KESHA'S
I wake up another day to go to work. Natatamad ako ngayon, ewan ko ba. Pagkatapos kong maligo at magbihis, bumaba ako para kumain ng almusal. Maaga pa naman kaya makakakain pa ako.
"Morning, Ma."
Tumingin sa akin si Mama ng kakaiba.
"Bakit, Ma? May problema ba?" Nag aalala kong tanong.
Umupo siya sa tabi ng upuan ko.
"Ba't di mo sinabing nandyan si Sky kagabi? Edi sana napapasok."
I sighed at kumuha ako ng sinangag at itlog at nilagay sa plato ko.
"Pinauwi ko na siya kagabi, Ma. Nagkausap po kami. Don't worry."
"Nandyan kasi siya sa labas kaninang umaga, paglabas ko. Ginising ko pa nga. Sa kotse ata natulog."
Napahinto ako at napatingin sa mama ko sa sinabi niya. Hindi umuwi si Sky?
"Huh?"
"Nung tinanong ko, ayun, natulog nga siya sa kotse niya. Hinintay niya mag-umaga para kausapin ako."
"....Nagpaalam siya na manliligaw daw siya ulit sayo." Dagdag pa ni Mama.
Umiling ako. "Di naman ganun kadali 'yon, Ma."
"Hindi ka pa ba okay sa nangyari noon? Tapos na 'yon. Ilang taon na ang nakalipas..."
Tama naman. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko yung nangyari noon. Paano kung ganoon lang ulit ang mangyari?
"Okay naman na po. Pero syempre, Ma, nasa Music Industry pa rin siya. Pano kung mangyari ulit yung dati? Ayokong makasagabal sa pangarap niya."
It's her turn to sigh. "Alam ko na ang lahat. Pero ayokong ako ang magsabi sayo. Hear him out."
Hindi ko maintindihan. Magtatanong pa sana ako pero tumayo na si Mama.
"Sige na, tapusin mo na 'yang almusal mo at malelate ka na." Sabi pa niya. Habang ako, tulala pa rin mula sa mga sinabi niya. Hayy.
Hindi ko alam kung paano ako nakapunta sa work ng matino. Iwinaksi ko muna ang mga narinig ko.
Medyo marami ang mga kliyente ko ngayon. Nag day off kasi si Judith kaya wala akong katulong. Pero ayos lang naman, she rarely take a day off even if she deserves it. Kaya ayos lang sa akin.
Dahil busy ako sa designs, hindi ko namalayan na magla-lunch na pala. Kung hindi lang kumatok si Laine para tanungin ako kung magla-lunch daw ba ako. Um-oo ako sa kanya na susunod na. 12:20pm na kasi.
Mayamaya ay kumatok siya ulit.
"Oo, Laine lalabas na."
"Hindi, Miss. May naghahanap kasi sa inyo."
"Huh? Sino?"
"Yung singer po, Miss. Sky Laxamana po."
My heart beats fast. Naalala ko yung kagabi tapos ngayon ay nandito siya ulit.
"Sige, pakisabi pasok siya. Thank you, Laine."
Tumango siya sa akin at lumabas. Tinignan ko ang mukha ko sa salamin. Mayamaya pa ay pumasok si Sky.
"Hey."
"And what are you doing here?" Pang bungad na tanong ko sa kanya.
"Uhm, lunch?" Angat niya sa dala niyang paper bag ng fast food restaurant.
BINABASA MO ANG
He's my Superstar
Teen FictionI want him to reach for the stars he want. But if he's already there, will I able to reach him too?