KESHA'S
Saturday ngayon. Pero pupunta kami sa school. Ngayon kasi yung Foundation Day sa school namin. At one week din yung celebration. At ngayon yung opening.
"Ate! Pwede ba ko pumunta sa school? Opening ngayon, diba?" Tanong ng kapatid kong si Yana. Same school kasi kami. Nga lang, Junior High School pa lang siya. Same sila ni Psalm.
"Oo. Pero hindi naman kayo required, hindi ba? Dito ka na lang, samahan mo nalang si Manang Mira dito."
Nga pala, Si Manang at Yana lang ang kasama ko sa bahay. Si Mommy kasi nasa U.S. Nag-aasikaso ng Business na naiwan ni Daddy. Maaga kasing nauna si Daddy, eh. Kaya ayun, madalang lang siyang umuwi dito. Pero naintindihan naman namin iyon ni Yana.
"Eehh. Ate naman, eh! Tsaka iniimbita din ako ni Psalm."
"Huh? Woy, anong meron sa inyo ni Psalm?"
Bago pa sya sumagot ulit, nagsalita si Manang Mira.
"Sige na, hayaan mo na si Yana. Ako na bahala dito. May tiwala naman ako sa inyo, eh. Malaki na kayo alam niyo naman siguro ang limitasyon niyo, hindi ba?"
"Opo." sagot ko.
"Yieee. Thank you po, Manang Mira! The best talaga kayo." Sabay yakap kay Manang. Sobrang malapit na siya sa amin, sa sobrang tagal ba naman niyang nag-aalaga sa amin, eh. Kaya parang lola na ang turing namin sa kanya.
I sighed at hinayaan na lang si Yana. Pero mayamaya pa ay lumingon siya sa akin. "Anyway, we're friends, Ate! Well, friends PA LANG. Hihi." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umakyat na siya sa kwarto niya para siguro mag-ayos. Aba, ang bata na yon, ah!
--
"Bilisan mo, beb! Magsisimula na, eh."
"Oo na, eto na nga."
Bumaba na kami ni Monica sa tricycle at pumasok sa Campus. Gumastos pa tuloy ako. Masyado kasing atat 'tong kasama ko, eh. Sabay kaming pumunta ngayon. Dinaanan niya ako sa bahay. Si Yana, susunod na lang daw kaya nauna na kaming umalis.
"Tara dun tayo sa bandang unahan." Aya ni Monica sa akin.
Medyo marami na ngang tao. Sa gymnasium ginawa since maluwag at malaki naman ito.
"Ano ba kakantahin nila Sky?" Tanong ni Monica sa akin.
"Hindi ko alam eh, ayaw niyang sabihin." Sagot ko.
Totoo naman yun. Everytime na tatanungin ko siya, sasabihin niya na surprise na lang daw. Maya-maya pa, lumabas na sila Ms. Ford at Sir Santiago, sila kasi ang Emcee.
"Good Afternoon, everyone! Thank you for celebrating our 54th Anniversary. Especially for our students that participate in this event." -Sir Santiago
Eh? As if naman may choice kame. Required kaya kami! Haha. Hayaan na nga. Isa pa, magpeperform naman ang boyfriend ko. Bago ang lahat, nag pray muna. Tapos may mga introductions. Hanggang sa dumako na sa performances. Sila Sky na!!
"And now, we are gladly introduce to you the very talented boys of Section A o mas kilala bilang, Passion Prose! Here they are for their opening number. Boys, the stage is yours!"
Pagkatapos sabihin yun ni Ms. Ford, Bumaba muna sila ni Sir ng stage. At lumabas na sila Sky mula sa backstage.
Nagset-up lang sila sandali. Pagkatapos, nagstrum na si Cedric ng gitara nya. Siya ang gitarista ng banda. Drums naman si Mico.
Naunang kumanta si Psalm. So.. kakanta pala silang lahat ngayon? Si Lance naman ang sumunod. They are singing Just the Way You Are by Bruno Mars
BINABASA MO ANG
He's my Superstar
Teen FictionI want him to reach for the stars he want. But if he's already there, will I able to reach him too?