Chapter 11 *Bond between us*

1.4K 31 3
                                    

[Yano's POV]

"Isa kang Aburame"

Paulit ulit na bumato sa isip ko ang bagay na yon.

 Ano bang sinasabi ng taong ito? ako Aburame? kung gayon hindi ako Matsumoto? tsk! Anu ba namang kalokohan to?

"Master!"

"Tigilan mo ko!" madiin kong sagot.

"Alam kong mahirap itong paniwalaan pero ito ang totoo. Bahagi ka ng aming pamilya kaya sumama ka na samin!"

Napailing ako.

Alam ko sa sarili ko na kahit anung sabihin niya, hindi niya ko mapapaniwala.

"Master..." lumapit siya.

Bigla kong pinilipit ang kamay niya.

"Ah..."

Tiningnan ko siya ng masama. Sa puntong yon, gusto kung ipahiwatig na kapag hindi pa siya tumigil, tatapusin ko na siya!

"Grrr..."  ---yung aso. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi siya lumalapit, bakit kaya hindi niya ipinagtatanggol ang kanyang amo?

Tsk! Ayoko na ng ganito. Binitiwan ko na ang lalaking yon, at dali dali na kong tumakbo palabas ng silid na yon.

Kailangan ko nang makaalis. Gusto ko nang makauwi sa amin, at ibalik ang dati kong buhay. Mia, Hanabi... Hintayin nyo ko.

Dead end!

Hindi ko na alam kung saan ako dadaan.

Tumingin ako sa kanan, sa kaliwa at doön nga napansin ko ang isang maliit n pinto. Pumasok ako ron.

Roof top na pala yon, at doon kitang kita ko ang paglalaban ng Petal at ng ilang di pamilyar na lalaki na may mga kasamang hayop.

"Ano ito?"

"Yano!"

Paglingon ko, nakita ko si sya---

"Jin!"

"Halika, sumama ka sakin!"

Sa tulong ni Jin nakalabas ako.

Doon na kami sa likuran dumaan, May sasakyan don na sa tingin ko ay talagang inihanda ni Jin.

Sa totöo lang kanina ko pa gustong magtanong, gusto kong matiyak na walang katotohanan yung sinabi nung Aburame na yon, pero hindi ko alam kung paano ito bubuksan.

Wag ko mang aminin, alam ko sa loob loob ko na natatakot akong marinig ang totoo.  

"May alam ka na ba?" biglang sinabi ni Jin.

Sa puntong yon, hindi na ko nakaimik. May kung ano na para bang bumalot sa puso ko. Biglang nanikip ang dibdib ko.

"Kung ganun, totoo pala?"

"Kailan lang din nalaman ng superior ang tungkol sa pagkatao mo. Nang malaman niya na isa kang Aburame, plinano niya ang pagtapos sayo, sa katunayan ipinalit niya sa pamumuno si Satoshi Alvarez, pero hindi naman pumayag si Mia, sa kagustuhan niyang protektahan ang pamumuno mo, nagpunta siya sa annex para magsanay.

"Si Mia?"

Napatungo ako.

Ngayon, si Jin na mismo ang nagsabi. Sa kanya na nanggaling na Aburame ako, pero paano, paano nangyari yon? At ang petal, bakit gusto nila kong patayin dahil lang don?

Kizuna: AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon