11

18 1 0
                                    

KESHA'S

I am on my 3rd year in Fashion Design. So far, so good. I made friends, Angelica and Kit. Nasa cafeteria kami ngayon for lunch.

"So girl, kamusta naman ang pagiging girlfriend ng isang celebrity?" Tanong ni Angelica sakin.

"Sssh! Wag kang maingay! Baka may makarinig sayo." Bulong ko sakanya sabay tingin sa paligid.

"Wala naman akong binanggit na name, noh! So ano, kamusta kayo?"

Curious talaga ang isang 'to, eh.

"Oo nga. Kagabi nakita ko na mag-guest  siya sa Variety Show sa sunday, ah?" Sabi naman ngayon ni Kit.

"Yeah. May guesting nga siya." I simply said.

"Pupunta ka ba? Sama kami!" si Angelica.

"Not sure. Alam niyo naman, medyo mahigpit yung management niya..."

Yes, kasama sa contract na pinirmahan niya na bawal malaman ng mga tao na may girlfriend si Sky. At first, gusto kong kumontra. Pero at the end, I understand. This is Sky now. This is his dream. And he is currently living his dream.

Sa tatlong taon niya sa Music Industry, hindi pa ako kailanman nakabisita sa live shows niya. I mean, yung makakasama mo siya sa backstage, and all.

"Kung ako yan, baka break na kami. Ang hirap kaya ng sitwasyon mo." Sabi ni Kit.

"Kaya nga. Strong yan si Kesh." Sabi naman ni Angelica.

Tumawa na lang ako. "Kumain na lang kayo dyan."

Mahirap nga. But I chose to love and support him. So that's okay. Nagkikita pa naman kita. Hindi nga lang ganoon kadalas noon kasi mas kilala na siya ngayon.

Nag dismiss na ng 3pm ang last class namin. Uuwi na sana ako nang tumawag si Sky.

"Hi, baby." He said. I smiled. Ahhh, miss ko na siya!

"Hey. Napatawag ka? Di ka busy?" I asked.

"Busy. Pero may time ako. I miss you."

"I miss you, too. Sige na, baka need mo na mag-rehearse."

"Speaking of rehearse, may rehearsal ako sa Sabado. Gusto mong pumunta?"

Today is Thursday. I got excited.

"Talaga? Pwede?" I asked out of excitement.

"Pinakiusapan ko si Colin na baka pwede kitang papuntahin, since wala namang gaanong media doon. Good thing, napapayag ko siya. I want to be with you. Gusto kong bumawi. Isa pa, miss na talaga kita."

Asus!

"Hmp! Okay, sige. I'll be there on Saturday."

Days passed like a blur and it's finally Saturday! Excited ako kasi ngayon lang talaga 'to. Mahigpit ang management niya pati ang manager.

I texted Sky nang makarating ako sa lobby ng studio kung saan siya magrerehearse. Ang sabi niya, bababa daw si Ross, yung assistant niya para sunduin ako. Bago ang actual rehearsal niya, magkikita muna kami sa backstage.

Ross accompanied me at Sky's private room. Naroon siya kasama ang Manager niya. Hindi maganda ang tingin nito sa akin habang papalabas siya.

"I'm giving you an hour, Sky."

Umirap ito sa akin pero kahit ganoon ay nginitian ko pa rin siya. Lumapit ako kay Sky nang kaming dalawa na lang.

"Hey." Bati niya.

"Hi."

Natawa kami pareho dahil parang bago sa amin ito.

"I miss you." Niyakap niya ako at hinalikan sa sentido.

"I miss you, too."

For a while, we were just silent and contented that we are together. Gaya nga ng sabi ko, hindi na kami gaanong nagkakasama.

"Before we go out for rehearsal, I'm gonna play for you the song that I will play,"

I got excited. "Talaga?"

He nodded and started to strum the guitar.

I don't know you
But I want you
All the more for that

Maraming beses ko na siyang nakitang kumanta. But this is one of my favorites. Because he's actually singing in front of me. Just for me.

Take this sinking boat and point it home
We've still got time
Raise your hopeful voice, you have a choice
You've made it now

Tinapos niya ang kanta. I clapped at his performance.

"Do you like it?"

"Hmm, pwede na." Biro ko.

He laughed.

"Kidding. Oo na, sige na, superstar ka na talaga!"

Then we laughed together.

--

SKY'S

I am so happy that Kesha is here. Sobrang miss ko siya.

I am on my third year in my music career. Kilala na rin ako. On my first year, I do guestings, small or big. I do shows, mall tours, and interviews. Dahil doon, nakilala ako. I've got fans. Kaya mas humigpit ang management ko. Hangga't maaari, iniiwasan nila na ma-issue ako dahil ngayon palang ako nakikilala.

Sa ngayon, wala pang kumukuhang record company sakin. But despite of that, I still have a busy schedule because of bookings and guesting na si Colin naman ang nag-aapprove. Kagaya bukas, I will perform in one of the variety shows in TV.

"Okay, ready na, ha." I nodded at Direk Carl. General rehearsal ito kaya nandoon ang ibang artista at singers na magpeperform din bukas. Wala nga lang gaanong media kaya pinayagan niya na papuntahin ko si Kesha kahit na sa backstage lang kami magkita at magkakasama.

She's watching from afar right now. Kailangan pa rin kasing mag-ingat. After my rehearsal, bumaba ako ng stage at bumalik sa private room ko sa backstage.

"I need to go na." Paalam sakin ni Kesha.

I pout. "Stay for an hour more."

Tumawa siya at hinampas ako. "Sira ka ba? Uwi na ako! Baka mamaya may makakita din sakin, eh. Don't worry, papanoorin pa rin kita bukas sa TV kahit nakita ko na performance mo."

I stayed serious. "Okay. Pero ipapahatid kita kay Ross sa baba."

She nodded. Tumalikod na siya pero hinila ko ang kamay niya kaya naman napabaling siya ulit sa akin. I caught her for a hug.

"Hey. Stop being dramatic. Magkikita pa naman tayo!" Sabi niya.

"Sorry. I can't be the typical boyfriend. Yung ihahatid at susunduin ka."

Umalis siya sa pagkakayakap at tumingin sa akin. "Asuuus! That's okay. Okay? Sige na. I'll call you pag nakauwi na ako."

Tinawag ko si Ross at pinasamahan itong si Kesha sa baba. I waved my goodbye to her.

That's true, I somehow feel bad because I am not the boyfriend he needs. Kahit paghatid lang sa kanya sa lobby, hindi ko na rin magawa.

"Sky, wrapped up na. Kunin lang namin yung gamit mo tapos baba na tayo." Untag sa akin ni Sasha.

Tumango ako sa kanya. "Okay, sige. Sunod na ako. Thanks."

It's gonna be a long hell of a ride.

He's my SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon