[Yano’s POV]
Paano ko nga ba makakalimutan ang babaeng yon, ang babaeng nagluwal sakin --ang aking ina.
[Flash back]
Walong taong gulang ako non, nakatayo lamang ako malapit sa may hagdan habang pinagmamsdan ko ang papaalis kong ina.
“Yano, hindi mo ba siya pipiglian?” tanong sa akin ni Trojan bigla bigla na lang siyang sumulpot sa likod ko.
“Hoy Yano, kinakausap kita—aalis na ang nanay mo oh.”
“Ayos lang sakin na umalis siya.”
“Ano?—bakit naman, kung ako sayo pipigilan ko siya. Habulin mo na siya at sabihing dito na lang siya sa bahay tumira.”
“Hinde! Hindi ko gagawin yon.”
“Pero bakit? Ang swerte mo nga dahil meron kang mama, ako sanggol palang ng mamatay sya”
Napatingin ako kay Trojan. Marami pa siyang sinabi pero hindi ko na inintindi pa. Para sa akin ang mama ko ay ang mama na tinutukoy niya. Nakakalungkot nga lang dahil maaga itong namatay.
“Hoy ikaw!” tawag ko sa babaeng yon, nanay ko raw siya pero ngayon ko lang nakita.
Ang sabi ko wala akong pakialam sa kanya pero heto ko ngayon…
“May kailangan ka ba, anak ko?” mahinahon niyang tanong.
Nagpintig ang tainga ko “Wag mo kong tawaging anak, wala akong nanay na mang-iiwan!”
Inasahan ko na ipagtatanggol niya ang kanyang sarili, pero hindi. Ngumiti lang siya tapos umalis na.
Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng yon, ano ba talaga ako para sa kanya?
Ang totoo hinihintay ko na yakapin niya ko, gusto kong humingi siya ng tawad at sabihing gusto niya kong makasama, pero hindi niya ginawa…
Mas pinili inyang lumayo at kalimutan na ang pagiging Yamato, kabilang na si papa at ako na anak niya.
[End of Flash back]
“Anong ibig sabihin nito, pano ko napunta rito?” tanong ko sa babaeng yon.
Ngumiti siya.
Katulad ng dati napakaganda pa rin ng mga ngiti nya, pero napakamisteryoso.
“Puwede ba sumagot ka, PAANO AKO NAPUNTA RITO?!”
“Dinala kita rito para iligtas ka mula sa kapahamakan!”
“Kapahamakan?”
“Nakabangon na ang Aburame kaya nanganganib na ang Yamato clan!”
“Ha? Anong sinasabi mo?”
“Kung hindi mo pa alam may isang grupo na gustong magpabagsak sa Yamato, kinuha kita para ilayo sa kanila!”
“Baliw kaba, hindi basta basta mapapabagsak ang Yamato—at yang Aburame o ano pa mang grupo na tinutukoy mo, hindi ako natatakot sa kanila!”
“Hindi mo naiintindihan, hindi mo kilala ang mga Aburame kaya mo nasasabi ang mga bagay na yan!”
“Ikaw ang hindi nakakaintinde! Sino ka ba para bigla na lang akong kunin, wala kang karapatan!”
BINABASA MO ANG
Kizuna: Alone
Action"Habang nasatabi ko si Yano hinding hindi ako matatakot." Iyon ang sinabi ni Mia, ngunit paaano kung magising siya isang araw na wala na sa tabi niya ang lalaking mahal? Maipagpapatuloy pa kaya niya ang buhay? Maraming lihim ang mabubunyag.