SKY'S
I really love my girl. For me, she's the prettiest. Simple lang si Kesh. Hindi pala make-up. But there's something on her face that makes her gradiant. She's petite. Medyo mahaba ang buhok. Matangos ang ilong. Her cheeks are also naturally pinkish.
Hay, kung pwede nga lang talaga na huwag magpunta sa practice, eh. Kaso magagalit naman sa'kin yung mga bandmates ko. Dumiretso na agad ako kina Psalm. Maluwag kasi doon sa kanila. May music room kung saan kami nagpa-practice. After 15 mins nakarating na ako kina Psalm. Andun na silang lahat. Ako na lang ang kulang."Oh, andito na si Sky." Pagkuha ni Lance nang atensyon nila.
Si Lance Quizon. Parang kuya namin yan. He's in college now. Sophomore. Seryoso pero marunong pa din naman tumawa. He's in-charge in Electric guitar and keyboard.
"Yo, bro!" -Mico. We tapped each other's back.
Si Mico naman, komedyante ng barkada. He always lighten the mood lalo na pag sobrang seryoso na. He also sings for the band. He's in-charge in rhythm guitar, and backing vocals.
"Okay na pala, eh. Pwede na tayong magsimula, I guess?" -Ced.
Si Cedrick naman, pinaka-seryoso at tahimik. Madalang magsalita. Siya sa bass guitar.
"Game na ba mga, kuys?" si Psalm.
Baby boy ng barkada. Psalm Hernandez. He's in junior high school pa lang kasi. Siya ang drummer namin. Sobrang bait at talented niyan.
"Anong song ba prefer niyo?" Tanong ko sa kanila.
"Mukhang swak yung 'Nasa Iyo na ang Lahat' tutal hindi naman ako nalalayo kay Daniel Padilla, eh." Pagmamayabang ni Mico.
"Wag nga kami, Mico. Tell that to those willing to believe in you." Sagot ni Cedrick
"Ouch, that hurts brader!" Sagot ni Mico sabay hawak pa sa dibdib niya.
Binatukan siya ni Cedrick kaya nagtawanan kami.
"Arte, ha." -Cedrick.
"Seryoso muna guys, ano na? One week na lang Foundation Day na." si Lance.
"Inom muna kayo, oh." Sabi ni Psalm sabay lapag nung tray ng Iced tea na dala niya sa coffee table.
Nag set up na sila ng instruments at nag-isip nang pwedeng tugtugin sa Foundation Day namin.
"Simpleng tulad mo kaya? O kaya Prinsesa? O grow old with you?" Suggest ni Cedrick
"Nice, didn't know na fan ka pala ni DJ!" Asar naman ni Mico sabay tawa pero tinignan lang siya ng masama ni Ced.
"Brad, that's so gaaaaaay!" Segunda ni Mico ulit.
"Lakas mo, ah. Parang di ka nag suggest ng kanta ni DJ kanina!" Rebat ni Cedrick.
Nagkatawanan tuloy kami. Sasagot pa sana si Mico nang pumagitna ako.
"Oh, baka magkapikunan pa kayo niyan, eh. Eto may suggestion ako."
"Ano?" Tanong nila.--
After 5 hours of rehearsal, natapos na din kami.
"Oh, pano? Uwi na kami." Paalam ni Lance.
"Ingat kayo, mga kuys." - Psalm.
"See you tomorrow at 6am, then?" sabi ko. Magpapractice muna kami bukas bago magsimula ang klase.
"Goodluck satin next week, guys!" - Mico
"Yeah. Break a leg." - Ced
"Mga suggestion talaga neto ni Cedrick, oh. Ngayon naman magbabali ng binti?" - Mico
"Gago! Literal naman ang sinasabi mo!" Binatukan pa siya ni Cedrick
Nagtawanan kami, kahit kelan talaga loko si Mico. Nagsiuwian na kami pagkatapos noon. Hay, kapagod. Nag text lang ako ng goodnight kay Kesha at 'see you tomorrow' tapos natulog na ako. Seryosohang practice ulit bukas.
BINABASA MO ANG
He's my Superstar
Teen FictionI want him to reach for the stars he want. But if he's already there, will I able to reach him too?