Chapter 15 *Pain and Hatred*

1.5K 26 8
                                    

[Yano’s POV]

“Siguro naman master, handa ka nang marinig ang buong kwento, tama ba?”

Halos araw araw tinatanong niya sakin ang bagay na yon, pero parati akong umiiwas.  Ayokong pag-usapan yon.

“Master…”

Pero…hanggang kailan ba ko tatakas? --- Marahil sa pagkakataong ito dapat na kong makinig.

“O sige… sabihin mo na.”

[Mito’s POV]

Karamihan ng tao, tuso at ganid sa kapangyarihan.

Marami sa mundo walang ibang iniisip kundi ang magpayaman at magpasikat kaya nga naisip ni Yori Yamato na magtatag ng sariling bayan.

Si Yori Yamato ang kinikilalang pinaka matagumpay na negosyante nung panahon niya. Mayaman siya at malaki ang kapit sa gobyerno kaya malakas ang loob, pero hindi niya kayang magtatag ng sarili niyang bayan kung siya lang mag-isa kaya lumapit siya sa mga kakilala niyang negosyante. Pero hindi naging madali para sa kanya ang makakumbinsi. Halos abutin ng taon bago niya mapagbago ang isip nung matalik niyang kaibigan na galing sa pamilya Matsumoto. Nung mapapayag niya ito ay tsaka sila nakakuha pa ng ibang mayayamang negosyante. Mahusay sa pagsasalita si Matsumoto kaya nagtagumpay silang makakuha pa ng siyam na tao.

 Lahat lahat, 11 ang pamilyang nagtatag sa Yamato clan. Kabilang nga doon ang angkan ng mga Aburame.

Maraming pinagdaanan ang 11 pamilyang yon bago sila tuluyang nagtagumpay, bago nila tuluyang maitatag ang sarili nilang bayan. Sa paglipas ng panahon, lumaki at lumago ng tuluyan ang clan.

Walang angal ang sinoman sa pagsasalin salin ng pamumuno sa mga Yamato, hanggang sa kinailangan ng Yamato ibigay ang pamumuno sa mga Matsumoto dahil babae ang naging panganay nilang anak. Syempre hindi pumayag ang mga Aburame, kung pagbabasehan kasi ang kakayahan di hamak na mas lamang ang mga Aburame, doon nagsimula ang pagtatalo, pero sa huli Aburame ang nagwagi. Sa loob ng tatlong taon, pinamunuan ng angkan natin ang buong clan---

“Kung hindi lang sana ipinanganak si Yuri Yamato, Aburame pa rin sana ang namumuno.”

“Si Uncle Yuri?”

“Siya nga, ang kinilalang pinaka matagumpay na pinuno ng clan na sa kasamang palad ay nasawi sa isang assassination.”

Aaminin ko sayo, nakilala ang Yamato clan na mga delikwente at kriminal sa labas ng bayan sa ilalim ng pamumuno ng Aburame, pero kahit ganoon malaki ang naging parte natin sa sandatahang hukbo dahil sa natatangi nating kakayahan, ang magpaamo sa mga hayop.”

“Magpaamo sa mga hayop?”

“Kung mapapansin mo, bawat Aburame may mga alagang hayop, mga hayop na mababangis at sumusunod lang sa mga amo nila.”

“Kagaya ni Azul, yung alaga namin na maamo lang sa mga Matsumoto at Yamato.”

“Hiningi ni Yuri sa pamilya ang aso na yon, sa katunayan ang iyong ama mismo ang nagtrain sa aso para ibigay sa kanila, pero syempre hindi lang siya maamo sa mga Matsumoto at Yamato, pati rin sa mga Aburame.”

Napatungo lang si Yano. Alam kong naguguluhan na siya, pero simula pa lang ito, marami pa kong bagay na sasabihin, mga bagay na siguradong magmumulat sa kanya.

“Sa totoo lang, walang gulong mangyayari kung naging lalaki ang anak ni Yuri Yamato, pero naging babae yon, kaya nagsimula na naman ang alitan—sa pagitan ng mga Matsumoto at Aburame.”

Kizuna: AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon