KESHA'S
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni Judith last night. Back to work na kami ngayon. Medyo busy nga dahil kailangan na ang designs ngayon kaya tinapos ko na ito. I also canvass for the type of fabric we will be using in the dresses.
This week na rin pala ilalabas ang magazine na featured ako at mga gawa ko sa Paris. Nakakaexcite at masaya talaga ako para doon.
After lunch, Judith came in my office to tell na nandyan si Sky sa labas. Hindi ko expected na pupunta pa siya dahil ilang araw din niya akong hindi kinontak. Hindi naman sa naghihintay ako sa kanya, ah.
"Ano? Lalabasin mo ba?" Tanong ni Judith.
"Pero... may tatapusin pa 'ko."
"Ako na dyan. Alam ko namang hindi ka mapakali dahil sa mga nasabi ko kagabi. Kasalanan ko rin. Kaya sige na, "mag-usap" na kayo." Natawa ako dahil indiniin niya talaga ang "mag-usap".
"Thanks, baks. The best ka talaga!"
I hugged her after that. Lumabas ako at kinuha ang bag ko. Nakita ko naman na nandoon si Sky na nakaupo sa couch. May mga iilan pang nagpapicture sa kanya. Nakatanggal na rin ngayon ang shades niya.
Tumayo siya pagkakita niya sa akin. He's wearing a white button-down shirt na nakatupi hanggang siko niya at khaki shorts paired with his brown topsider. Simple yet, he's neat with it. Osige na nga, gwapo na rin!
Sakto naman at naka-casual lang ako ngayon. I'm wearing my halter criss-cross back black semi-fit under the knee length dress together with my short denim jacket. I paired it with my nude strappy high heels. Kakulay ito ng aking sling bag.
"Hey, sorry I didn't contact you for days. I've got busy."
"It's fine. Hindi ka ba... busy ngayon?" Tanong ko.
"Hindi naman. I am actually free the whole day. Can I... take you out?"
"Well, I am ready to go."
Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko. Nauna akong maglakad sa kanya. Nakatulala pa rin siya sa pwesto niya kanina.
"Hey, aalis ba tayo o hindi?" Tawag ko sa atensyon niya.
"Uh, yep. Let's go."
Nagmadali siyang sabayan ako sa paglalakad. Itinago ko naman ang tawa ko dahil doon.
Sky requested to use his car for this "date" daw. Nangako siya na babalikan namin ang kotse ko dito mamaya. Pumayag na ako at pinagbigyan siya. Minsan lang naman.
"I know a place where we can go." Sabi niya. Tumango na lang ako. Wala rin naman akong maisusuggest kaya go na ako sa plano niya. Mukhang ready naman siya sa araw na ito.
Nagulat ako ng huminto kami sa nadaanan namin na Coffee Shop.
"Dito na?" Tanong ko.
He winked at me. "Trust me."
Nauna siyang bumaba para buksan ang pinto sa side ko. Hmm, gentleman pa rin.
"So, dito na yung place na sinasabi mo? I mean, it's not bad kasi gusto ko rin naman ang coffee date."
He held one of my hands. "Nope. Daan lang tayo bago pumunta doon. Maaga pa naman. For today, let's be spontaneous."
Hindi ko na siya nasundan dahil hinila na niya ako papasok sa Coffee Shop. Hawak pa rin niya ang kamay ko.
"Uy. You're holding my hand.." Puna ko.
BINABASA MO ANG
He's my Superstar
Teen FictionI want him to reach for the stars he want. But if he's already there, will I able to reach him too?