[Mia’s POV]
PETAl
Sa Yamato clan iilan lamang ang nakakakilala sa grupong Petal.
Mga mamamaslang sila na kumikilos alinsunod sa kagustuhan ng kanilang pinuno (ang superior ng Petal at ang boss ng Yamato clan)
Ang tagapayo ni Gack Seo ang bumuo sa Petal. Nung una, hindi sumang ayon ang boss dahil para sa kanya kalapastangan kung sasanayin ang isang tao para kumitil ng buhay, pero sa huli pinayagan na rin.
Yung dating tagapayo ni Gac ang superior ngayon ng grupo, siya rin ang namili ng mga gagawing miyembro.
Ang misyon ng Petal ay tapusin ang lahat ng magtatangkang magtaksil sa Yamato kabilang na ang mga kaaway na tagalabas. Sa ngayon ginagamit nilang training ground ang annex ng Yamato clan.
“GISING NA!!!!”
Napabalikwas ako ng bangon matapos kong marinig ang sigaw ni senior Enrico—este Jenifer pala.
“Kayong tatlo, bumangon na kayo!” sabi niya sabay palo pa ng double deck namin gamit ang isang espadang kahoy.
Dali dali nang tumayo si Koi samatlang hihikab hikab pa si Aya.
“Ano ba, hindi nyo ba narinig ang sinabi ko… magsibangon na kayo!”
“Ako na muna ang mauunang maligo ha?” sabi ni Aya.
“Anong maliligo… walang maliligo, magpalit na lang muna kayo ng damit, bilis na!”
Mga sampung minuto lang, nakabihis na kami.
Agad na kaming nagpunta sa kitchen para sa almusal.
Nakita kong napakalawak noon. Marami rin ang sabay sabay na kumakain.
Hindi pa man kami nakakatapos kumain, bigla nang nag-bell. Naobliga kaming tumayo na at magpunta sa hall.
”Makinig ang lahat!” sabi ng isang lalaki, nasa unahan siya at nagsasalita gamit ang mikropono. “Bago natin simulan ang inyong pagsasanay gusto ko munang ipakilala sa inyo ang ating superior!”
May isang matandang lalaki na kumaha sa mikropono. “Magandang araw sa inyo, ako si Hagire, ang superior ng samahang ito.”
Napako ang mga mata ko sa lalaking yon. Kung siya ang superior ibig sabihin siya ang dating tagapayo ni Gac Seo..
“Para sa mga baguhan, gusto kong ako mismo ang magpaliwanag ng magiging kalagayan nyo sa kampong ito. Una sa lahat gusto kong malaman nyo na ginurupo namin kayo. Sa ngayon ang bilang ng grupo ay 20 at bawat isa ay may tatlong miyembro. Sa bawat grupo meron kaming itinalagang 2 senior o senpai, ang mga senpai na yon ang magsasanay sa inyo at sa kabilang banda’y magrerekomenda sa amin kung karapat dapat ba kayong pumasa bilang kabahagi ng secret army o hinde.”
Napakunot ako ng noo. Marami pang sinabi ang lalaking yon pero hindi naging malinaw sa akin.
Pagkatapos ng mahaba nyang litanya, binigyan kami ng 30 minuto para maghanda---dahil sa araw na yon magsisimula na ang mga pagsasanay—pagsasanay na susubok sa aming mga kakayahan.
Pabalik na’ko sa kwarto nang mapansin ko ang isang chart na nakadikit sa dingding. Hindi ko alam kung bakit pero naingganyo akong basahin yon.
“Ito ang….”
Nalaman ko na chart yon ng kanilang organisasyon.
Dati ang akala ko grupo lang sila ng Petal, iyon kasi ang sabi ni Yano, hindi pala. Yamato Army ang tawag sa kanila. Siguro alam yon ni Yano, hindi na lang niya sinabi sakin.
BINABASA MO ANG
Kizuna: Alone
Akcja"Habang nasatabi ko si Yano hinding hindi ako matatakot." Iyon ang sinabi ni Mia, ngunit paaano kung magising siya isang araw na wala na sa tabi niya ang lalaking mahal? Maipagpapatuloy pa kaya niya ang buhay? Maraming lihim ang mabubunyag.