25

15 1 0
                                    

KESHA'S

It's been two years since I worked here in Paris. And guess what? I'm going home two days from now! Today is my last day to Ms. Ricafort. Bukas, I'm gonna have one last glance at Paris.

Masaya at na-enjoy ko ang trabaho ko dito. Kahit madalas akong nagkakamali lalo na nung mga unang buwan ko, Ms. Ricafort has been patient with me.

Paris is so beautiful. Ang peaceful. Masarap mamuhay dito. Mahal nga lang ang cost of living.

"Are you sure you don't want to extend?" Tanong sa akin ni Ma'am Tracy ngayon. Inaayos ko na ang mga gamit ko na dadalhin pauwi.

I smiled at her. "I'm very happy here, Ma'am, pero baka hindi na muna po. I want to go home po muna."

"Hmm, tama. Alam kong homesick ka na." Then she softly laughed.

"But really, I want to thank you for accepting this job. Ang gaan ng trabaho ko nang dumating ka. And most of the clients want you. Kung ako nga lang magdedecide, I want to keep you here. But I know you have your life in the Philippines. So, I understand."

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya. "Ako dapat nagt-thank you sa inyo, Ma'am. Thank you for giving me this opportunity. Thank you for trusting me, Ma'am."

"Sige na. Baka magbago pa ang isip ko at hindi talaga kita paalisin."

Tumawa ako at binitawan na ang mga kamay niya. Lumabas na rin siya at nagpatuloy na ako sa pag-aayos.

I am ready to go home. I miss home. Really. Tamang tama at kakauwi lang din ni Mama sa Pilipinas. We can have time with each other pag uwi ko.

About him, may balita pa rin ako sa kanya. Di naman maiiwasan dahil nagbubukas ako ng Social Media ko paminsan-minsan at nakikita ko rin sa News. Plus, nababanggit ni Yana minsan pag may rant siya kay Psalm. Bati bati na pala sila ulit. It's good. May mga time din talaga lalo na nung mga unang buwan ko sa Paris, umiiyak ako. Kasi namimiss ko pamilya ko. Pati siya... of course, I've been with him almost half of my life kaya mas lalong hindi madali na kalimutan siya.

But I think he's happy now and I'm glad to know that.

--

SKY'S

Ang bilis ng mga pangyayari. I will be signing a contract again in Sounds and Melody. I changed my agency two years ago. With the help of Mico. Client ni Mico ang producer ng Sounds and Melody na si Mr. Wayne Vallero noon. Tinulungan niya akong makalipat. And I'm very thankful for him for that.

Since then, my life became lighter. My new manager, Celeste Piamonte, who is in her mid-40s, is very kind. She's the kind of manager who asks me first before making a final decision. Hindi rin sila ganoon kahigpit sa akin. Simula noon, naputol na ang koneksyon ko kay Monica.

"Hey." Tawag sakin ni Mico. Nakatambay kami sa place niya. Wala ang iba dahil may trabaho.

"Akala ko ba balik ni Kesha ngayon? Anong inuupo upo mo dyan?" Tanong niya.

Umiling ako. "Alangan namang sunduin ko siya sa airport. Magtataka 'yon kung bakit alam ko. Isa pa, baka magalit lang 'yun sakin."

"Edi syempre sabihin mo inistalk mo siya kaya mo nalaman. Yun naman ang totoo. Sus!" Asar niya sakin. Binato ko siya ng ballpen dahil iyon ang pinakamalapit sakin. Tumawa lang siya.

Nagpupunta ako ng Paris once a month to see her. Patago nga lang. She's happily living her dream at ayokong sirain 'yon. And yep, I became her stupid fanboy and stalker. How ironic, right? But that's fine with me. Because I love her. I love her still. Hindi naman nawala. I'm just getting a right time to see her in person again. And now that she's coming back home, I will not let her go again.

--

KESHA'S

I am finally in Philippines! Grabe, sobrang pagod ko sa biyahe. Sinalubong ako sa airport ni Yana at Psalm.

"Ateee!" Salubong sakin ni Yana at niyakap pa ako.

"Hey!" I said.

"Welcome back, Ate Kesh." Bati ni Psalm at kinuha ang dalawang maleta ko.

"Thank you. Thank you sa inyo sa pagsundo."

Naglakad na kami palabas, patungo sa parking. Sasakyan ni Psalm ang gamit.

"Hey, sorry pala ulit kung hindi ako naka-attend sa graduation niyo." I said. They graduated last year.

"Okay lang, Ate Kesh. Na-enjoy naman namin yung Masasa Beach Trip na regalo mo." Sagot ni Psalm.

"True, Ate. Next time ulit?" Sabi ni Yana at yumakap sa boyfriend niya.

"Hmmp! Saka na ulit. Pag Mechanical Engineer na kayo." Sagot ko. Nagtawanan kami at kumain muna bago tuluyang umuwi.


Hayy. It's so good to be back.


He's my SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon