2

58 6 0
                                    

KESHA'S

After one and a half hour, natapos na rin sa wakas ang physics! Inayos ko pa yung mga gamit ko, yung mga kaklase ko naman nauna nang magsilabasan. Kami na lang ni Monica ang naiwan dito together with Geca and Aiza, classmates din namin. I saw Sky waiting for me outside. Well, Sky is Sky. May isang salita. Nakasandal siya sa wall na nasa tapat ng classroom namin. He's wearing our university jacket now.

"Girl, bilisan mo! Naghihintay na yung Prince Charming ko sa labas!!" Impit na sabi ni Nica kay Aiza.

"Feeler ka, friend! Ako hinihintay niyan." Sabi naman ni Aiza.

Uhm, nasabi ko na ba sa inyo na Campus Hearttrob iyang si Sky? Well, nasa band nga kasi siya. Kaya ayun, ang daming nagkakacrush sa boyfriend ko. Well, to admit, he's handsome. He's tall and lean. May pagka-chinito siya. And he has a perfect set of teeth! Mas gwapo pa siya dahil sa madalas niyang pag ngiti. Hindi siya yung snobber type ng vocalist or kasali sa band. Iba si Sky. Pero hindi lang naman siguro sa kanya maraming nagkakacrush, pati na rin ang bandmates niya. Sikat kasi ang band nila rito. Every time na may gigs sila, present talaga lahat ng mga girls sa iba't-ibang section at ibang year levels.

"Hoy mga echusera! Di na kayo nahiya. Andito girlfriend, oh! Umuwi na nga kayo! Bago ko kayo ipasundo kay kamatayan!"

Pinipigilan kong tumawa sa ginawa ni Monica. Mukha namang natakot yung dalawa kaya dali-dali silang lumabas ng classroom ng hindi kami tinitignan.

"Ano ka ba! Dapat hinayaan mo na lang."

"Sus, beb. Di magtitino yung mga yun pag hindi tinakot."

Tumawa na lang ako at lumabas na kami. Mataray talaga 'to si Monica, eh.

"Sorry, nag ayos pa kasi kami ng gamit, eh." Sabi ko kay Sky paglabas namin.

"It's okay. Hi, Monica." He greeted my best friend. Tumango naman si Monica. "Let's go?"

"Yep. Beb, sabay ka na sa amin." Aya ko kay Monica.

Medyo magkalapit lang kasi kami ng bahay ni Monica. Tsaka hindi ko naman siya hahayaan na mag-isa.

"Hindi na, no! Maiingit lang ako sa inyo! Tsaka dadaan pa ako sa bookstore, bibili ako ng canvas."

"Okay. Whatever you say! Mag ingat ka beb, ha?" Sabi ko sa kanya sabay beso.

"Oo, sige. Oy, Skyler James Laxamana! Ingatan mo itong bff ko, ha?"

"Oo naman. Kahit di mo pa sabihin."

"Asus. Dyan ka magaling. Sige na, bye na beb, Sky."

"Bye, beb."

And then nauna na siyang maglakad sa amin. Sumunod na din kami ni Sky. Paglabas sa may gate, may nakita akong nagtitindang fishball. Ang bango. Shet. Nag-crave tuloy ako bigla!

"Sky, fishball muna tayo! Libre ko." Ngumiti pa ako ng matamis sa kanya.

Pinisil niya muna yung ilong ko bago siya magsalita.

"Yun lang pala gusto ng baby ko, eh. Tara! Tsaka ako na magbabayad."

"Yey! Thank you, baby!"

Tapos hinila ko na siya sa bilihan ng fishball. Actually, di talaga uso sa amin yung mga endearments na yan. Pero minsan, pag sobrang natutuwa or may kailangan kami sa isa't-isa yan talaga. HAHAHAHA.

--

Nagsimula na kami maglakad habang inuubos yung fishball na binili namin. Malapit lang kami dito. Pwedeng lakarin lang, pero pwede din namang mag-tricycle. Since maliwanag pa naman, naglakad na lang kami. Para na rin makapag-kwentuhan kahit papaano. Our kind of bonding.

"So, diretso ka na kina Psalm after nito?" Tanong ko sa kanya.

"Nope. Exempted. Gwapo ko, eh."

"Wow. Ano? Mabigat ba magbuhat? Tulungan kita." Sarkastiko kong sabi.

"Joke. Oo, eh. Kailangan. Malapit na foundation day natin."

Tutugtog kasi sila sa foundation day. As usual.

"Oo nga pala. By the way, ano pala tutugtugin niyo?"

"It's a secret for now, baby."

"Hmp. Daya!" Sabi ko na kunwari nagtatampo.

Magsasalita pa sana ako nang makita kong nandito na kami sa tapat ng bahay namin. Isang village lang naman kami ni Sky. Mas bungad nga lang ako.

"Basta, surprise." Then he winked at me.

"Okayyy. Whatever you say!"

"I'll see you tomorrow. I love you." Then he kissed my forehead.

"Yeah. Love you, too."

I waved at him bago ako pumasok. It's been a looooong day!

A/N: Sky's picture above. Hihi.

He's my SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon