‘WHAT’s up with you and Van?’ madilim ang mukhang tanong ni BJ sa kanya. Nasa sasakyan sila nito at kasalukuyang pauwi na ng City. Inihatid nila ang kanyang Mama kanina. Ngayon na kasi ang flight nito pa puntang Spain.
But before her mother left katakot- takot ang mga tanong nito sa kanya. Itinanong nito kung saan niya nakuha ang perang ginamit na pang bayad sa hospital. Ang akala kasi nito kumuha siya ng pera sa kanyang shares na ipinamana ng Abuelo at Abuela niya pero bigla nitong naalala na wala pa siya sa tamang edad para pakialaman ang pera. Pinaikut- ikot lang niya ang ina. Ni wala nga itong nakuhang sagot mula sa kanya. Laking pasasalamat nalang niya nang bigla nalang dumating si BJ sa kanila at na distruct na ang kanyang Mama.
‘Huh?’
‘‘Wag kang magpatay malisya diyan. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin.’
‘Anong ibig mong sabihin?’ nahihiwagaan niyang tanong dito. Na wewer-duhan na siya sa inaakto nito.
‘Cybil!’ sigaw nito sa kanya. Mukhang nasagad na ang pasensya nito.
Agad naman niya ito inambahan ng suntok. ‘Cholera ka. Suntukin kaya kita sa mukha. Kapal ng mukha mong sigawan ako,’ sabi niya habang nanggigigil na pinagsusuntok ang braso nito. ‘Kung deretsahin mo nalang kaya ako nang matapos na ‘to. Ano ba talagang gusto mong malaman?’
‘Tinu- two time mo ba ako?’
Natigilan siya sa pagsunto sa braso nito at nanlalaki ang mga matang tumingin sa binata. Seryoso ba ito sa tanong nito? Agad naman nasagot agad ang tanong niya nang makita ang madalim na mukha ni BJ. ‘Ahhh… for the record Mr. Reynolds wala tayong relasyon. Pagpapanggap lang ang meron sa atin at tska I’m not that type of girl.’
Umismid ito. ‘Pagpapanggap na kung pagpapanggap pero sa mata ng pamilya mo may relasyon tayo at girlfriend kita,’ may diin nitong sabi sa huling salita. ‘So tell me ginagago mo ba ako? Namamangka ka ba sa dalawang ilog?’ Cybil noticed BJ tightened his grip to his steering wheel, his knuckles turned white.
‘Ha?!’ Mukhang mabobobo siya ng wala sa oras kapag ang lalaki ang kausap.
‘Are you having an affair with Van?’
Napansin ni Cybil na seryoso ito sa tanong nito sa kanya. So she tried so hard not to laugh. Hhmmm… mapagtripan nga si Tukmol, she thought naughtily. Tahimik niyang inihanda ang sarili para sa naisip niyang kalukuhan. ‘Pa-Papaano mo n-nalaman?’ tanong niya sa binata habang hindi tumitingin dito.
Pansamantalang namagitan sa kanilang dalawa ang katahimikan. Agad naman nakadama ng pagkailang si Cybil. Wala ang inaasahan niyang instant reaction mula sa binata. So she looked up and instantly burst out laughing upon seeing BJ’s face. Halata sa guwapong mukha nito ang pagkagulat at nang tumawa siya napalita ng pagka- asar.
‘Cybil…’ he hissed.
‘Ano na naman?’
‘Anong namamagitan sa inyong dalawa ni Van? Bakit palagi kayong lumalabas? Bakit palagi ka niyang hatid sundo? Bakit palagi ka niyang tinatawaga? Bakit palagi kayong magkasama? Bakit-’
‘Hala sige isa- isahin mo,’ putol niya rito. ‘Gisingin mo nalang ako kapag natapos ka na ha.’ Akmang tutulugan na niya ito ngunit bigla nalang nitong inapakan ang preno at muntik niyang mahalikan ang dashboard ng sasakyan nito. ‘Ano ba!’
Bilang sagot, itinaas lang nito ang isang kilay at pinaharurot na naman ang sasakyan. ‘Okay… okay…’ sabi niya habang napapikit at hinawakan ng mahigpit ang seatbelt. ‘I get it!’ Iyon lang at naging normal na ang pagpapatakbo nito. ‘Gusto kitang patayin Tukmol ka!’ she shouted in Italian.
BINABASA MO ANG
My Man
Chick-LitDalawang nilalang na magkaiba ang personalidad ang nagkasundo para sa iisang hangarin. May magkakaibigan kaya o kunsimisyon lang ang dala nila sa isa't- isa. "You do stupid things when you're in love."
