Chapter 14: Hindi siya lasing Tukmol, nakainom lang.

404 10 1
                                        

‘I’M Cybil’s boyfriend,’ ulit na sabi ni Dave kay BJ.

Para naman napantig ang utak ni Cybil sa narinig. Ano raw? Cholera! Hindi pa nga siya nakarecover sa gulat nang makita ito tapos ngayon ipinaglalandakan na nitong boyfriend niya ito. The nerve! She chuckled and helplessly shook her head. At kailan pa sila nagbalikan nito? Hinila niya ang kanyang kamay na hawak hawak pa rin nito at bibirahan sana niya ito ng talikod ngunit pinigilan siya nito.

‘Mine wait,’ malambing nito pagpipigil sa kanya. Hinawakan siya nito sa braso.

Napangiwi si Cybil. Kung dati rati kinikilig siya sa tuwing maglalambing ito sa kanya, ngayon naman gusto na niyang masuka. ‘Let go…’ sabi niya rito, nakatalikod pa rin siya sa binata.

‘No Mine, let’s talk.’ Hinigpitan pa nito lalo ang pagkakahawak sa kanyang braso. ‘We’ve got so many things to talk about.’ Ipinapag ni Cybil ang braso ngunit mas lalo pa nitong hinigpitan ang kapit, his fingernails literary dug into her skin. ‘And so many misunderstandings-’

‘Pare ano ba?’ BJ suddenly butt in. ‘Sinasaktan mo si Cybil.’

‘‘Wag ka ngang makialam. Problema namin ito ng girlfriend ko.’

Cholera! Umakyak yata lahat ng dugo niya sa katawan sa kanyang mukha dahil sa narinig niya mula kay Dave. Ngayon inaangkin siya nito bilang novia nito pero noon kulang nalang isuka siya nito. Hinarap niya ito at walang sabi sabing ipinaikot ang kamay. Halatang nagulat si Dave sa kanyang ginawa kaya naman nabitiwan agad nito ang kanyang braso. Finally free from his grasp, she pinned Dave’s hand at his back making him cried in pain. ‘Listen carefully and listen well,’ may panggigigil niyang sabi. ‘I’m not your girlfriend anymore so stop acting as if you have the right over me specially infront of my real boyfriend.’ Hinapit niya ang kamay nito. ‘Intiendes?’ tumango lang ito. Satisfied, buong lakas niya itong tikinulak papalayo kung hindi nga lang ito nakabalanse baka napasubson na ito sa sahig.

Hinarap niya si BJ at walang salitang ginagap ang kamay nito at hinila papunta sa VIP lounge kung saan walang kaalam alam ang mga kaibigan sa maliit na gulong ginawa niya sa dance floor. Sound proof kasi ang naturang silid. Pagkarating nila sa lounge agad niyang sinugod sina Kenneth at Johan at binigyan ng tig-isang jab. Sa gulat ng dalawa sa ginawa n’ya, napatulalang napatitig nalang ang mga ito sa kanya habang sapo ang pisnging napinsala.

‘Iyon ba?’ nanggigigil niyang sigaw. Pikon na pikon talaga siya sa ginawa ng mga ito. Kahit na eight years na ang nakakalipas sariwa pa rin sa kanya ang mga sugat na iniwan sa kanya ni Dave. And she didn’t want to see or speak to him lalo na ngayon gusto nitong makipagbalikan sa kanya. ‘Iyon ba ang plano ninyong ni Johan ha Kenneth? Ha? Iyon ba?’ Hindi man lang sumagot ang dalawa sahalip nagbaba lang ang mga ito ng tingin. Sa asar niya, susugurin na naman sana niya ang mga ito pero agad naman siyang napigilin ni BJ.

‘Tama na!’ it was Margaux na nakisali rin sa pag awat sa kanya.

‘Cybil!’ nakasigaw na tawag ni Rae. ‘What’s going on here? Bakit mo sinaktan sina Ken and Johan?’ Dinaluhan nito ang dalawang lalaki.

‘Ano bang planong pinagsasabi mo Cy,’ nakakunot noong tanong ni Sev.

‘Cybil…’

She could hear audibly gasp came from different sources upon seeing Dave walked inside the room and stood just inches from her.

‘Cy… please we need to talk.’

‘Cholera! What for?’ frustrated na tanong niya. ‘My opinion towards you doesn’t affect the stock market of you company so no need for us to talk.’ Cybil saw him fliched and she secretly smiled. Alam niyang nainsulto niya ito. ‘Or you what to redeem your self in my eyes,’ tumawa siya ng pagak. ‘That’s bull shit!’ kinuha niya ang kanyang clutch bag at bago umalis sinulyapan muna niya ang lalaking sobra niyang minahal noon. ‘The two idiots failed to inform you that I’m already taken.’

My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon