A/N
Dear readers, sa chapter 15 ko na ire-reveal ang real story ng mga Aburame, for this moment puro flashback muna.
[Rj’s POV]
Ang tagal na rin mula nang huli akong bumista rito…
--Sa Yama Academy--
At nakakalungkot dahil hanggang dito ang uspin pa rin tungkol kay Yano ang naririnig ko.
“Buti na lang no, nahuli na siya”
“Hindi pala syia good leader.”
“Kawawa naman sa kanya ang asawa niya, tsk tsk…”
Mukhang mas malala ang mga estudyante ngayon kumpara sa amin.
“President Rj!”
Sa simula hindi ko namukaan yung tumawag--- nung makalapit lang siya tsaka ko nalaman na si Kai siya, yung dating school council president.
“Mabuti naman at nakabisita ka, kamusta na?”
“Ayos lang, ikaw?”
“Eto, teacher na ko rito.”
“Mukhang napamahal ng husto sayo ang school ah.”
“Syempre naman—siya nga pala, bukas na ang dance socials namin, assusual ako ang in-charge. Okey lang ba kung ikaw ang kunin kong welcoming remarks?”
Napangiti ako. Hindi ko akalain na hanggang ngayon buo pa rin ang tiwala sa akin ni Kai.
“Okey lang ba, Pres?’
“Walang problema”
“Naku Pres salamat, aasahan kita ha!”
“Oo.”
Mukhang napasubo ako, pero ayos lang yon. Sanay naman ako sa Dance Socials.Sa tatlong taon kong pamamalagi sa Yama Academy ako ang laging punong abala sa halos lahat ng events, kabilang na ang dance socials.
Pero sa lahat ng dance Socials, masasabi kong isa lang ang pinaka masaya… Yung dance social na nangyari pagkatapos ng sport fest.
[Flash back]
“Eto na ang mga invitation nyo.”
Personal kong dinala ang mga invitation sa grupo ni Yano, request yon ni Yano dahil nanalo raw sila sa Sport Fest.
“Okey, ayos yan!” tuwang tuwang sabi ni Ivan sabay kuha ng isang invitation.
Kumuha na rin ang iba pa niyang mga kasama (Si Jin, Yamapi at Nico, nandun din si Rina pero panlalaki lang ang mga invitation)
“Paalala lang, hindi puwedeng dumalo na walang kapareha.”
“Alam na namin yon!” sabi ni Ivan. Halatang masaya siya.
“Meron na ba kayong mga kapareha?” tanong ko pa.
Nagkatinginan sina Ivan at Jin.
“Ah, si Rina ang partner ko, tapos si Jin si Monique,” sagot ni Ivan.
“Oo, ako ang partner ni Ian.” –Rina.
“Mabuti naman pala at nagkasundo kayo sa magiging partner nyo” sabi ni Yano bago siya tumingin kay Yamapi. “Ikaw Yamapi, si Cashmere ba ang partner mo?”
BINABASA MO ANG
Kizuna: Alone
Action"Habang nasatabi ko si Yano hinding hindi ako matatakot." Iyon ang sinabi ni Mia, ngunit paaano kung magising siya isang araw na wala na sa tabi niya ang lalaking mahal? Maipagpapatuloy pa kaya niya ang buhay? Maraming lihim ang mabubunyag.
