[Jin’s POV]
Sakay si Mia ngayon ng minamaneho kong sasakyan. Sa tuwing susulyapan ko siya, nababakas ko ang saya sa mga mata niya.
“Nasasabik ka na bang makita si Yano?”
“Hindi naman. Paano mo ba nalaman ang lugar ng mga Aburame?”
Inasahan ko na na itatanong niya yon, pero hindi na siguro mahalaga na malaman niya ang talagang dahilan.
“Hindi mo ba sasabihin? Ang dami mo talagang mga sikreto. Naaawa ako kay Rina.”
“Bakit mo ba siya dinadamay?”
“Okey pa ba kayo?” tanong niya.
Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ideya na nagkakalabo na kami ni Rina, pero may punto siya. Dahil sa pagiging malihim ko, nasasaktan ko si Rina.
“May kaibigan akong konektado sa Aburame. Sabihin na lang natin na… hindi niya ko kayang tanggihan.” Para lang matigil si Mia, sinabi ko na rin sa kanya.
Ang taong tinutukoy ko ay si Mei. Nahirapan akong mapapayag siyang sabihin ang kuta ng mga Aburame, pero kaunting bola lang, nagawa ko rin. Lagot ako nito kay Rina.
[Mia’s POV]
Inihinto na ni Jin ang sasakyan.
“Nandito na ba tayo?” tanong ko.
Tumango si Jin.
Nang silipin ko ang lugar, nakita ko na mansyon yon. Napalibutan ng mga halaman ang malaking tarangkahan.
“Sigurado ka bang iyan na ang kuta ng mga Aburame?”
“Oo, pero hindi basta basta makakpasok dyan.” Alam ko ang bagay na iyon.
“Sigurado ka ba talaga na papasukin mo ang kuta nila? Para kang daga sa gitna ng mga nagugtom na pusa.”
“Ako na ang pinuno ng clan, kaya kahit anong panganib dapat kong suungin.”
Sandali lang naman kaming huminto sa tapat ng mansyon. Makalipas ang ilang mga minuto bumalik na kami sa Tama.
***
May ginawang plano si Jin para makapasok ako sa mansiyon. Hindi ko pa rin alam kung sino iyong contact niya, pero may tiwala ako sa kanya.
[Mei’s POV]
“Huwag mong isipin na ikaw ang dahilan kung bakit ko sinasabi sayo ‘to,” bungad ko kay Jin.
Oo, ako ang nagbigay sa kanya ng impormasyon tungkol sa Aburame. Sa katunayan, napaka delikado ng ginagawa kong ito. Wala naman talaga akong balak na sabihin, pero dahil kinausap ako ni Jin, at sinabi niya sa akin ang plataporma ng bagong pinuno ng clan, naisip ko na makipagtulungan na.
Para sa akin, mas mabuti na walang masaktan. Hindi na rin kasi nakakatuwang pakinggan ang mga walang tigil na pagbabanta at paghihiganti. Sana, sa pagkakataong ito, may magandang kalabasan.
Ito ang mensahe na ipinadala ko kay Jin.
Sa araw na ito, ipapasok ang mga bagong tagasilbi sa mansiyon ng Aburame.
Ang Kumi’s maiden ang pinag asikaso nila sa paghanap ng mga tagasilbi. Tamang tama dahil puwedeng nagpannggap ang pinuno niyo na isa sa kanila. Basta sabihan mo siya na mag-ingat. Sa oras na mahuli siya, hindi lang siya kundi pati na ako ang malalagay sa panganib.
BINABASA MO ANG
Kizuna: Alone
Боевик"Habang nasatabi ko si Yano hinding hindi ako matatakot." Iyon ang sinabi ni Mia, ngunit paaano kung magising siya isang araw na wala na sa tabi niya ang lalaking mahal? Maipagpapatuloy pa kaya niya ang buhay? Maraming lihim ang mabubunyag.