9

22 2 0
                                    

KESHA'S

It's Sunday today. Kagabi yung performance ni Sky. Hindi ako nakasama dahil may emergency project na ipinagawa sa amin. Hindi pa nga yon nagkukwento kung anong ganap kagabi. Pero nagtext siya na pupunta siya ngayon dito sa bahay. Gusto ko sanang pigilan siya dahil medyo maulan ngayon pero may sasabihin daw siya.

Habang naghihintay, nasa sala kami ni Yana ngayon. We're watching Grey's Anatomy. Ang pogi talaga ni Dr. Shepherd! Let me rephrase sa nanonood na part, ako lang ata itong nanonood dahil text nang text ang katabi ko. Nakangiti pa. Pinause ko muna yung pinapanood namin para tanungin siya.

"Aba, ganda ng ngiti natin, ah. Sino ba yan?" Sinubukan kong tignan ang cellphone niya pero nailayo niya agad.

"Ate! Nood ka na lang dyan!" Sabi niya tapos bumalik ulit sa pagtetext.

"Sino nga!" Pilit ko sa kanya.

Umayos siya ng upo at saka sumagot. "Si ano.. si Psalm," mahinang sagot niya.

Hindi na ako masyadong nagulat since parang may something na nung foundation day. Pero hindi ko pa rin maiwasang magtanong.

"Hoy, anong meron sa inyo, ha?" Well, hindi naman ako nasigaw nyan.

"Wala, ate."

"Talaga ba? Umamin ka!"

Binitawan niya ang phone niya at saka sumagot. "Okay. Nanliligaw siya. Okay na, ate?"

"Aba! Ang bata niyo pa, ah."

Nagkamot siya ng ulo. "Ang OA ni ate? Eh bakit kayo ni Kuya Sky, mas bata pa nga kayo samin nung nag-ligawan kayo, eh."

First year high school na kami 'non! Ay sabagay, may point siya.

"May point ka naman, hehe. Pero kahit na. Tsaka sabihin mo, dito siya manligaw. Kahit kilala ko pa yan si Psalm, dapat hindi siya mag-shortcut sayo, ah."

"Si Ate! Oo na. Tsaka yun naman talaga yung plano ko. Ayoko lang biglain ka."

"Okay. Basta, ha. Magtatapos muna kayo."

"Oo naman, Ate. Stop being O.A, please."

Aba't! Hindi na natuloy ang usap namin dahil may nag doorbell sa labas.

"Wait, baka si Sky na yan." Sabi ko.

"I'll get it, Ate." Tumango ako at siya na ang nagbukas ng pinto.

"Hey, Yans." Rinig kong bati ni Sky kay Yana.

"Hi, Kuya Sky. Pasok ka na."

May binigay si Sky sa kanya na gummy worms na nakalagay sa maayos na garapon. Alam kasi ni Sky na paborito niya iyon.

"Hala, thank you, Kuya!" Yumakap siya dito. Ginulo naman ni Sky ang buhok niya.

"Sige, maiwan ko na kayo. Sa taas lang ako." Paalam ni Yana sa amin.

"Ayaw mong kumain muna?"

"Hindi na, Kuya. Thanks dito! Akyat na ako, Ate." Tumango ako sa kanya.

Lumapit ako kay Sky. May dala siyang chicken wings. Kinuha ko ang chicken wings sa kanya at pumunta sa kusina para ayusin. Sumunod naman siya. Nauna na siyang umupo sa dining chair sa dining table habang sinalin ko sa pinggan ang chicken wings.

Naghila ako ng upuan at saka umupo at nilapag ang chicken wings sa lamesa. "Anong nangyari kagabi? Masaya ba?"

"Yup. Nag-enjoy kami. Pati ang crowd."

"Good. Eh pero bakit parang hindi ka ata masaya? May nangyari ba?" Tanong ko sa kanya.

He sighed. "Well... someone made an offer last night. He's from a Music talent agency."

He's my SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon