15

17 2 0
                                    

KESHA'S

Our last date wasn't went that well. Hindi ko nasabi sa kanya yung about sa Paris. Ang dami din kasi niyang calls that night. I still try to understand since its his career we are talking here. So yeah. Ipagpapaliban ko muna.

Isa pa, baka hindi ko rin talaga tanggapin. Okay naman ako dito at sa mga clients ko. So bakit pa ako lalayo, 'di ba?

It's my day off today. Plano kong magpa-massage ngayon. Isasama ko si Yana since wala siyang pasok sa school ngayon.
Pareho sila ni Psalm na kumuha ng Mechanical Engineering sa college. And yep, sila na.

"Oh, bakit nakabusangot ka dyan?" Tanong ko kay Yana na nakasimangot habang nakatingin sa phone niya.

"Eh, si Psalm, nag-iinarte. 'Di daw kami makakapag-date ngayon."

"Oh. Okay lang naman kung di ka sasama sakin. Mag-date na kayo." Sabi ko sa kanya habang nagb-blower ng buhok.

"No, ate. Sama ako sayo. Isa pa, nagsasawa na ko kasama 'to. Tayo naman."

I laughed. "O edi maligo ka na dyan."

Tumayo naman na siya at nagtungo na sa banyo.

Pagdating sa mall, sa Starbucks muna kami tumuloy para kumain bago magrelax.

"Ate, ito na sayo, ah? Order na ko." Sabi ni Yana.

"Oo. Thanks."

Pumila na si Yana para mag-order. Bumalik naman siya agad. Nagpaalam ako sa kanya na pupunta muna ako sa CR saglit.

Papuntang CR, may napansin ako na pakiramdam ko, kilala ko. Nag-aayos siya ng suit niya nang tinawag ko ang atensyon niya.

"Mico?" Nag-angat naman siya agad ng tingin.

"Kesh? Hey!" Bati niya.

"It's been a while, 'no? How are you?" Tanong ko sa kanya. Because it's really been a while. Boyfriend ni Yana si Psalm pero simula nang pumasok si Sky sa Music Industry, hindi ko na ulit nakausap ang iba pang ka-banda niya.

He laughed. "Eto, Architect na. Ikaw, mayaman ka na siguro, no?"

Ako naman ang tumawa ngayon. "Anong mayaman ka dyan!"

"Anyway... nagkausap na ba ulit kayo ni Sky? I mean, okay na kayo?" Nakakahiya man pero tinanong ko na din sa kanya.

"Hindi, eh. Tsaka ano... ayoko na ulit pag-usapan."

"O-oh, sure. Sorry."

"Sorry, Kesh. But don't worry, hindi naman ako galit either of you. By the way, una na pala 'ko, I have client to meet pa, eh. Ingat ka."

Tumango ako. "Thanks. You too."

I sighed. I really wish na magka-ayos pa ulit ang barkada...

After namin sa Starbucks, nagtungo na kami sa Spa. I made a reservation two days ago kaya madali kaming nakapasok. While relaxing, I asked Yana.

"Hey, may random question ako sayo."

"Hmm? 'Nu 'yon?" Sagot niya.

"Halimbawa, you have a big project offer abroad. Kukunin mo ba? Given na, maiiwan mo si Psalm dito."

"Hmm, oo naman. Sayang opportunity. Tsaka malaki na 'yon si Psalm. Kaya na niya sarili niya."

Natawa naman ako sa sagot niya at nagkibit-balikat na lang. Buti nga at hindi siya nagtanong nang iba pang bagay.

After an hour, natapos na kami. Naglilibot libot pa kami at bumili ng damit tsaka kumain. Pagkatapos ay umuwi na rin.

Nagtatanggal na ng seatbelt si Yana dahil nasa tapat na kami ng bahay, nang magsalita siya.

"You should think about it, Ate."

"Huh?"

"'The big project offer abroad'." She quoted me.

"No, I didn't say—"

"Yeah, you didn't say you're that person. Pero halata ka. So, if I were you, you should start considering it. Wait... iniisip mo si Kuya Sky, 'no?"

Napatahimik ako saglit pero tumango na rin ako kalaunan.

"Napag-usapan niyo na ba?"

"Nope. Humahanap pa ko ng tyempo." Sagot ko.

Tumango siya. "Well, I know Kuya Sky will support your dreams, too. Just like you are to him."

"Thanks."

She tapped my shoulder at bumaba para magbukas ng gate.

I sighed.

--

That night, I had a video call from Mama. Nasa kwarto na ako at nakapag-half bath na.

"Hi, ma. Kamusta?"

"Okay naman, ate. Kayo dyan? Miss ko na kayo."

"Okay na okay kami dito, Ma. Miss ka na rin namin. Uwi ka ba this year?"

"Oo, 'nak. Iiwan ko muna ulit ang business para dyan ako magpapasko sa inyo."

"Sige ba, Ma! Gusto namin yan. Wait, tawagin ko si Yana para makausap mo din."

Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Mama.

"Wag na, nak. Actually nakausap ko na siya. Kaya nga ako napatawag."

"Nasabi sakin ng kapatid mo na may offer ka daw abroad?"

"Ma!" Nagulat ako. Si Yana talaga!!

"Oh, wag ka ng magalit kay bunso. Concern lang yun sayo..."

I sighed. Di ko naman sila matitiis, eh.

"Sige, Ma. Pero, balak ko naman kasing tanggihan iyon." Sabi ko.

"Bakit naman? Saang bansa ba?"

"Paris po."

"Ano namang reason mo ngayon, aber? Dyan din kita gustong pag-aralin ng Fashion noon. Ayaw mo lang din. Hindi ba magandang practice yan para sayo ngayon?"

Tama. Gusto kasi ni Mama na sa Paris ako mag-aral noon. Ayoko lang. Okay din naman kasi dito. Well... isa pa, it was the time that Sky got an offer. He needs me the most lalo na nawala sa kanya ang barkada, plus his problem with Tito.

"Okay naman ako dito, Ma. Ayoko din naman talagang umalis."

"What's holding you back ba, anak? Si Sky pa rin ba? He should support you. Don't get me wrong, boto ako sa kanya. Pero magandang offer ito... and your love for him shouldn't be a hinder."

I sighed. "Hindi po, Ma. Desisyon ko po talaga."

Natahimik sandali si Mama. Na para bang nagtitimpi na pagalitan ako.

"O siya, sige. Kung ayaw mo talaga. Pero nak, pursue your dreams din, okay? You deserve it. I will still support you, though. Whatever your decision will be..."

I smiled. "Salamat, Mama. I love you."

"I love you, too."

Natapos ang video call namin pero hindi matanggal ang mga sinabi sakin ni Mama.

But I already made a decision. At papanindigan ko na iyon.

He's my SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon