A/N
Syensya now lang nakapag update. Nawalan kasi ako ng time na mag net sa shop (Sa cp lang ako nakakapag internet) Tnx pala sa mga nag comment. As long as may nababasa akong comment ay ako nagkakaron lalo ako ng eagerness na mag update.
[Rj’s POV]
Gusto kong suntukin si Jin. Gusto kong itigil niya ang pagbibiro.
Si Yano patay na… kalokohan!
“Wala akong magagawa kung ayaw mong maniwala,” sabi ni Jin.
“Sige, mag-usap tayo pagbalik natin sa Tama!” sabi ko bago ako tumayo, umalis.
“Bumalik na tayo!” utos ko sa mga driver.
Nanatili akong mahinahon, kailangan yon dahil kung hindi baka malaman nila ang tunay na pagkatao ni Jin.
Sa batas ng Yamato, walang dapat makaalam ng tunay na katauhan ng pinuno ng Petal maliban sa pinuno ng clan, ewan ko lang kung nasususnod pa yon.
Pero hindi na yon mahalaga, mas importante ngayon ang tungkol kay Yano. Gusto ko nang makabalik agad sa Tama para makausap si Jin ng masinsinan.
Kailangang bawiin niya ang sinabi niya.
[Mia’s POV]
“Ano na bang nangyari, may balita na ba kay Yano, sabihin nyo naman sakin!”
Hindi na ko umalis sa Police station, gusto kong antayin na sabihin nila na nahanap na si Yano, na okey lang siya.
Pero wala pa ring balita.
“Miss, ang mabuti pa po umuwi na kayo, wag kayong mag-alala sa oras na may matanggap na kaming report tungkol kay Boss Yano ipaaalam namin agad.”
Kahit ayoko, napilitan na rin akong umalis.
Pabalik na ko sa bahay kung saan naiwan ko ang baby ko kasama si Rina.
Alam kong dapat na kong umuwi pero hindi ko napigilan ang sarili ko…
Nagpasya akong bumalik sa Council Office. Baka doon ay may balita na kay Yano galing kay Rj.
Sumakay ako ng taxi patungo doon.
Sa sasakyan kinontact ko na si Rina.
“Rina, kamusta dyan... pasensya kana ha kung umalis na lang ako, inaalalm ko kasi ang nangyari kay Yano.”
“Okey lang Mia, ayos lang sakin, natutulog pa rin ang anak mo… ano may balita na ba kay Yano?”
“Wala pa rin, kaya nga balak kong kausapin uli si Erika, okey lang ba kung mag stay ka pa dyan kahit mga 30 minutes pa?”
“Sige, wala naman akong pupuntahan ngayon, basta mag-iingat ka.”
BINABASA MO ANG
Kizuna: Alone
Action"Habang nasatabi ko si Yano hinding hindi ako matatakot." Iyon ang sinabi ni Mia, ngunit paaano kung magising siya isang araw na wala na sa tabi niya ang lalaking mahal? Maipagpapatuloy pa kaya niya ang buhay? Maraming lihim ang mabubunyag.