[Koi’s POV]
Tinipon kami ni Boss Mito. Kasama namin ngayon si boss Yano. Mukhang gusto niyang siguraduhin na malalakas kaming lahat. Kung sa bagay kilala ni boss Yano ang mga makakalaban namin. Baka may maibigay siyang payo para matiyak naming ang panalo.
“Galingan nyo.” Iyon lang ang sinabi niya.
Pagkaalis nina boss Mito at boss Yano, narinig ko ang isa sa amin na nagreklamo, si Baldo yon ang may pinaka malaking katawan sa aming lahat.
“Siya ba talaga ang pinuno natin. Wala man lang siyang sinabi kundi galingan nyo,” amok nito.
Kung sabagay mula naman nang mahanap si boss Yano wala nang ginawa itong si Baldo kundi ang magkomento ng hindi maganda. Bukod sa kanya at kay Takahashi kasama din namin sa grupo ang kambal na sina Kimjo at Kaito at si Zero. Kami ang mga mapalad na napili para harapin ang piling grupo ng Yamato clan.
At ayon nga sa naganap na bunutan, ako ang unang lalaban.
First Fight: Koi Vs Rina
[Rina’s POV]
“Kinakabahan ka ba?” tanong ni Jin. Magkasama kami ngayon na naglalakad sa parke.
“Hindi ako kinakabahan,” sagot ko dahil hindi naman talaga.
Hinawakan ni Jin ang kamay ko. “Ako, kinakabahan.”
“Bakit ka naman kinakabahan?”
“Hindi ko alam. Baka natatakot lang ako.”
“Wala ka bang tiwala sa akin?”
“Hindi naman sa ganon. Basta, kinakabahan lang ako.”
“Kilala ko na ang makakalaban ko. Sa tingin ko naman hindi niya ko basta masusugatan.”
“Siguraduhin mo lang dahil kung hindi makakatikim talaga sa akin ang taong iyon.”
“Akong bahala sa kanya. Sisiguraduhin ko na hindi siya makakaporma.”
Biglang tumunog ang phone ko. Nakita ko na si Erika ang tumatawag. “Hello…”
“Rina, puwede ba tayong mag-usap?”
Hindi na ko nabigla. Hindi na kasi lingid sa amin na magkapatid sila.
Koi’s POV
Hindi pa man sumisikat ang araw nagpunta na ako sa napagkasunduang lugar. Sa dojo iyon ng Yama Academy. Sa tingin ko isinara muna ang paaralan para sa mga laban.
Isa itong laban sa pagitan ng espada.
Inihanda ko na nga ang aking katana. Ayon sa narinig ko, walang alam sa paggamit ng espada ang makakalaban ko, pero kailangan pa rin mag-ingat. May kasintahan siya na marunong sa katana kaya malamang tinuruan siya nito.
Pero hindi na ako makapaghintay. Gusto ko nang simulan ang laban.
[RJ’s POV]
Hindi ako makapaniwala na kasama ko ngayon ang isa sa mga Aburame.
“Anong gusto mong pag-usapan natin?” tanong ko.
Si Takahashi ang kaharap ko ngayon. Tinawagan niya ko at nakiusap na magkita kami.
Nasa labas kami ngayon ng Tama. Sa tingin ko mas ligtas kung dito kami mag-uusap.
“RJ, salamat dahil pinaunlakan mo ko.”
![](https://img.wattpad.com/cover/894916-288-k871664.jpg)
BINABASA MO ANG
Kizuna: Alone
Action"Habang nasatabi ko si Yano hinding hindi ako matatakot." Iyon ang sinabi ni Mia, ngunit paaano kung magising siya isang araw na wala na sa tabi niya ang lalaking mahal? Maipagpapatuloy pa kaya niya ang buhay? Maraming lihim ang mabubunyag.