KESHA'S
Kinabukasan, nagbihis ako para pumasok. Sinadya kong agahan kaysa sa usual kong pasok. I wear my usual work clothes, pencil skirt, halter top, blazer and heels. I also wear shades dahil maga ang mga mata ko.
Pagbaba ko, nandoon si Yana. Gising na rin.
"Papasok ka? Kala ko day off mo?" Tanong niya.
"Change of plans." I simply said.
"O, kumain ka na muna." Pag-aya niya. Retired na pala si Manang kaya kami na lang dalawa sa bahay. Siya ang nagluto, I assume.
"Hindi na. Baka sa office na lang. Alis na ko."
"Hey, Ate! Okay ka lang ba?"
"I'm fine." Sigaw ko sa kanya mula sa sala. I get my car key at umalis na.
Pagdating sa office, I made myself busy. Pumasok si Judith sa office ko mga 7:50am na parang nagmamadali.
"Huy, okay ka lang?" Bungad niya.
Natawa ako ng bahagya. "Ikaw? Okay ka lang? Hingal na hingal ka, eh." Balik ko sa kanya.
"Eh, pano tumawag sakin kapatid mo. Parang di ka daw okay. Nagmadali na tuloy ako."
I smiled. "Okay lang ako. You take your day off. Andito naman ako. Ako na mag-aasikaso ng designs pati ng mga meetings today."
Pero parang hindi niya ako narinig. "What happened last night?" Nag-aalalang tanong niya.
Nagkibit-balikat ako. "Ayun, walang date na naganap. Sayang effort, diba?"
Tumahimik siya sandali. "Baks, pwede naman nating i-cancel muna yung mga agenda today. Labas na lang tayo kung hindi ka okay."
Umiling ako. "Okay lang."
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Stop saying you're okay. Because I know that you're not."
Tumingin ako sa kanya pagkatapos ay niyakap niya ako. With that, my tears fell.
Siguro nga, sa ngayon, ito lang ang kailangan ko. I need comfort. I need a hug. I've been strong for too long... nakakapagod din pala.
After few minutes, kumalma na ako. I decided to work kahit na ang suggestion ni Judith ay mag relax kami. Mas lalo ko kasing maiisip kaya mas gusto kong mag work na lang. Atleast I will be distracted.
I also suggested Judith to take her day off. Lagi na lang kasi siya ang naiiwan kapag wala ako. Pero ayaw niya. Para may kasama daw ako. Hay... I can't thank her enough. She is the best friend I ever have.
"Hey, it's almost lunch. Kain tayo?" Alok ni Judith.
"Una ka na. Maya na lang ako. Thank you." Wala akong gana. Kahit na against siya sa pagtanggi ko, inintindi na lang niya ako.
Mga tanghali na yon nang makarinig ako ng nagtatalo sa labas. Lumabas ako para silipin kung sino iyon.
"Tapon mo 'to, Diego. Dali." Sabi ni Judith sa maintenance namin.
"Pero... kay Miss Mallari yan, Ma'am."
"I know. Basta hindi niya dapat makita 'to. Dali na."
"Bakit hindi ko dapat makita?" Sabat ko.
Sinenyasan ko si Diego na ako na bahala dito.
"Uh--wala, wala. Balik trabaho na 'ko." Akmang aalis na si Judith pero pinigilan ko siya.
"Baks! Ano yan?"
Hindi na siya nakapalag pa pero ayaw niya pa din ibigay. "Ihhh, kasi..."
"Akin na." Sabay lahad ko ng kamay ko.
Nag aalinlangan siyang ibinigay ito sakin. It's an editorial magazine.
"Ako na bahala dito." Sabi ko kay Judith at pumasok na sa office ko.
Sinuri ko kung ano ang kakaiba dito.
Nakita ko na may article si Sky. With a girl.
Rising singer Sky Laxamana, dating the model Monique Sta. Ana?
Ang liit nga naman ng mundo. Si Monica? And Sky? Kailan pa nangyari ito? At bakit hindi man lang binanggit ni Sky sa akin.
I refrain myself from crying again. And I did. But I can't refrain my heart from aching...
BINABASA MO ANG
He's my Superstar
Teen FictionI want him to reach for the stars he want. But if he's already there, will I able to reach him too?