My favorite chapter so far. Happy Reading! <3
-
KESHA'S
Months had passed. November na ngayon. Konting kembot na lang, college na. Ang bilis ng panahon!
Today is Monday. May pasok, as usual. Ang ingay ng mga kaklase ko dahil wala pang teacher. Late siya ng 15 minutes. Akala nga namin absent siya. Pero dumating na rin siya maya maya kaya tumahimik na ang mga kaklase ko.
"Okay, class. Keep quiet! Today, wala tayong class. Manonood kayo ng indie film."
Nagtilian naman agad ang mga kaklase ko.
"Woaaah."
"Yey!!"
"Sshh! Pero. Gagawan niyo iyon ng reaction paper pagkatapos.
Nanlumo naman ang lahat. Akala nila masaya na, eh.
Sa Auditorium kami nanonood. The film was ''Til the end of us.' Suicide awareness ito kaya maganda.
Maaga kaming pinauwi pero parang grabe pa rin ang pagod ko. Siguro kasi sunod sunod na rin ang mga requirements dahil palapit na ang finals. Madalang na nga din kaming magkita ni Sky.
The week had passed like a blur. It's Saturday today. I texted Sky kung may gagawin ba siya ngayon. Hindi kasi kami nakapagkita ng isang linggo dahil sa mga requirements. Gusto ko siyang kamustahin ng personal. Ilang oras na pero hindi pa rin siya nagreply. Ano kayang nangyari dun? Tatawag na sana ako sa kanya ng tumawag si Monica. Sinagot ko agad yung tawag niya.
"Hello, beb?"
"BEB!! Nasa MOA ako ngayon. Punta ka dito, dali."
"Huh? Bakit? Ano meron?"
"Basta! I'll explain to you pagdating mo dito. Go na kilos na! Ootd ka, ah! Pabango ka din. I'll wait for you. Bye, Ingat ka. Love you."
Pagkatapos ay ibinaba na niya. Dami ko pang tanong, eh. Ang weird naman ni Monica ngayon. Anyway, nagbihis na rin ako. There's only one way to find out lang naman, eh!
I wear my high waist pants and my white 5 seconds of summer shirt. Nakasampay pa kasi yung mga pang-alis kong damit ngayon. Naka-tuck-in yung shirt ko sa high waist pants ko at nilagyan ko ng black na sinturon and paired it with white sneakers. I curl the bottom part of my mid-length hair.
Pagkatapos mag-ayos ay nagpaalam na ako na aalis ako. I took a bus to get there. Mga 4pm, nakarating na ako sa MOA. Medyo heavy traffic kasi.
Tinext ko si Monica kung nasaan siya. Pinuntahan ko naman siya agad.
"Sorry, medyo traffic, eh. Bakit ba? Urgent ba 'to?" Tanong ko sa kanya.
"Wag ka ng matanong! Ay, wait. Ano 'to?" May binunot siya sa back pocket ko.
Nagulat ako sa kung ano iyon. It's 5 seconds of summer VIP Standing ticket! Binigay niya iyon sakin. O.M.G. Is this for real??!
"Sakin 'to?? Halaaaa, thank you!!!" Niyakap ko si Monica na tumatawa ngayon. Ako naman, tuwang-tuwa! Sobrang saya ko lang talaga!! Thank You, Lord! Papakabait na talaga ako bukas na bukas din!
"Welcome." Rinig kong sabi ni Sky na nasa likod ko ngayon.
Lumingon ako sa kanya. "Wait, sayo galing 'to? Pero akala ko.." pagtapos ay tumingin ako sa kaibigan ko.
"Yes, beb. Si Sky ang may pakana ng lahat. He should be the one you're thanking. Sige na. Una na ako. Sky, ikaw na bahala, ah. Enjoy kayo, beb." Tapos ay umalis na siya.
Nag-salute at nagpasalamat si Sky sa kanya pagkatapos ay lumapit na siya sa akin.
"Ih! Akala ko ba hindi tayo manonood? May gig kayo, diba? Okay lang naman sakin, eh." Naiiyak na sabi ko. Sobrang saya ko kasi talaga.
"Well, surprise." He said opening his arms. Yumakap ako sa kanya. He hugged me back and caressed my hair.
"Nagustuhan mo ba?" He softly asked.
I nodded then looked at him. "Sobra."
"Kung ganoon, halika na. Gates are starting to open."
He held my hand through the venue. Inilabas na rin niya ang ticket niya.
Wow. I still can't believe that I'll be one of the crowds tonight. And, sakto ang suot ko! Tapos VIP pa kami! Iniimagine ko pa lang na sobrang lapit nila sakin hindi ko na kinakaya, paano pa kaya mamaya?
Ilang oras pa at nagsimula na rin ang show. The boys are started to come out. Grabe ang tilian. Kaya nakisigaw na rin ako. Hehe!
"Good evening, Manila!!" Bungad ni Luke Hemmings.
"Ahhhh!!!" Sigaw ko. Patay ang vocal cords ko nito bukas. But I don't care. Huhu.
Lumabas na rin ang iba pang members na sila Calum, Michael at Ashton.
"I love you, boys!!!" Sigaw ko sa kanila. Sky laughed beside me.
Nagsimula nang mag strum ng guitar si Luke at Calum. OMG, Heartache on the big screen!!
Mas lumakas pa ang hiyawan at pagsabay sa kanta nang mag chorus na. Nakikanta at nakitili din ako, syempre. Haha!
They sang another, and another. Until they down to their last song. Ugh! Ayoko pa! As if naman, no?
Bago mag last song, nag speech si Luke.
"Before we sing our last song for tonight, I just wanna greet Keira Shantell. Thank you for supporting us and for being here tonight." Huh? Ano daw?? Pangalan ko ba yon? Hoy!!
Lumingon ako kay Sky na nakangiti ngayon. The crowd is already cheering. Hinampas ko siya.
"Ano 'to??"
"Sshh." He said at pinaharap ulit ako sa harap. Inakbayan niya ako para hindi ako makalingon sa kanya.
Nakatingin sakin si Lukas, mygosh! Pagtapos ay tumingin kay Sky. "And to her amazing man, dude, continue to play and remember to never give up on your dreams. We love you. This song is for you, guys."
Nagtitilian ang mga tao sa paligid namin. Habang ako, natulala. Di ko alam gagawin ko! Totoo ba na nangyari yon?
They sang their last song. And to find out that is my favorite one. Disconnected.
Sa nangyari tonight, pwede na akong ma-deads! Syempre joke lang. Ang saya talagaaa!
Hinatid na ako ni Sky sa bahay. Bago bumaba ng kotse niya, nagtanggal ako ng seatbelt pagkatapos ay niyakap siya. Dahil sa kanya ang lahat ng ito!
Ang sabi niya, pinakiusapan niya ang organizer ng concert na sabihin iyon kina Luke. Kinausap din siya ni Luke online tungkol dito kaya nakilala siya nito at ginawa ang request niya. Ikaw na talaga, Sky!
"Thank you! You are the best." I said while hugging him.
"You deserve the best." He said and kissed my forehead.
If he only knows. He deserves the best, too.
BINABASA MO ANG
He's my Superstar
Teen FictionI want him to reach for the stars he want. But if he's already there, will I able to reach him too?