Final *Forgiveness*

955 33 10
                                    

[Yano’s POV]

Bigla kong naalala, hindi pa nga pala alam ni Mia ang tungkol sa tunay na dahilan ng pagkamatay ni Achilles.

Iyon talaga ang nagpagalit sa akin sa mga Yamato, pero kagaya ng sinabi ko kay Mito… parang biglang naglaho ang galit ko nang makita ko si Hanabi.

Hindi na siguro kailangang malaman pa yon ni Mia. Lalo na ngayon na siya na ang pinuno ng Yamato clan.

“Mia, magsimula na tayo.”

“Sige.”

Pumuwesto na kami para sa aming archery battle.

“Kinakabahan ka ba?” tanong ko.

“Hindi naman.”

“Mabuti.”

“Kamusta pala iyong ibang laban?”

“Sa unang laban nanalo ang Aburame. Sa ika-2 at ika-3 Yamato ang nanalo.” Tumingin ako kay Mia, halatang interesadong interesado siya sa alamin ang tungkol sa laban.

“Aburame ang nanalo sa ika-4,” pagpapatuloy ko. “Yamato sa ika-5 at Aburame uli sa pang anim.”

“Ibig sabihib…”

“Ibig sabihin nakasalalay sa labang ito ang resulta ng mananalo.”

“Kung gayon.”

“Hindi ka puwedeng magpatalo. Ako din, hindi ako magpapatalo.”

[Mia’s POV]

Nakikita ko nga sa mga mata ni Yano ang pagnanais niyang manalo. Siryoso siya. Baka matalo ako.

Hinde!

“Mia huwag kang mag-isip ng negatibo. Nagpractice ka kaya may pag-asa kang manalo. Kaya mong talunin si Yano.”

Pilit kong kinakausap ang aking sarili. “Focus, Focus lang Mia.”

***

Nagsimula na kaming tumira.

“Ah…” Sumablay ako. Ibig sabihin…

“Talo ka.” Nagulat ako sa sinabing yon ni Yano. Pero iyon ang katotohanan. Talo nga ako.

“Hindi maaari… talo kami.” Halos manlumo ako. Anong mukha ang ihaharap ko ngayon sa buong clan. Aburame ang nanalo.

“Ang ibig sabihin nito, sa amin na ang annex.”

Humarap ako kay Yano. Sa tono niya kasi ay parang iyon lang naman talaga ang nasa isip niya.

“Bakit nyo ba gustong makuha ang annex, anong gagawin nyo, bubuo ba kayo ng grupo para lamangan ang Yamato?”

“Hindi ko alam kung anong gagawin ni Mito, pero huwag kang mag-alala, bilang pinuno ng Aburame sisiguraduhin ko na walang gulo na mangyayari.”

“Gagawin mo yon?”

“Para kay Hanabi.”

“Kay Hanabi?”

Kizuna: AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon