1

69 6 0
                                    

KESHA'S

Andito ako ngayon sa canteen. Mag-isa. Sanay naman na ako, eh. Charot! Eh kasi naman iniwan ako ng bestfriend ko dito. May tatapusin daw siya sa library. Kaya nauna na akong kumain sa kanya. After kasi ng lunch break, may klase pa ulit. 4th year ako dito St. Therese.

Tapos na akong kumain ngayon. Tatayo na sana ako nang may nagtakip sa mga mata ko.

Well, parang alam ko na kung sino. His scent says it all.

"SKY!"

Narinig kong may sumigaw sa likuran namin.

"Tsk. Epal mo naman, eh!" Sabi niya sa tumawag sa kanya.

Natawa na lang ako.

"Hehe. Peace tayo!" Nag peace sign pa si Psalm Hernandez. O mas kilala bilang Psalm dito sa campus. Bandmate niya.

"Ano ba yun?" bagot na tanong ni Sky kay Psalm.

"May practice daw tayo after class. Sa amin."

"Okay, sunod ako. Ihahatid ko pa kasi 'tong makulit na 'to, eh." Sabay gulo sa buhok ko.

"Yah!" Sabay hawi sa kamay niya na nasa buhok ko.

"Iba talaga pag inlove! Sige sige, una na ako. See you, later kuys, Kesh." Sabay tingin pa sa akin. Ngumiti ako at tinanguan si Psalm.

Oo nga pala. Sky is my boyfriend. Skyler James Laxamana. May band sila dito sa school namin. Ang 'Passion Prose'. And he is the vocalist.

"So, how's your day, Madam? Bakit mag-isa ka ata?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin.

"So far, so good. Dumaan kasi sa library si Monica kaya pinauna na niya akong mag lunch." Inexplain ko kung bakit hindi kami magkasama ng best friend ko.

"Ow. Bakit hindi mo ako tinext kung ganoon?"

"Canteen lang naman, Sky.  It's okay. Tsaka malay ko bang hindi ka pala busy."

"Alam mo namang maglalaan at maglalaan ako ng oras sayo, eh." Sagot pa niya. Hmp! Nagpapakilig na naman ho siya.

"Ikaw talaga! Ayan ka nanaman sa mga linya mo, eh."

"Kilig ka, no? Yieee." Asar pa niya sakin. Natawa ako.

"Tama na yan. Sige na. Need ko na rin bumalik sa room. Baka nagii-start na yung next class ko." Inayos ko na yung gamit ko at tumayo.

"Hatid na kita." Sabi niya.

"Wag na, ang lapit lang kaya ng room ko!"

"Kahit na. I insist."

So iyon, ininsist niya nga yung sinabi niya. Siya pa ang naghawak ng gamit ko kahit sabi ko nang ako na. Ang dami tuloy tumitingin sa amin sa hallway. Hinatid niya ako sa last class ko, which is physics. Umupo na ako sa tabi ni Monica na nandito na.

"Kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya.

"Medyo. Dadaanan sana kita sa canteen kaya lang kasama mo na pala jowa mo. Di na ko tumuloy. Mao-OP lang ako, eh."

Natawa ako sa mga pinagsasabi niya. Hinampas ko siya ng mahina sa braso.

"Sira!"

Sakto naman na pumasok na ang physics teacher namin.

"Okay class, our lesson for today is all about Velocity blah blah blah..."

Kaaantok talaga ang physics! Hayyy. The discussion goes on and on.

He's my SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon