KESHA'S
Hindi ako pwedeng magkamali. She was once my best friend. Kaya nakilala ko siya agad. She's wearing a petite dress that make her curves more obvious. Nakalalugay din ang mahaba niyang buhok. She is far from the Monica I know.
"Hi, Kesh." Bati niya sa akin.
"H-hey. Kamusta?"
Ang dami kong gustong itanong sa kanya. But this is not a right place for that. So I invited her for a coffee.
We settled ourselves sa tabi ng salamin sa coffee shop, kung saan kita ang labas.
"Kamusta ka? Ang tagal mong nawala."
She chuckled. "Yeah, sorry. I didn't have the time to inform you."
I nodded. "Wait, so ikaw yung bago naming model?"
"Uhuh. You're right."
"Omg! Model ka na! I thought you want to be a Psychiatrist?"
Yes, she used to dream to be one. Kaya nga nagtataka ako at ang laki talaga ng pinagbago niya.
"Well, people change. Dreams change."
Sumimsim siya ng kape niya. She's really here. But I feel like she is not the Monica I know. She is not my Monica. She became... cold.
Wala kami gaanong napag-usapan dahil hindi siya masyadong nagkukwento. Dahil doon, hindi na rin ako masyadong nagtanong.
Kinabukasan, nagkakagulo pa rin dahil sa bagong model. Nakaupo na ko sa desk ko at inaayos ang schedules ko nang pumasok si Judith.
"Uy, nakilala mo na yung bagong model? Maganda siya, ah. Tsaka matangkad." Sabi niya.
I smiled. "Syempre, baks, model nga, eh! But yep, I already met her. Yesterday." Simpleng sabi ko.
"Hoooy! Daya mo!"
"Bakit parang kasalanan ko?" I joked. "Umuwi ka na, eh."
"...tsaka, kilala ko na talaga siya." Dugtong ko.
Umupo siya sa upuan na nasa harap ng table ko na para bang interesadong interesado.
"Huh? Panong kilala? Personally?"
"Yep."
"She was my best friend in high school."
Nagulat siya. "Hala, talaga? Edi close kayo?"
"Hmm, hindi na eh. Nawala kasi siya after graduation. At nakakatuwa dahil kahapon ko lang siya ulit nakausap. But she seems distant..."
"Ow."
Naputol ang pag-uusap namin nang kumatok si Miss Pam para ipakilala formally si Monica.
"So this is our Fashion Design Department. This is Keira Shantell Mallari, and this is Judith Mendoza. Our best Fashion Designers here."
"Judith, Kesh, si Monique Sta. Ana. Our new model."
I extended my hand to her. As well as Judith.
"Nice meeting you both." Mahinhin niyang sabi.
"We're going now. So our next stop is..." sabi ni Miss Pam.
Isinara ni Judith ang pinto pagkatapos ay naupo na ulit kami. So, pati pala pangalan niya, nag-iba na.
"Actually, baks. Hindi ko siya feel. Parang may something, eh. Sorry, ah. Bff mo siya, eh." Sabi ni Judith sa akin.
"Nope. It's okay. Hindi ko nga alam kung mag best friends pa rin kami hanggang ngayon. So, no, no offense taken."
I said to her. Bumalik na kami sa trabaho pagkatapos noon. Hindi ko alam kung paano ko papakitunguhan si Monica--or I can say, Monique. Pero bahala na. We're professionals naman na.
--
SKY'S
"I thought about it, Cols." Sabi ko kay Colin. Nasa headquarters kami ngayon para mag meeting. Kasama ko si Ross at si Sasha.
Agad namang naupo si Colin, interesado sa sasabihin ko. "O, ano? Anong naisip mo?"
"Kung ililink ako, pano yung mga fans ko? Hindi ba sila magagalit dahil doon?"
"Kaya nga we need to start it as early as now. Para hindi sila mabigla. Pag nagkaroon kayo ng fandom, mas lalaki yung network mo. Mas maraming susuporta sayo..."
"I somehow agree. May mga talents na ganoon. Mas makikilala ka." Suggestion ni Ross.
"Okay." Sagot ko.
"Okay?" Tanong ni Colin. Tumango ako.
"Okay, Sasha, book a schedule tomorrow. We will meet her manager, Barbara Cordero tomorrow." Sabi ni Colin na excited na excited.
"Noted, Sir." Sagot ni Sasha.
"And... Sky, you're not gonna tell this to your secret girlfriend. Hindi na dapat masira ang plano natin." Paalala ni Colin. Naisip ko nga sana na sabihin kay Kesh 'to pero inunahan ako ni Colin.
"Fine." I said.
Sasabihin ko naman sa kanya. Hindi lang muna ngayon. Tama si Colin. This is also for me.
True enough, kinabukasan, iyon agad ang inatupag namin. Nakipagkita kami sa Manager na si Barbara Cordero sa isang private Hotel Restaurant.
"Barbs!" Lapit ni Colin kay Miss Cordero. Yumakap pa siya at nakipag beso.
"Coleng!"
"Thank you, Marse at pinaunlakan mo kami! Ay, eto pala alaga ko. Si Sky Laxamana. Sky, si Barbara."
I extend my hand to her. "Pleasure to meet you, Ma'am."
"Likewise. Naku, ang pogi naman nitong alaga mo. Alagaan mo ito, ah." Sabi niya kay Colin.
"Oo naman, Marse. Teka, san yung alaga mo?"
"Iyon nga, may commitment kaya hindi nakasama. Hindi bale, next week, you can meet her." Bumaling din siya sa akin kaya tumango ako.
Hinayaan kong sila ni Colin ang mag-usap tungkol dito.
After the agreement, magpipirmahan next week about the deal kung papayag ang parehong management.
Sa ngayon, tinuloy namin ang pagbuo ng kanta. Malapit lapit na rin naming matapos.
When I went home, I called Kesha through video call. Sinagot naman niya agad.
"Hey. Kamusta ang baby ko?"
Halatang pagod siya at ready na matulog.
"I'm fine. You? Kamusta career?" Tanong niya. Hindi ko pa kasi pwedeng sabihin yung, alam niyo na...
"Fine. Patapos na kami sa album. And hey, I'm dedicating it to you."
"Talaga? Na-excite tuloy akong marinig!"
"Soon. I miss you. Take care of yourself, okay?"
"You, too. Babe, sige na. Antok na ko, eh."
"Ow, sure sure. I love---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinatay na niya ang call. Siguro nga pagod siya.
I looked at my calendar at nakita kong next month na pala ang Anniversary namin. Pag-uusapan na lang namin ito sa mga susunod kung saan kami. For now, magpapahinga na din muna ako.
BINABASA MO ANG
He's my Superstar
Teen FictionI want him to reach for the stars he want. But if he's already there, will I able to reach him too?