Epilogue

17 1 0
                                    

Bago ang lahat, gusto ko munang magpasalamat sayo, na nakarating hanggang dito! Thank you for giving this story a chance. :) I hope may natutunan kayo kahit papaano sa journey ni Sky and Kesh hehe. And I hope that you enjoyed it as much as I enjoyed writing them.

I also want to thank my very supportive friends, Judith and Norejoy!! Salamat, sobra! This success is yours, too! I love you two.

Thank you all. Hope to see you again on my next stories ;)

-

KESHA'S

6 years later...

"By, 'yung mga pagkain ba ready na for later?"

"Yes, baby. Pang ilang tanong mo na ba ito?" Sagot ni Sky sa kabilang linya.

"Sorry. Excited lang ako. At the same time, gusto kong maging okay ang lahat para mamaya."

"Hey, don't stress yourself, okay? Ako na bahala sa lahat."

"Hmm, okay. Thank you. I love you."

"I love you, too. Sunduin kita after lunch."

I giggled. "Oki." Maghahalf-day kasi ako sa shop ko ngayon.

May housewarming party kasi kami mamaya. Mga friends lang din naman namin ang pupunta. We have our own place somewhere in Parañaque. Last week, parents namin ang dumalaw sa bahay. Ngayon naman, mga kaibigan namin.

Last year, ikinasal kami ni Sky. It was an intimate but a very special church wedding.

Two years ago naman noong nagpropose si Sky. Nagulat nga ako kasi noong nasa South Korea pa kami nang binili niya iyong singsing. Kaloka!

I remembered, it was a week ago after he graduated college when he proposed to me.
Nagsisimula na silang tumugtog ulit as a band. But not full time since most of them have a regular job. Ang sabi ni Sky, may gig daw sila noon sa isang Resto Bar sa Taguig. Nauna sila doon. Kaming mga girls, sumunod na lang.

Yes, nameet ko na ang mga girlfriend nila. Si Mia, asawa ni Cedrick. Si Sofie, girlfriend ni Lance, Si Lara, girlfriend ni Mico at ang kapatid ko na si Yana na girlfriend ni Psalm.

They opt to cover songs since hindi pa daw tapos ang original song nila.

Nakaupo na kami sa reserved seat na para sa amin 'non at sakto naman na nagsimula na ang gig. Sa kalagitnaan ng session, kinanta ni Sky ang How Did You Know.

"I want to dedicate this for my girl. Baby, can you come up here in stage, please?"

Naghiyawan ang mga tao. Even the girls cheered for me. Umiling ako, nahihiya. Hindi ko alam kung para saan ba 'yon.

"Go na, Ate. Pagbigyan mo na si Kuya Sky." Sabi ni Yana. Ganoon din ang sinabi ng mga girlfriend nila Mico, Ced at Lance. Ang mga tao ay ganoon rin. Kaya wala na akong nagawa kung hindi pumunta sa harap. Sinalubong ako ni Sky.

"Ano 'to?" Bulong ko sa kanya pero ngumiti lang siya. Tumingin ako sa barkada at nakangiti lang din silang lahat. Sila ang nag continue ng kanta.

How did you know
I needed someone like you in my life

"Kesh, I'm sorry, this is long overdue. Binili ko ito nung huling concert ko pa sa South Korea. Pero ngayon lang kita tatanungin because I want to be the man you deserve first before asking you..."

Binuksan niya pulang lalagyan na may lamang singsing at lumuhod siya sa harapan ko. Nagulat ako! Hindi ko ito ineexpect.

"Kesh, you are the only woman I love and I think I will ever love in this entire lifetime... I'd rather listen to your voice than a thousand of songs. I'd rather spend my everyday without all I have than live my life without you. Because my world is a better place with you in it."

"So... Kiera Shantell Santos Mallari, are you willing to spend the rest of your life with me?"

I am teary-eyed. Nakakaiyak pala talaga ang moment na 'to.

Oo naman!

"Yes! A thousand times, yes!" I answered. He smiled widely and hugged me.

Naghihiyawan ang mga tao pero siya lang ang nakikita ko sa mga oras na 'yon. And it was indeed one of the most happiest day of our lives.

Napangiti ako nang maalala ko iyon. Ang layo na pala ng narating namin. Marami nang pinagdaanan, pero masaya ako dahil sa huli, kaming dalawa pa rin.

One thing I realized in our relationship is, real love should not hinder you in achieving your dreams and vice versa. They can be both your inspiration. It should be balanced. And you can have both without compromising either of that.

Today, I already have my own clothing line named Dream Apparel. Most of the time, ako ang nagdedesign pero may mga ibang designers pa rin akong kinuha at iba pang staff. May dalawang branches na kami sa ngayon. Si Judith ang Manager ng DA.

Mayamaya ay dumating na si Sky.

"Baks, ikaw na muna dito. See you later. Isama mo si Mariel, ah."

"Sure. Sige, see you mamaya! Ingat kayo."

Sinalubong ako ni Sky. He kissed me.

"By, daan muna tayo sa coffee shop banda dyan, bibili ako ng cake."

"Okay. Ako na ang bababa. Dito ka na lang."

I groaned. "Kaya ko naman, eh."

"Huwag na. Baka mastress si baby number 2. Ikaw unang baby ko, by the way."

Yes, we're about to have a baby. I'm six weeks pregnant. I-a-announce namin mamaya ito sa barkada.

Sa bandang huli, si Sky pa rin ang nasunod at siya ang bumaba para bumili.

We prepared all the dishes that we will be serving tonight. At 7pm, unti-unti nang nagdatingan ang mga kaibigan namin.

"Girl! Miss you!" Bati ni Angelica, college buddy ko. Kasama niya si Kit.

Niyakap ko siya. "Miss ko rin kayo! Mabuti at nakarating kayo."

"Syempre naman! Ganda ng bahay niyo. Congrats sa inyo ni Sky." Sabi ni Kit.

Inaya ko sila sa living room. Nandoon na rin ang barkada kasama ang mga asawa na nila ngayon. Si Psalm at Yana na lang ang hindi kasal pero engaged na rin sila. Next year ang kasal nila.

Dumating na rin si Judith kasama si Mariel. Kasal na rin ang dalawa, two years ago, sa California.

Binati namin sila pero si Sky ang nag stay, habang ako, pumunta sa kusina para ilagay sa dining area ang mga pagkain.

Mayamaya, sumunod pala si Sky sa akin. He hugged me from the back.

"Hey, you happy?" Tanong niya.

Humarap ako sa kanya. "Very. Thank you!"

He kissed my nose. "I'll do everything to make you happy."

"I love you." I said.

"I love you more, baby ko."

I love this man. He's been a good husband and I know he will be a good father, too. At ngayon pa lang, sobrang saya ko na dahil nandito sila sa buhay ko.

I couldn't ask for more because our dreams came true and we are given more of what we ever dreamed of.

He's my SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon