[Mia’s POV]
“Please, tama na yan.” Inawat ko na yung katulong sa pagpupunas sa akin. “Kaya ko na to.”
“Sigurado po ba kayo?”
“Oo, magluto ka na lang siguro ng makakain.”
“Sige po, kayo ang masusunod.”
Lumabas na siya. Mabuti, dahil hindi ako komportbale na nandito siya. Pero masaya ako dahil alam kong ligtas ako. Malayo man ako sa pamilya ko, alam ko na wala akong dapat ipag-alala dahil nasa likod ko si Yano.
Babalik na ako sa paghiga nang biglang bumukas ang pinto. Namilog ang mga mata ko nang makita ko si Rj.
“Rj.”
“Mia!”
Seond Battle
[Satoshi’s POV]
Oras ko naman para lumaban.
“Ikaw pala yon,” bungad sa akin ng makakalaban ko.
Ayon sa nabasa ko, Baldo ang pangalan niya. Malaki ang pangangatawan niya pero mukhang puro hangin ang utak.
“Hoy, Satoshi Alvarez! Bakit parang dismayado ka? Nalulungkot ka ba dahil hindi si boss Yano ang makakaharap mo?”
“Puro ka daldal, tapusin na agad natin ang labang ito.”
“Huwag kang masyadong mayabang. Hindi mo pa ako kilala!”
Eh ano kung hindi ko siya kilala, hindi ako interesado sa kanya.
“Para sabihin ko sayo Satoshi, isa ako sa pinagmamalaking mandirigma ng mga Aburame. Marami na akong napatay, kung hindi mo pa alam.”
“Ayon sa narinig ko, magaling lang kayong makipaglaban dahil sa alaga nyong hayop, tama ba?”
Halatang tinamaan siya dahil para siyang lobo na biglang naglabas ng ngipin niya.
“Kawawa ka naman, hindi mo magagamit sa laban natin ang alaga mo.”
“Hindi iyon kawalan sa akin!”
“Talaga?”
Naningkit ang mga mata niya. Sa itsura niya ay parang gusto niya akong lapain.
“Oo, mas malaks ako kung kasama ko ang alaga ko, pero kahit wala siya magagwaa pa rin kitang matalo!”
Hindi ako kumibo.
“Kalokohan lang ang labang ito, kaya tatapusin ko kaagad!” diin niya.
“Kalokohan?”
“Hiyaahhh!” Sumugod na siya at binigyan ako ng malaks na sipa.
Tinamaan ako, pero hindi naman ako tumumba. Muli siyang umatake.
Hindi ko na alam kung ano pa ang mga ginawa niyang pag-atake, para kasing biglang lumabo ang paningin ko. Bumabalik sa akin ang tungkol kay Yano at kay master Honou.
[Mia’s POV]
Bigla ko siyang nasampal.
“Rj…” Nabigla ako, hindi ko yon sinadya. Bakit niya kasi ako hinalikan? Hindi niya dapat ginawa yon.
BINABASA MO ANG
Kizuna: Alone
Action"Habang nasatabi ko si Yano hinding hindi ako matatakot." Iyon ang sinabi ni Mia, ngunit paaano kung magising siya isang araw na wala na sa tabi niya ang lalaking mahal? Maipagpapatuloy pa kaya niya ang buhay? Maraming lihim ang mabubunyag.