito at she was wearing the same expression as Cybil. The physique, those eyes, those carroty-colored hair, frustrated na napailing si Cybil. Sadya na ba talagang malaki ang kasalanan niya at pinaparusahan siya ng ganoon ng Panginoon? Kung hindi man siya pinaparusan, bakit niya nakadaupang palad muli ang isang taong she loathed to see in her life.
Pinagmasdan niya ang babae and the girl stared back at her. Gusto na niyang magwala, umatungal ng iyak at manakit ng tukmol pero pinipigilan lang niya ang sarili.
‘You like your new look?’ pabulong tanong ni BJ. Nakatayo ito sa kanyang likuran at ang mga mata nitoy nakatingin din sa salamin. ‘Your new you?’
‘Like it? I hate it!’ She cursed him fluently in Dutch. ‘Anong ginawa mo sa akin? I told you no permanent changes. Ano to?’ itinuro niya ang sariling reflection. ‘I told you I prefer black contact lenses than clear once. Ayaw kong may makakita sa totoong kulay ng mata ko. And this,’ itinuro niya ang buhok. ‘You cut and dyed my hair with this… this hideous color. I’m jet black-’
BINABASA MO ANG
My Man
Chick-LitDalawang nilalang na magkaiba ang personalidad ang nagkasundo para sa iisang hangarin. May magkakaibigan kaya o kunsimisyon lang ang dala nila sa isa't- isa. "You do stupid things when you're in love."
