28

15 1 0
                                    

Happy Birthday to my real life best friend, Judith Mendoza! (AdhJud) Thank you for supporting me and this story. I love you so much! This chapter is for you. Enjoy!! :>

-

KESHA'S

So ayun nga, that night, nagtagumpay siya sa gusto niya na ihatid ako. Bumili ako ng coffee sa Starbucks bago magdrive ulit. Nakasunod naman siya sakin.

"Kesh."

"Hmm?"

"Can we go out?"

"Sure, lalabas naman na talaga."

Sumama ang mukha niya sa sinabi ko.

"You know what I mean... I mean, can I date you?"

Nagkunwari akong nag iisip. "Hmm? No."

Lumabas na ako ng coffee shop. Siya naman, sumunod nang bagsak ang balikat.

"Please?"

"No. Dami mong time, ha." Sabi ko sa kanya. Parang hindi siya busy singer, ah!

"Madami naman talaga. Please? Tomorrow, at 7pm?"

Humarap ako sa kanya. "Bakit ba ang kulit mo?"

"Uhmm, kasi mahal kita?" He asked back like it is the easiest way to answer.

Wala na akong masagot doon. Bwisit na lalaki 'to. Lagi nalang akong na-c-caught off guard sa mga sinasabi! Hindi talaga nagbabago.

Naging awkward na ang buong gabi namin pagtapos noon. It's been a week since that happened. Hindi pa ulit kami nagkakausap ni Sky. I heard to Psalm that he have some line-ups and mall shows kaya siguro busy siya.

Ipinilig ko ang ulo ko at ituloy na lang ang trabaho ko. Mamayang hapon kasi, uuwi na rin ako dahil isusurprise namin si Judith. Birthday niya kasi. Pinag day off ko siya ngayon dahil nga birthday niya. Pero hindi niya alam ang tungkol sa surprise.

I called her girlfriend, Mariel kung ready na ang place. Siya kasi talaga ang may idea nito. Sa condo ni Mariel gagawin dahil off niya ngayon kaya hindi kami pwede sa mismong bahay niya.

"Yes, okay na yung designs. Yung flowers, ipadedeliver ko na rin."

"Okay. Ako na ang bahala sa cake. Punta ako dyan ng 3pm." Sagot ko sa kanya.

At 3pm, I drove at Mariel's place at Makati. Tinapos ko ang iba dahil pupuntahan na niya si Judith. Kunwari kasi magdedate lang sila.

Naideliver na ang cake at naluto ko na rin ang iba pang putahe. I personally cook for her birthday, para mas special. Narito din ang iba pa naming malapit na mga kaibigan at ang pamilya niya at pamilya ni Mariel, which is really a great surprise for her.

Nakarating sila Mariel ng 6pm. Tinext niya ako nang nasa lobby na sila kaya agad kaming pumwesto para magtago at patayin ang mga ilaw. Pag bukas ng pinto, sinalubong namin siya ng malakas na "Surprise".

Halata sa mukha niya ang gulat. Humarap siya kay Mariel.

"Happy Birthday, Love."

"Halaa! Kainis ka!"

I smiled. She's teary eyed. Niyakap niya si Mariel. Sumunod akong lumapit sa kanya.

"Happy Birthday, baks."

"Huhu, baks!" Sabi niya at saka yumakap sa akin. I hugged her back.

"Sana nagustuhan mo ang surprise. And this is for you." Inabot ko sa kanya ang regalo ko na nakalagay sa paperbag. It is designer clothes that I bought for her in Paris.

"Kaya pala pinag-day off mo ako! Grabe! Pero thank you!"

Hinarap niya ang iba pang bisita niya. Natuwa kami ni Mariel dahil successful ang surprise.

"Thank you, Kesh." Sabi sa akin ni Mariel.

"Naku, wala 'yon. I'm happy to this, too. Thank you for making her happy."

She shrugged. "Wala, eh. I love her." She said that makes me smile wider. I'm so happy that she found the love of her life.

The night goes on. Nagkainan na ng dinner at nagparty ng kaunti. Nag uwian na rin ang mga kamag-anak ni Judith at Mariel mga bandang 8pm. Kaya kami kami na lang ang natira.

Nasa couch ako sa sala. Kakatapos lang naming ligpitin ang ibang pinagkainan. Tutulong sana ako sa hugasin pero sabi ni Mariel ay magpahinga na lang daw ako since uuwi pa ako. Hindi ko siya mapilit kaya pumunta na lang ako dito. Mayamaya pa ay sumunod si Judith.

"Huy, si Mariel? Siya lang naghuhugas ng plato?"

"Hindi, mamaya na lang. Sabi niya samahan muna kita dito." Sabi niya sabay upo sa couch.

"Thank you baks, ah. Mas masaya ang birthday ko."

"Wala 'yun, no. Kulang pa 'yan sa lahat ng pagsuporta mo sakin simula noong una palang. Isa pa, si Mariel din talaga ang nakaisip nito. You should thank her too."

"Yeah. I did, too. I'm so lucky, indeed. Anyway, kamusta ka pala? Di na kita nachichika, eh."

"Hmm, okay naman. Namiss ko sa Style Press."

"Nga pala, baks... Sky and I kinda talk." I opened to her.

"Oh, kamusta? Buti naman nakapag-usap na kayo!" She sighed. "Simula nung umalis ka, hindi talaga tumigil mag effort 'yang si Sky. Lagi kang tinatanong sa'kin. And even tried to contact you. And, every month, pumupunta ng Paris just to see you. Kahit di ka daw makausap, oks lang. Basta makita ka lang niya na okay. Haba ng hair mo dun, bakla!"

Sunod sunod na salita niya. Ang pinaka tumatak sa akin ay ang pagpunta ni Sky sa Paris. He went there?? For me?

"H-huh?"

Natigilan naman siya. "Huh? Luh? Di mo pa ba alam?" Pag aalinlangan niyang tanong.

Umiling ako. "Pinuntahan niya ako sa Paris?"

"Hindi niya sinabi sayo? Kala ko nag usap na kayo."

"Yep. I mean, oo nag usap kami. But he's just keep saying na liligawan niya ako and he keeps on asking me on a date." Sabi ko sa kanya.

Napakamot siya sa ulo ngayon. "Hala. Eh, sorry, baks. Huhu. Di ko pala dapat 'yon sinabi. Shet, ba't kasi ang daldal ko."

"It's okay. Atleast I know now."

Hay. May balak kaya siyang sabihin iyon sakin? Bakit hindi niya sinabi? Sabagay, hindi pa naman kasi talaga kami nakakapag-usap ng matino. But maybe this is the time. May reason na para mag-usap kami.

And I really need to talk to him.

He's my SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon