Chapter 4 *The Seal*

1.5K 25 2
                                    

[Mia’s POV]

 

“Yano, Yano!”

Hindi ko mapigil ang pagdaloy ng aking mga luha.

Kung alam ko lang na hindi makababalik si Yano mula sa Peace Talk na yon, sana pinigilan ko na siya.

Pero hindi naman ako nawawalan ng pag-asa, alam kong buhay pa siya, buhay pa si Yano.

Babalik siya para sa clan,

Babalik siya para sa amin ng anak niya.

[1 month later]

“Uha! Uha! Uha!”

Napabangon ako nang marinig ko ang malakas na palahaw ng aking anak.

Agad akong tumayo para tingnan siya sa kanyang kuna.

Binuhat ko siya.

“Tahan na anak, alam kong nalulungkot ka rin dahil wala pa ang papa mo, pero wag kang mag-alala babalik din sya.”

 

TOK TOK!

“Miss…” –boses ng maid

 

“Bukas yan, pasok ka!”

Pumasok yung maid “Handa na po ang pagkain pati na ang pampaligo ni baby”

“O sige bababa na ko, ako na ang magpapaligo kay baby.”

Dati rati kahit pagod ako makita ko lang ang ngiti ni baby napapawi na yon, pero ngayon kahit sobra ang ngiti niya hindi ko magawang sumaya.

“Anak…”

Iyon lamang ang nasabi ko.

Ilang saglit pa umiiyak na ko.

Kapag naiisp ko na posibleng namatay nga si Yano sumasabog ang dibdib ko.

Biglang hinawakan ni baby ang pisingi ko.

Sa pagkakataong yon pinilit ko nang ngumiti.

Kung naniniwala ako na buhay pa si Yano hindi ako dapat malungkot.

Kailangan kong magpakatatag… alang alang sa anak namin,

Ang kaso…

Napasulyap ako sa TV na naandon sa kwarto.

“Baka may balita na tungkol kay Yano,” naisip ko, sigurado kasing hindi lang ako ang naghihintay ng balita tungkol sa kanya kundi ang bauong clan.

Binukasan ko ang TV.

Pagbukas na pagbukas ko bumungad agad sa akin ang isang exclusive report.

Pinalilibutan si Satoshi Alvarez ng mga reporters.

“Totoo ba na ipinatigil nyo na ang paghahanap kay Boss Yano?” tanong ng isang reporter.

Kizuna: AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon