Chapter 25 *Matchless*

487 18 0
                                    

[Enrico’s POV]

Binisita ko si Dela Vega. Mukha namang ayos na siya. Ginawa niyang busy ang sarili sa pagta-trabaho.

“Dela Vega, ngayon ang laban ko.”

“Talaga? Galingan mo,” sabi niya pero hindi siya tumingin sa akin. Kanina pa laptop ang kaharap niya.

Ayos lang ba siya?

“Sige, mauna na ko.”

Lumabas na ako sa opisina niya.

“Hindi na talaga nagbago si RJ ano.”

Narinig kong nag-uusap ang ilang mga babae doon.

“Kahit noong high School pa lagi na siyang subsob sa trabaho. Kaya hindi na siya nagka love life.”

Mga tsimosang ‘to.

Pero salamat sa sinabi nila. Nalaman ko na  iyon talaga ang normal ni Dela Vega.

[Aya’s POV]

Medyo kinakabahan ako para sa laban, pero nakasama ko naman si senpai Su. Sabay kami na nagsanay. Kasama dapat namin si senpai Jennifer pero bigla siyang kinuha ni RJ Dela Vega, tapos hindi na siya nakabalik.

Kung nandito si Mia, siguradong kikiligin siya para sa akin.

Tapos na ang pagsasanay namin, pero bilang pasasalamat bumalik ako sa annex para bigyan ng regalo si Senpai Su. Nakita ko siya sa pasilyo na may sinisilip.

Nang tingnan ko nakita ko si Miss Yuki at master Hagire na nag-uusap.

Parang may kislap sa mga mata ni senpai Su.

May gusto ba siya kay miss Yuki? Pero matanda na ito para sa kanya.

“Senpai!” Tinawag ko siya.

“Aya?”

“May ibibigay ako sayo.”

[Takahashi’s POV]

“Kamusta si Mia?” bungad ko kay Takeru.

“Mabuti naman. Nagsasanay siya ngayon sa paggamit ng espada.”

“Ganun ba.”

“Ano palang ginagawa mo dito, hindi ba may laban ka pa?”

“Bakit ako lang ang tinatanong mo. Iyong babaeng kasama mo dito may laban din naman ah.”

“Si Mia, sandale… ikaw ba ang kalaban niya?”

“Narito.” Iniabaot ko ang isang papel. “Nagbunutan ang magkabilang council, at yan ang napagkasunduan na uri ng laban at makakalaban niya.”

Kinuha iyon ni Takeru.

“Pakibigay na lang.”

“Sige.”

“Iyon lang. Aalis na ko.”

“Ayaw mo bang magtagal dito?”

“Hindi na. Kailangan ko pang maghanda para sa laban ko.”

Malapit nang magtapos ang mga laban.

Malapit na rin malaman kung sino ang mananalo. Sisiguraduhin ko na kami yon.

Kizuna: AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon