Nanglalaki ang mga mata ni Cybil nang lingunin ang katabi. Ano raw? Napanganga pa siya nang mapagtantong seryoso itong nagtanong. She first cleared her throat to somehow stop her laughter that was threatening to burst anytime but her attempt was vain, hindi na n’ya napigilan ang humagalpak ng tawa. Hay buhay nga naman n’ya. Itinapon na nga n’ya ang lahat ng natutunan noong bata pa s’ya- proper manners, etiquette, tamang pag- aadress sa mga taong nasa paligid n’ya, tamang paggalaw, pag- upo, pagkain, pagtawa, at kung ano ano pang tamang kilos na dapat sa mga kagaya n’yang nabibilang sa kilalang angkan, kulang na nga lang ituro pa sa kanya ang tamang paghinga, -nagbihis baduy at barumbado kumilos pa nga siya para lang maiwasan niya ang mga katulad ni BJ at para na rin protektahan ang sarili, pero wala pa rin palang silbi lahat ng effort n’ya. ‘Hay! The irony of my life,’ malakas na wika n’ya na sinundan pa ng malutong na tawa. Nagkadaluha- luha na s’ya sa katatawa, kulang na nga lang magpagulong gulong s’ya sa buhangin just to satisfy herself. Hindi n’ya alam kung maaasar ba siya o umatungal ng iyak sa mga pangyayari sa buhay n’ya. Kaya to play it safe minabuti n’yang tawanan nalang ito.
‘Anong nakakatawa?’ asar na tanong nito sa kanya.
Pinunasan muna ni Cybil ang mata at inayos ang salamin bago nito sinagot ang tanong ng katabi. ‘Hay…’ she said it with a sigh. ‘Buhay ko ang nakakatawa.’ Tumikhim siya. ‘Having said that, the answer is ‘no’ Mr. Reynolds.’
‘What?’ sigaw na tanong nito. Sa tantya ni Cybil halos nagmumukhang kamatis na ang mukha nito sa pamumula.
‘I said ‘no’, I don’t want to be your girlfriend.’ Kumunot ang noo nito sa sagot n’ya. Sa tingin ni Cybil para itong nainsulto at the same time nasaktan sa sagot n’ya. Imbes na kaawaan ay humagalpak siya ng tawa, sapo ang tiyan, na mas lalong lumala pa ang pagkunot ng noo nito. ‘Oh, nasagasaan ko ba ang pride mo? I’m sorry for that but the thing is I don’t like you, you’re simply not my type.’
HINDI makapaniwala si BJ sa narinig. It was his turn to be schoked. Cybil rejected him as fast as lightining, she never even bother to think twice. It didn’t do well for his pride though. At talagang napantig ang kanyang tenga sa huling sinabi nito. How dare her! Kailangang magkaliwanagan sila ng hinayumpak na babaeng ito at para na rin maisalba pa n’ya ang natitira n’yang pride. ‘Ah… excuse me Ms. Assuming, I don’t,’ binigyang diin pa niya ang huling salita. ‘Like your type either but-’
‘Then why the hell you asked me to be your girlfriend?’
Oo nga naman. May punto nga naman ito. Alam ni BJ na naguguluhan na ito. He took a deep breath and prayed for patience because with this girl, sigurado siyang sasagarin nito hanggang sa buto ang pasensya n’ya. ‘If you just let me finish my sentence mybe-’
‘Okay fine,’ pagpuputol na naman nito sa kanya sanang sasabihin. ‘Fire away Mr. Reynolds.’ Was it him or did she just pronounced his family name sarcastically.
BINABASA MO ANG
My Man
Chick-LitDalawang nilalang na magkaiba ang personalidad ang nagkasundo para sa iisang hangarin. May magkakaibigan kaya o kunsimisyon lang ang dala nila sa isa't- isa. "You do stupid things when you're in love."