A/N
Hello, readers, thank you sa pag support sa Kizuna, at sa pagbasa nito kahit soooobrang matagal nawalan ng update. FYI binago ko na po ang mga name ng characters. Hope na di nyo pa nakalimutan yung story XD.
[Takahashi’s POV]
Napakamot ako ng ulo habang naririnig ko ang ingay sa loob ng silid ni Boss Yano. Mukhang hindi niya matanggap ang pag-iwan sa kanya nung babae. Ibinilin siya sa akin ni master Mito, pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya matitiis. Paano na lang kung hindi siya tumigil sa pagwawala? Baka masira na niya ang lahat ng gamit.
Ilang saglit pa, nawala na ang ingay.
Posible kayang natauhan na siya?
O baka naman nagpakamatay na?
Agad agad kong binuksan ang pinto ng kanyang silid. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong hindi niya sinaktan ang sarili.
Mukhang naubos na niya ang mga gamit na pwedeng sirain. Tahimik na siyang nakaupo sa isang sulok.
“Hoy!” bigla niya kong tinawag.
“B-bakit boss?”
“Gusto kong gumanti.”
Sa pagkakataong yon, nasiguro ko ang galit ni boss.
[Jin’s POV]
Nakipagkita sa akin si Mia.
Sa isang coffee shop malapit sa Yama Academy ang naging meeting place namin.
“Pili ka na ng gusto mong orderin, sagot ko,” sabi ko.
“Kahit ano,” matipid na sagot ni Mia. Gusto ko sanang mabasa ang iniisip niya, pero hindi ko magawa. Hindi ko makuha ang mga mata niya.
Sinenyasan ko ang waiter, pagkasabi ko ng order, mga 15 minutes lang naihatid na ito sa lamesa namin.
Tahimik pa rin si Mia. Kanina pa matipid ang mga salita niya. Gusto ko na sana siyang diretsahin pero hindi ko magawa. Hindi naman ako dating ganito. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako kinabahan.
Hindi ko mabasa si Mia, hindi ko alam kung ano ang mga naglalaro sa isip niya.
“Mia, may gusto ka bang malaman?” sa wakas ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob magtanong.
“Parehas pala kayo ng gusto ni Yano,” iyon ang naging sagot ni Mia. Nakatingin siya sa tasa ng tsokolate na inorder ko.
Sa pagkakataong iyon, nagkaroon na ako ng ideya kung patungkol saan ang sasabihin niya.
“Si Yano… alam kong maghihiganti siya sa kin,” diretsa kong sabi.
BINABASA MO ANG
Kizuna: Alone
Acción"Habang nasatabi ko si Yano hinding hindi ako matatakot." Iyon ang sinabi ni Mia, ngunit paaano kung magising siya isang araw na wala na sa tabi niya ang lalaking mahal? Maipagpapatuloy pa kaya niya ang buhay? Maraming lihim ang mabubunyag.