Nagkaron ng emergency meeting ang council.
"Hindi natin puwedeng palampasin 'to, naghahanap sila ng away, ibigay natin yon!" diin ng ibang bahagi ng council.
Pagkatapos ng pagpapasabog sa isang shrine sa Village 1 nagsagawa agad ng imbestigasyon ang council. Lumabas na tuta ng gobyerno ang naglagay ng bomba.
"Sandale, wag tayong magpadalos dalos. Hindi pa natin alam ang motibo ng gobyerno. Sa halip na sumalakay tayo mas mabuting kausapin muna natin sila," suhesyon ni Rj..
BLAG!
Napasuntok sa lamesa ang tatay ni Jin "Ano bang makikipag-usap? Maraming nasugatan ng dahil sa pagsabog na yon, marami ring nasira. Sa tingin mo ba mabibigyan yon ng hustisya kung makikipag-usap pa tayo? Para saan pa ang husay natin sa pakikipaglaban kung hindi natin gagamitin sa paghihiganti!"
"Imumungkahi ko na gamitin natin ang Petal, ngayon na!" dagdag ng tatay ni Rina.
"Sa bagay na yan hindi ako ang makakapagdesisyon" sagot ni Rj sabay tingin kay Yano.
Tumingin na rin ang lahat kay Yano.
"Sang ayon ako kay Rj!"
"Ano?" nagulat ang lahat sa naging sagot ni Yano.
"Wag nyo sanang masamain ang desisyon ko, pero magiging mapanganib kung makakalaban natin ang gobyerno. Sa tingin ko mas mabuti kung alamin muna natin ang puno't dulo ng kanilang ginawa, pagkatapos ay tsaka na tayo umaksyon. Mas mabuting maayos ito ng maaga dahil kapag lumala ang alitan, siguradong katapusan na natin."
Natahimik ang lahat.
Kasunod noon ang pagkilos ng sekretarya ni Yano.
Maya maya pa bumalik na siya.
"Naka usap po namin ang presidente, payag po sila na magkipag-usap sa kondisyon na tayo ang pupunta."
"Sige, ako na ang pupunta" sabi ni Rj.
"Sandale... sa tingin ko mas mabuti kung ako na lang" mungkahi ni Yano.
Napailing ang lahat.
"Hindi maaari. Ikaw ang pinuno namin hindi ka puwedeng pumunta sa kuta ng mga kaaway."
"Wag nyo kong alalahanin, magsasama ako ng mga body guards, sa tingin ko mas mabuti kung ako na mismo ang makipag-usap sa kanila para maging madali ang lahat."
Samatala, sa hospital,
[Mia's POV]
Nang magkamalay ako nakita ko si Ate Yuki.
"Ate Yuki..."
"Buti naman nagkamalay kana!"
"Ah!" agad akong napabangon, naalala ko kasi ang nangyaring trahedya. "May nagpasabog ng shrine, sumabog yung shrine."
"Huminahon ka lang Mia, naaksyunan na ito ng council."
"Talaga ba?"
"Mabilis nahuli ang naglagay ng mga bomba, umamin naman siya na inutusan siya ng gobyerno."
"A-ano, ng gobyerno... pero bakit, kaaway na ba natin sila ngayon?"
"Sa ngayon, hindi pa namin alam ang sagot..."
Kasama ako sa mga nasugatan, pero galos lang naman ang natamo ko, di kagaya ng iba na malala talaga ang nangyari.
BINABASA MO ANG
Kizuna: Alone
Action"Habang nasatabi ko si Yano hinding hindi ako matatakot." Iyon ang sinabi ni Mia, ngunit paaano kung magising siya isang araw na wala na sa tabi niya ang lalaking mahal? Maipagpapatuloy pa kaya niya ang buhay? Maraming lihim ang mabubunyag.