13

17 1 0
                                    

KESHA'S

Nakatulala pa rin ako ngayon. Nag-iisip ako tungkol sa napag-usapan namin ni Miss Ricafort. Miss Ricafort is woman in her 40s. She's the Executive Director of one of the prestige clothing line in Paris. Kaya ganoon na lang talaga ang gulat ko nang ako ang gusto niyang kunin bilang fashion designer niya.

"So, kukunin mo ba? Anyway, I am asking as your friend." Tanong sa akin ni Judith.

I shrugged my shoulders. "Pag-iisipan ko pa, Judith." Sagot ko sa kanya.

My mind clouded with the things she said to me during the meeting.

"I am offering you a job in Paris. You will be working for me. Don't worry, I already told Pamela about this, and she already agreed. It will only just for two years. After that, pwede kang bumalik ulit dito sa Style Press. But if you still want to work for me after that two years, I can give you the position for good."

Matama pa rin akong nakikinig sa kanya.

"I personally chose you because I saw how talented you are and how well you are in your craft. I trust you enough for the job. I am giving you time to think about it. But I really do hope you'll consider it." Ngumiti ito sa akin.

"I'm still here in the Philippines, so, if you think of considering it, you can call me anytime." Ibinigay niya sa akin ang calling card niya.

"Thank you, Ma'am. Pag-iisipan ko po ito nang mabuti." I smiled at her. Nagkamay kami bago tapusin ang meeting.

I sighed. Ang dami kong kailangang i-consider kung aalis man ako. Maybe I'll tell Sky about it first, to help me decide...

Nawala iyon sa isip ko dahil na-busy ako sa trabaho nang maghapon na iyon.

"Do you think this will do?" Tanong ni Frey sa akin, Fashion Designer din. We're currently dressing one of our models for our summer collection. 

"Pwede. Pero sa tingin ko, mas bagay ito sa skin tone niya." Binigay ko sa kanya ang beige maxi dress with thin strap.

"Maganda nga. Try this one." Binigay niya ito ngayon sa model.

I excused myself for a minute dahil kailangan kong matapos ang iba pang designs ngayon. Pumunta ako sa office ko. Pero mayamaya pa ay kumatok ang isang staff namin.

"Miss Mallari, may delivery po kayo." Sabi ni Shine. Niluwagan niya ang pinto para maipasok ang isang bugkos ng bulaklak. It's a boquet of Tulips. My favorite flower.

Tinanggap ko ito at nagpasalamat sa kanila.  Binasa ko ang note para malaman kung kanino galing.

I am Sky, and you are my sun. Because you give my life the light and shine. Hope you're having a great day, my love.

                     - SJL.

I smiled. So.. kay Sky pala galing. Sakto naman na nag ring ang phone ko at siya ang tumatawag. Sinagot ko agad ito.

"Hi, baby. How's your day?" Tanong niya.

"It's better now. Thank you sa flowers. Ikaw?"

"It's also better now. Silip ka sa bintana mo."

Ginagawa ko nga at nakita ko ang sasakyan sa labas. Tinted ito kaya ibinaba niya ng kaunti. Naka-shades niya but I saw his smile.

"Nagustuhan mo ba yung flowers?"

"Of course. It's my favorite. Thank you." I said to him smiling.

"Welcome. It's good to know you love it. Sorry, I can't go there and personally talk to you..."

"Ano ka ba. Wala ka namang dapat ika-sorry, eh."

Tumahimik siya sandali bago magsalita.

"Hmm. I think I got to go, babe? See you on our next date."

"Owki. I love you."

"I love you."

He waved one last time at umalis na rin ang sasakyan niya. Yeah, I can't wait for our next date. Excited na rin akong sabihin sa kanya yung about sa Paris.

--

SKY'S

"Let's go, Sir Ben." Sabi ko sa driver namin. Kasama ko din si Ross at Sasha ngayon. Papunta na kami sa Music Verse. Pipirma kasi ako ng kontrata ngayon. Nauna na si Colin doon.

"Uhm, pwede bang huwag na lang natin 'tong sabihin kay Colin?" I asked Ross and Sasha.

Hindi kasi alam ni Colin na dumaan kami sa office ni Kesha. Sigurado kasi, pagbabawalan niya ako. Kaya yung mga date namin ni Kesh, sobrang patago. Kaya nahihiya na rin ako sa girlfriend ko. Kasi kailangan niyang maranasan ang ganitong sitwasyon.

"Actually... alam na niya." Sasha said.

I sighed. Bahala na pagdating doon.

True to my prediction, sinalubong ako ni Colin at ng matalim niyang mga mata.

"Sky, ano ba? Akala ko ba nagkaintindihan na tayo? Pano kung may nakakita sayo na paparazzi at picturan ka? Pano kung ma-issue ka? Sky, you're going to have your own record label! We can't lose this. Not now!" Sunod sunod na bungad sa akin ni Colin pagpasok ko sa designated room ko.

"Easy, okay. Ni hindi nga ako bumaba ng kotse." Depensa ko.

"Paano nga kung ganoon?! At akala mo ba hindi ko alam na lumalabas kayo niyang secret girlfriend mo? Kapag na-issue ka, huwag kang lalapit sa akin, ha. Ang tigas ng ulo mo!"

Nagulat ako doon. Hindi ko din alam kung paano niya nalaman. Lumalabas naman kami ni Kesh mostly during my day offs.

Kumalma siya ng kaunti bago nagsalita ulit. "Just, for once makinig ka naman, okay? Pumayag ang agency na hindi ka makipagbreak dyan sa jowa mo, pero huwag niya namang abusuhin! She can stay right there. At the backstage of your life!"

"Hey. Dahan dahan naman. It's my girlfriend we are talking here." Sagot ko dahil hindi ko na napigilan. Wala siyang kasalanan. At wala siyang ginagawang hindi maganda.

"Kung gusto mong magalit sakin, then fine. Pagalitan mo ko. Sabihin mo yung masasakit na salita na alam mo. But not to her. Wala siyang ginagawang masama."

After that, I walked out. Bago pa ko may masabing hindi maganda.

The Contract Signing went well. Though, hindi pa rin kami gaanong nagkikibuan ni Colin dahil sa nangyari.

"We will start the composing of your songs next week. This is Dale, our music composer. But you can have your input in the songs we will be producing." Sabi ni Mr. Alcante sa akin. Nakipagkamay naman ako doon sa Dale.

"Sky Laxamana." Pakilala ko.

"Thank you, Sir. See you next week." Kinamayan ko na din si Mr. Alcante pagkatapos noon.

Nakauwi ako sa bahay that night. Pagkauwi ko, I texted Kesha na mag date kami bukas since free ako at gusto kong sabihin sa kanya ang tungkol sa record label. She's the very person I want to know about it.

Me:

Date night tomorrow? Say yes, please :)

Mayamaya pa ay nagreply na siya.

My baby:

Yes! :D see you!

I smiled. Hindi ko pwedeng pabayaan si Kesh gaya ng gusto ni Colin. I am her boyfriend. It is my responsibility to do things like this. At isa pa, ito lang ang tanging paraan para makasama ko siya. With all the restrictions that we are having... this is the only way. To be with my girl.

He's my SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon