26

13 1 0
                                    

KESHA'S

After a week, I'm back on work again in Style Press. Last weekend, nag bonding kami nina Mama and Yana. We ate in Italian Resto, which Mama like. Nagpa-body massage din kami. At syempre, dumalaw sa puntod ng aming Papa.

And today, back to work na ako. I sipped at my coffee at saka tumayo na. I kissed Mama's cheek at nagpaalam na.

"Bye, Ma. Gotta go to work na."

"Ingat ka."

I drive myself safely at Style Press. Binati ako ng mga staff.

"Welcome back, Miss Kesh."

"Welcome back, Miss. Namiss ka namin."

"Thank you!" Sagot ko sa kanila at dumiretso na sa office ko.

Balita ko, last year nag-resign na rin si Monica sa Style Press. Hindi na rin ako nag-abala pang maghanap ng balita tungkol sa kanya.

Pagpasok ko ng office, naroon si Ms. Pam at Judith at iba pa sa glam team at Stylists. May banner na nakalagay "Welcome back, Miss Mallari"

"Wow, thank you all! Nag-abala pa kayo." Sabi ko.

"Congrats, Kesh. Tuwang tuwa si Ms. Ricafort sayo. And the whole Style Press are so proud of you!" Sabi ni Ms. Pam.

"Thank you, Ma'am."

"Oo nga pala, they will be publishing your works from Paris this month." Balita ni Ms. Pam na ikinagulat ko lalo.

"Wow. Thank you, Ma'am!"

"Thank yourself, Miss Mallari. You made it happen. Congratulations."

Nag congrats ang iba pa at lumabas na kasabay si Ms. Pam.

Humarap ako kay Judith at niyakap ako.

"Congrats, bakla! And Welcome Back! Grabe, ah. Namiss kita." Sabi niya sa akin.

"Naku, sobrang miss din kita."

Pumunta ako sa desk ko at umupo. Grabe, namiss ko 'to! Umupo naman si Judith sa upuang nasa harapan ng table ko.

"Oh, so anong chika? Kamusta Paris life?"

Natawa ako. "Wala ka bang balak magtrabaho, ah?" Pabirong tanong ko.

"OA mo. 9am palang. Madami pang time. Kwentuhan mo muna ako. May nanliligaw na ba sayo, na nakilala mo doon?"

Binato ko siya ng isang pirasong papel. "Grabe. Wala, no! Work ipinunta ko dun. And I enjoyed working there."

"Weh? Wala ka man lang nakilala?"

Well, meron naman. May ibang pure french, meron namang Pilipino tapos nagbakasyon doon, and even from other countries. Some of them became my client. But no, wala akong naka-hook up sa kanila o anuman. I'm too busy achieving my goals, that's why.

"Meron. Pero hindi pumasok sa isip ko ang magka-boyfriend. I'm too busy achieving my goals. Ayoko ng distraction. Eh ikaw, may papakilala ka na ba?"

Natahimik siya sandali.

"Uhm, actually meron." Napatayo ako doon.

"OMG! Sino? Sino?" Excited kong tanong.

"Maybe you can meet her later. May date kami after work." She said.

"Oh my gosh. I'm so excited. I'm so happy for you, baks!" I happily said.

Buong maghapon ay iyon ang inabangan ko. Wala rin ako masyadong ginawa dahil wala pang gaanong work para sakin.

After work, sumabay ako kay Judith paglabas ng office. Naghintay kami sa parking sandali para sa girlfriend niya. Yes, girlfriend.

"Oh, she's there." Sabi niya nang may papalapit na babae. Halos kasing tangkad lang namin. Naka-ponytail ang buhok, at petite din ang katawan.

"Hi, love." Bati niya kay Judith. Sinalubong niya naman ito.

"Hey! She kissed her cheek. Love, si Kesh pala. Siya yung sinasabi ko sayo na best friend ko." Tumingin siya sa akin kaya ngumiti ako.

"Kesh, si Mariel. Girlfriend ko."

"Hello! Nice to meet you." Bati ko sa kanya. I offered a hand at tinanggap niya naman kaagad ito.

"Hi. Welcome back! Balita ko galing ka sa Paris."

"Yep. Thank you!"

"Hey, do you want to join us in dinner? Okay lang naman diba, babe?" Tanong niya kay Judith. Agad akong umiling.

"Hindi, hindi na. Nakakahiya. Date niyo, eh. I need to go na rin naman." Sabi ko.

She smiled. "Hmm, sige. Next time, coffee tayong tatlo. Para naman makakwentuhan din kita." Sabi niya sa akin.

I nodded. "Sure. Enjoy your night." Sabi ko sa kanila.

"Una na kami, baks. Ingat ka." Paalam ni Judith.

"Go. Ingat din kayo."

Nauna na silang umalis sa akin. Pumunta na rin ako sa kotse ko at sumakay na pauwi.

Mabuti at walang traffic kaya nakauwi ako kaagad. Pagbaba ko nang gate, may nakita akong pamilyar na mukha.

"S-Sky?"

He's here. He's really here...

He's wearing a simple white shirt and jeans pero ang lakas pa rin ng dating niya.

"Hey." Bati niya.

"A-anong ginagawa mo dito?"

"Can we talk?"

"No. Wala naman tayong pag-uusapan." Nilampasan ko siya para buksan ng malaki ang gate.

"Kesh..."

"Sorry, Sky. Umuwi ka na." Sumakay ulit ako sa kotse at nag-park na.

Pagtingin ko sa labas, nandoon pa rin siya kaya napilitan akong lumabas ulit.

"Umuwi ka na."

"Pano kung ayoko?" Nakakaloko niyang sabi.

"Sky!"

"What?"

"Break na tayo, diba?"

"I know."

"Yun naman pala, eh. Wala na tayong pag-uusapan." Tumalikod na ako sa kanya at nag-umpisang maglakad.

Nang malapit na ko sa gate, lumingon ako ulit para sana tignan siya kung umalis na ba pero laking gulat ko nang, nasa likod ko pala siya. Kaya sobrang lapit namin sa isa't-isa ngayon.

"S-Sky!"

"Liligawan kita."

"Huh?"

"I said, I'll court you. Again."

Sobrang lapit pa rin namin kaya naman lumayo ako sa kanya.

"A-ano bang sinasabi mo dyan? Antok lang yan. Sige na."

Tumalikod na ako ulit at this time, wala nang balak lumingon pa.

"Hey. You became more beautiful. It's nice to see you again." He shouted at my back.

Napatigil ako saglit pero nagtuloy na sa loob. I just waved my hand at the back.

Pagpasok ko sa bahay, hindi ko alam ang gagawin ko. I did not expect to see him again right now... after two years. At mas lalong hindi ko inexpect ang mga sinabi niya. Humawak ako sa kaliwang parte ng dibdib ko at naramdaman na ang bilis ng tibok ng puso ko. Shet.

He's my SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon