14

18 2 0
                                    

KESHA'S

I'm smiling all the way. My mood is good today. May date kasi kami ni Sky mamaya. I am wearing my drape jumpsuit and I partner it with my nude light heeled sandals. Didiretso na kasi ako sa restaurant sa isang hotel na pina-reserve ni Sky. Syempre private iyon dahil baka mamaya may makakita. Kaya dating gawi, hindi rin kami magsasabay pumunta ng venue. Ganoon din pag pauwi.

I took a half day today para doon.

"Good morning. Good mood tayo today, ah?" Bati sakin ni Judith.

"Good morning. Yep. May date kami ni Sky later." Sabi ko sa kanya ng nakangiti. Isa din siya sa nakakaalam ng tungkol samin ni Sky. Pero dito sa workplace ko, siya lang ang nakakaalam.

"Naks naman. Enjoy!"

"Thank you. Pwede bang ikaw muna umattend sa mga meeting natin mamayang afternoon? Mag half-day kasi ako." Pakisuyo ko sa kanya.

"Sure, sure." Tapos chineck niya sa calendar kung ano ano yung mga meeting para mamaya.

"Ikaw, wala ka pa bang planong mag boyfriend?" Tanong ko sa kanya. Maganda naman kasi siya. Petite at nasa 5'4 ang height. Morena at mahaba ang buhok. Pwede na nga 'tong pagkamalan na model, eh!

She laughed. "Nope. I'm not interested."

"Talaga ba? Anyway, sasabihin ko kay Sky mamaya yung about sa Paris. Para makasagot na rin ako kay Miss Ricafort."

Tapos na niyang basahin ang schedule kaya  ibinababa niya na ito.

"Oo, sabihin mo na. I know naman na susuportahan ka 'nun. Enjoy your night!" I nod and smiled at her.

"Sunod ka sakin sa labas kasi parating na yung ibang models." Sabi niya sa akin dahil lalabas na siya.

Tumango ako sa kanya.

"Hey, you should really try to go on dates." I giggled. Pangungulit ko sa kanya.

Bago pa niya tuluyang maisara ang pinto, may pahabol na sabi din siya.

"I'm not interested in boyfriends. Because I have a thing for girls." She said. Napanganga ako. She laughed at tuluyan ng lumabas ng pinto. Aba't! Mamaya ka sakin! Hindi pa tayo tapos mag-usap!!

--

At 7pm, nagpunta ako sa hotel restaurant na pinareserve ni Sky. I drove myself all the way there.

Nandoon na si Sky pagdating ko. Sinalubong niya ako at pinaghila ng upuan.

"Have a seat, milady."

"Thank you, my Superstar."

He laughed. "I still didn't get to it, though."

Nag order na muna kami ng kakainin namin tonight. Bumalik yung waiter para itanong kung anong wine ang kukunin namin. Itatanong ko sana si Sky pero nag-ring ang phone niya. Sumenyas siya na sasagutin niya ito kaya ako na lang ang namili.

"We're gonna have a bottle of Cabernet Sauvignon, please. Thank you." Sabi ko sa waiter na magseserve sa amin.

Since we're gonna eat beef tenderloin, I ordered red wine.

Sakto naman na tapos na ang pakikipag usap ni Sky. I smiled at him.

"Sorry. Si Ross tumawag. May pinaalala lang."

"No, it's fine." I assured him.

Mayamaya pa ay dumating na ang pagkain namin.

"Hey, I've got something to say.." I excitedly
said to him.

Nakuha ko naman agad ang atensyon niya at nag-angat siya agad ng tingin sa akin.

"Ano 'yon?"

Bago ko pa masagot ay nag ring nanaman ang phone niya. I nod at him para sagutin niya ang phone niya. He mouthed "sorry" bago kinuha ang phone niya at lumayo nang kaunti mula sa table.

Pagbalik niya, ang laki ng ngiti niya.

"Guess what, babe? I will start to work for my own single next week!!"

Nanlaki ang mata ko sa gulat at saya. "R-really? Wow. Congratulations."

"Yep. Iyon pala yung goodnews ko sayo. Last week, nakapirma na ako sa record label. They offered me that they will give me my own album."

"At last. You deserve it."

He held my hand. "Thank you. Sa support from the start. This is for you, too, babe. I hope you'll support me on this."

Namungay ang mga mata ko. "O-of course, I will. Aabangan ko yan, ha!" Sabi ko sa kanya.

"Right." Pagkatapos ay bumalik na siya sa pagkain.

"Ano nga pala yung iyo? Sorry."

"Ah, wala naman. Launching na ng Summer Collection namin next week,"  sabi ko na lang.

Tumango tango siya. "Talaga? Ang galing naman ng baby ko. Yun yung winowork-out mo dati pa, diba?"

"Yep."

"Congrats, too, baby."

Mayamaya pa ay tumunog ulit ang phone niya.

"Sorry. Really need to take this call." He said.

"No, it's okay. Go on," I said. Tumango naman siya at hinalikan ako sa noo bago lumayo muli.

I sighed. I'm happy for him. For his new achievement. Maybe mine's will not happen tonight.

He said he wants me to support him. And I will. So for now, I will not be breaking the news to him.

--

Short update. :)

He's my SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon