Chapter 17 *New Calling*

1.3K 24 3
                                    

[Mia’s POV]

Nanginginig ako, hindi ako makapaniwala.

Inasahan ko talaga na babagsak ako, pero hindi, pumasa ko. Pumasa ang buong grupo namin. Halos maiyak ako matapos kong makita yung certificate. Hindi ito panaginip, totoong pumasa ko. Ngayon, isa na lang ang dapat kong gawin... Ang harapin si Satoshi Alvarez at sabihing nagtagumpay ako. 

"Ah!"

Bago ko pa mamalayan, bumagsak na ko sa sahig.

"Mia, Mia..."

Narinig ko pang tawag nila bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Nang maalimpungatan ako namalayan ko na lang na nasa hospital ako. Ano bang nangyari? Paano ako napunta rito?

"Mia?"

"Ate Yuki!"

Natuwa ako nang makita ko siya. Katunayan ginusto ko nang bumangon.

"Huwag ka na munang gumalaw, kailangan mo ng pahinga."

"Pero..."

"Kailangan mo ng pahinga."

Hindi ko na sinaway si ate Yuki, nanatili na lang ako sa kama, pero hindi pa rin ako mapakali.

"Nakapasa nako, gusto ko nang makita si Satoshi."

"Yun lang ba, wag kang mag-alala pupunta siya rito."

Hindi naman nagkamali si ate Yuki, pagkalipas ng ilang mga minuto dumating si Satoshi kasama si Rj.

"Ayos ka na ba?" bungad na tanöng ni Satoshi.

Tumango ako.

"Mia." -si Rj.

Nginitian ko siya bago ako nagsalita. "Handa na ko ngayon, pipili na ko ng mga kagrupo ko."

Walang naging reaksyon si Satoshi pero sigurado naman ako na hindi niya nakakalimutan ang napag usapan namin.

"Sige, magpatuloy ka." sabi niya.

Medyo napalunok pa ko bago nakapagsalita ulit.

"Gusto kong gawing kagrupo sina Aya, Koi, senpai Su, senpai Jennifer at... ikaw!"

Napatingin sila bigla sa akin.

Alam ko naman na ikakagulat nila ang ginawa kong pagpili, pero siryoso talaga ko.

"Totoong gusto kitang mapabilang sa grupo ko, Satoshi."

Napangisi siya.

Tumingin ako kina ate Yuki at Rj. Wala naman akong nakitang pagtutol sa mga mukha nila.

"Sang ayon ako sa naisip mo, Mia," sabi pa ni Rj. "Sa tingin ko kung magiging kabahagi ng bubuuin mong grupo ang tulad ni Satoshi, magiging malakas ang grupo mo," tiningnan pa ni Rj si Satoshi. Mabilis kong nabasa sa kanya na binabawi na niya yung sinabi niyang hinala tungkol kay Satoshi noon.

Samantala, si ate Yuki, tumango tango lang siya.

"Naging estudyante ng isa kong kaibigan si Satoshi, kaya paniguradong magaling siya."

Napangiti na lang ako. Ngayon, mukhang hindi na namin itinuturing na kaaway itong si Satoshi.

"Ano na Satoshi, payag ka ba?"

Kizuna: AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon