16

16 2 0
                                    

KESHA'S

Today is our big day. Launching kasi ng Summer Collection namin. I'm wearing my designer peach match tailored suit with little white tube underneath. I matched it with white sneakers. Itinali ko lang ng mababa ang buhok ko.

We are busy now. Nasa dressing room na kami at inaantabayanan ang pagsusuot ng dinesign namin na clothes for this gala.

"Ito ang ipang-palit mo sa kanya mamaya." sabi ko sa stylist ng isa naming model.

"Okay, Ma'am."

Hinanap ko si Judith para pansamantalang ibilin ang pagsusupervise sa kanya.

"Juds, pwede ikaw muna dito? Tatawagan ko lang saglit si Miss Ricafort."

"Bakit? Tatanggapin mo na?" Excited na tanong niya.

"Uhm, actually... no. I will be saying no." Sagot ko.

Parang nanlumo naman siya. Hinila niya ako sa tabi kung saan wala masyadong tao. Para siguro walang makarinig sa amin.

"Bakit? I mean, sure ka?"

I sighed. "Yeah, sure na..."

Parang hindi pa rin siya convinced sa sagot ko.

"Okay.. eh kasi, Sky needs me." Hininaan ko ang boses ko sa pagbanggit ng pangalan ni Sky. "Alam mo yan. Tsaka isa pa, okay naman ako dito. Nag-eenjoy din naman ako sa ginagawa ko. Bakit pa ko aalis, diba?"

It's her turn to sigh now. "Sure ka ba na okay ka dyan sa 'okay' na yan?"

"Pero sige. Kung yan na talaga ang desisyon mo. Wala naman akong magagawa. Sige na, tumawag ka na. Akin na 'to." Kinuha niya sa akin ang magazines na hawak ko at nauna nang umalis sa akin.

I tried calling Sky first. Sasabihin ko na muna sa kanya bago ko tuluyang tawagan si Miss Ricafort. Wala pa rin kasi kaming matinong usap ulit.

Sinagot niya naman ang tawag ko.

"Hi, love." Bati ko.

"Hey. We're on the middle of something, babe. Can I call you later instead?" Mahinang sabi niya.

"Oh... okay. Sure. Take care."

"Thanks. Sorry... bye for now."

And for the first time, siya ang unang nagbaba ng tawag. Usually kasi ako ang pinapauna niya at ayaw niyang siya ang nagbababa.

Well, it must've been really important, huh?

Umiling na lang ako at tinawagan na si Miss Ricafort.

"Ma'am, thank you for your wonderful offer. But I am respectfully declining it. Sorry po."

"Naku, ganoon ba? Sayang naman." Mukhang nalungkot siya sa sinabi ko.

"But, you know... if you ever change your mind, you can contact me."

"Yes, ma'am. Thank you."

Hayy. Napapaisip ako kung tama ba yung ginawa ko. May isang parte din sa akin na para bang gusto ko ding tanggapin kasi sayang naman. Ang laki ng tiwala sa akin ni Miss Ricafort.

My day goes on. Parang wala ako sa wisyo buong araw. Masaya sana since ako ang nag design sa Summer Collection. Pero hindi ko pa rin magawang i-enjoy.

--

SKY'S

We're currently writing the first part of the album. Kaya naman nang tumawag si Kesh, hindi ko na magawang makipag-usap.

Nagpapalitan kami ni Dale ng ideas at words nang pumasok si Colin.

"Can I talk to Sky privately first?" Paalam ni Colin kay Dale.

"Sure, sure."

"Thank you, pogi." Biro ni Colin kay Dale. Natawa naman ako.

"Hey. What's the matter?" Tanong ko.

"So, may ididiscuss ako sayo ngayon. Eto nga, since you're about to release an album in few months, we need you to be on a spotlight. Para ngayon palang, marami nang sumuporta sayo."

"I have fans naman na. At paano naman yan?"

"Yeah, I know. But this will lead you to bigger spotlight. I need you to be link in a model or actress."

"What? Are you serious? Cols, you know I don't want to be involve in Showbiz that much."

Totoo iyon. And I think nasabi ko na iyon sa kanya before pa. Pwede namang kumanta lang ako at hindi na mainvolve pa sa show business talaga.

"I know. Pero hindi naman kita pinapa-arte! This will add to your fame as a musician."

"Nope." Sagot ko.

"Sky naman! Andito ka na. Why not make the most out of it? Why not to be more?"

"These will earn you more fans and supporters. And when you have your first solo concert, sigurado maraming tatangkilik niyon dahil mas marami ka ng fans."

Tahimik pa rin ako.

"Pag-isipan mo." Huling sabi ni Colin sa akin bago siya lumabas.

I sighed. Napaisip nga ako sa sinabi niya.

--

KESHA'S

I'm still not feeling good. After the Fashion walk, bumalik kami ng office since 3:30pm palang. Ayoko rin namang umuwi agad pag ganito. Mas gusto kong busy ako pag alam kong hindi ako okay.

Sky still not call me back yet. Hindi ko na rin muna tinawagan ulit kasi baka busy pa rin siya.

Inaayos ko yung mga designs ko for private client nang pumasok si Judith.

"Huy, okay ka lang? Kanina ka pa matamlay, eh. " Tanong niya.

"Yep. Thanks for asking. Thank you din sa pag-asikaso kanina."

"Wala yun. Nga pala, ang balita, may bago daw tayong model."

Napaangat ako ng tingin sa kanya. "Talaga? Sino daw?"

"Di ko pa alam name, eh. Pero baka bukas, ma-meet natin."

Nagkibit-balikat ako.

"Anyway, uuwi na ako, ah. Pagod today, eh." Sabi niya sa akin.

"Sure, sure. Ako naman tatapos nung iba. Ingat ka." Sagot ko.

"Thank you, baks. Bukas na lang ulit."

I waved my hand to her.

At 6pm, lumabas na rin ako ng office para umuwi na. Nagulat ako dahil narito pa ang iilang stylist at parang may pinagkakaguluhan sila.

"Anong meron, Jo?" Tanong ko kay Jo, make-up artist.

"Andyan yung bagong model. Ganda nga, eh."

"Ow? Kala ko bukas pa?" Pagtataka ko. Pero nagpaalam na rin ako sa kanya para makauwi na.  "Anyway, una na 'ko, Jo."

"Sige, Miss Kesh. Ingat ka."

I was on my way through my car when I saw someone familiar.

Hindi ako pupwedeng magkamali...

Papalapit siya sa akin. She's smiling at me...





"Monica?"

He's my SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon