100 years ago.
Masayang umuwi si Avelina mula sa pagtitipon sa mansion ng alkalde ng kanilang bayan na si Juanito Hontiveros. Isa siyang serbidora sa tahanan ng mga ito.
Marami siyang pasalubong na pagkain sa mga nakababatang kapatid. Malalim na ang gabi at tanging ang liwanag ng bilog na buwan lamang ang nagsisilbing ilaw sa kanya, ngunit walang pangamba na nararamdaman ang labing-walong taong gulang na dalaga. Payak man ang buhay ay masaya si Avelina. Mahal na mahal niya ang kanyang mga kapatid at magulang.
Hindi na rin makapaghintay ang dalaga dahil bukas din ay magkikita na sila ng kasintahang si Benedicto na apat na taon na niyang hindi nakikita buhat ng lumuwas ito ng Maynila upang mag-aral. Tanging palitan lamang ng sulat ang naging paraan ng magkasintahan upang maipahayag ang pagmamahal at katapatan ng mga ito sa isa't isa ngunit nanatiling matatag ang relasyon ng dalawa.
Ngayong gabi ang uwi ni Benedicto sa kanilang probinsya at nangako ang binata na dadalaw sa bahay ng dalaga bukas ng umaga.
Nakangiting tinatahak ng dalaga ang daan pauwi sa kanilang tahanan. Napakatahimik ng kanyang paligid nang biglang may narinig siyang kaluskos sa kanyang likuran.
▪️▪️▪️
Kararating pa lamang ni Benedicto Romualdez sa kanilang tahanan nang gabing iyon. Sinalubong siya ng kanyang ina at ama ng mahigpit na yakap sapagkat apat na taon din nilang hindi nakita ang anak. Bukas na bukas din ay dadalawin ng binata ang pinakamamahal niyang si Avelina. Plano na rin nitong ayain itong magpakasal.
Masayang kumakain ng hapunan ang pamilya ni Benedicto nang may naramdaman silang masasamang presensiya.
"Nagsisimula na ang mga Kataha," seryosong sabi ng ama ni Benedicto.
Walang salitang tumayo ang pamilya at kinuha ang kanilang mga armas.
Hindi gusto ni Benedicto ang kakaibang kaba na nadarama niya nang oras na iyon.
▪️▪️▪️
Lumingon si Avelina nang may marinig na kaluskos ngunit wala siyang nakita sa kanyang likuran.
Laking gulat niya nang siya ay humarap, bumungad sa kanya ang mag-asawang Juanito at Miranda Hontiveros.
"Senyor? Senyora? Bakit po kayo nandito? Nasaan po ang mga bantay ninyo? Tapos na po ba ang pagtitipon?" takang tanong ni Avelina sa mga pinaglilingkuran. Nakaramdam siya ng matinding takot ng oras na iyon. Ang dating mababait na tingin ng mga amo ay napalitan ng ibang uri ng tingin - ang tingin ng mga mamamatay tao.
"Tapos na ang pagtitipon, Avelina. Nagtagumpay kami. Ang aming pagtitiis at pagpapanggap upang makuha ang loob ng inyong bayan ay nagbunga na rin sa wakas. Pinatay na naming lahat ang mga mahal naming bisita at lahat ng mortal sa mansion. Nauna ka kasing umuwi...pero isusunod ka na rin namin sa kanila at ang buong bayan na ito." Nakangising sagot ni Juanito Hontiveros.
▪️▪️▪️
Huli na nang dumating ang grupo ng mga Ahren na kinabibilangan ng pamilya ni Benedicto.
Napaluhod ang binatang sugo ng mga Ahren. Ang Ahren ay lahi ng mga taong may dugong anghel na isinilang sa lupa upang puksain ang mga Kataha - ang mga demonyong may anyong tao, na ang nais ay puksain lahat ng mga nilalang sa lupa at maghari sa mundong ibabaw.
Tila may sumuntok sa dibdib ni Benedicto at kinuha ang kanyang puso. Tila sasabog ang kanyang ulo.
Isang nakabibinging sigaw ang pinakawalan ng sugong Ahren habang hawak-hawak ang duguan at walang buhay na kasintahang si Avelina.
BINABASA MO ANG
Takipsilim
أدب الهواةYael Romualdez is destined for greatness. Siya ang pinakahihintay na sugo ng mga Ahren - mga taong may dugong anghel na ang misyon ay puksain ang kasamaan ng kanilang mga mortal na kalaban, ang mga demonyong Kataha. On his quest to find the chosen K...