Chapter 1: *First lady*

2.1K 35 8
                                    

[Mia’s POV]

Inilagay ko sa drawer yung mga dokumento, pinagpag ko na rin ang soot kong palda sabay kuha sa bag ko.

Ready na ko umuwi.

 Lalabas na lang ako nang biglang harangin ako ng isang matandang babae.

“At saan mo balak pumunta?” tanong niya sabay taas ng kilay.

“Ah madam 5:00pm na po kaya uuwi na ko, sigurado kasing hinihintay na ko ng baby ko.”

“Ganun ba…”

“Opo sa totoo lang kasi mas gusto niya ang breast milk kesa yung tinitimpla lang, sige po mauna na ako,” sabi ko sabay alis.

“Sandale!” pigil niya ulit “Sinabi ko na bang pinapayagan na kitang umuwi?”

 “Pero madam alas 5:00 na po,” sagot ko

“Wala akong pakialam!” diin niya. “Hangga’t hindi mo natatapos ang trabaho hindi ka pa makakauwi!”

“Ano po?!”

Napakunot ako ng noo sabay sulyap sa mga itinabi kong dokumento.

Sa totoo lang hindi ko pa tapos ireview ang mga yon, kung tatapusin ko naman ay baka abutin ako ng hating gabi.

“Bukas ,pangako tatapusin ko na po yon… “

“Hinde!” Sigaw sa akin ni madam “Ang gusto ko tapusin mo na yon, para rin naman ito sa kapakanan mo… may bahay ka na ng pinuno, kapatid ka pa ni miss Yuki kaya nararapat lang na pag-aralan mo ang lahat lahat tungkol sa Yamato clan…” Nanlalaki ang mga mata nya, kulang na lang kainin ako.

Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod.

Simula talaga nang maging pinuno si Yano, pati ako nagkaron ng maraming gawain.

8:00pm

Sumaglit ako sa banyo hindi para mag CR kundi para tawagan si Yano.

“Yano…” daing ko.

“O kamusta, tumawag ako kanina dyan at sabi ng madam mo nag-insist ka raw na mag overtime, napaka sipag mo raw,”

“Ano iyon ang sinabi nya, napaka sinungaling talaga ng matandang yon!”

“Ano yon?”

“Ah w-wala… ang sabi ko kumain ka na ba, si baby kamusta na?”

“Wag mo kaming alalahanin, kumain na ko kanina after nung council meeting… si baby naman tulog na, mga anong oras ka kaya makakauwi?”

“Ah… baka mga 10 pm pa, marami pa kasi akong gagawin.”

“Gusto mo kaunin kita?”

“Talaga? Sige kaunin mo ko puwede ba ngayon na?”

“Ngayon na, 8 palang ah, akala ko ba hanggang 10 ka pa dyan?”

“Ay oo nga pala—O sige ganito na lang, magpahinga ka na lang at tingnan tingnan mo si baby, bibilisan ko na rito para makauwi na ko.”

“Sigurado ka, Hindi na kita susunduin?”

“Oo, o sige na bye na tatapusin ko na yung ginagawa ko… I love you!”

Kizuna: AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon