[Koi’s POV]
"Teka, teka, naiihi ako” Dali dali akong tumakbo pabalik sa gubat.
….
Pabalik na ko sa mga kasama ko nang mamataan ko si Yano.
Anong nangyari, paano siya napunta rito?
Agad ko siyang sinundan.
Lalapitan ko na sana siya ang kaso naunahan ako ni Mia.
Ang sarap naman nilang panoorin, halatang mahal na mahal nila ang isa’t isa… pero mali ito.
Paano ba napunta rito si Yano, ang akala ko ba hawak siya ng Kumi’s Maiden?
Hindi ito pwede…
Biglang bumagsak ang ulo ni Yano sa balikat ni Mia..
"Yano, Yano? ---YANO!" sigaw ni Mia.
Habang natataranta siya, dahan dahan na kong lumapit.
“SAKLOLO, SAKLOLO, TULONG, TULUNGAN NYO KAMI!" patuloy niyang sigaw.
Ikinuyom ko ang aking mga palad bago pinalo ang ulo ni Mia.
*BOG!*
Sa lakas ng pagpalo ko, nawalan si Mia ang malay.
May kinuha akong maliit na buton mula sa buhok ko. Isa yung transmitter.
“Pumunta kayo rito, ngayon na…” Pagkasabi ko noon, binuhat ko na si Yano, pero bago ako umalis tiningnan ko muna si Mia.
“Mia, Patawad … pero bahagi ito ng misyon ko…”
Iniwan ko na siya sa ganoong kalagayan.
Ang totoo naiinis na ko! Medyo nahihirapan kasi akong makisama sa mga taong yon.
Kung itrato ako nung nagpapanggap na babae, akala mo sinto sinto ako. Ganoon na rin yung Aya na yon. Wala naman akong magawa kundi payagan sila para magmukha akong mahina.
Ginagawa ko ito para mapalapit sa akin si Mia.
Alam ko kasing makukuha ko ang loob niya kapag ginaya ko ang kapatid niyang si Nico—ah hinde, si Nagi Yamato pala dahil ako ang tunay na Nico…
Dahil sa pagkuha nila sa katauhan ko, naging miserable ang buhay ko, kaya hindi ko sila mapapatawad. Malaki ang pasasalamat ko sa mga Aburame dahil sila ang tumutulong sakin para maisakatuparan ang paghihiganti ko!
Ilang sandali pa, dumating si Takahashi sakay ng kanyang sasakyan. Siya ang kumuha kay Yano, tinapik tapik niya pa ko, tanda na natutuwa siya sa ginawa ko.
[Satoshi’s POV]
Habang nagmamaneho ako ng sasakyan, isa isang bumabalik sa isip ko ang bagay na plinano ko.
Isa lang naman akong hamak na taga Village III. Nasa poder ako ng isang masungit na matanda na laging nag-iinom. Bata pa lang ako pinaghahanapbuhay na niya ko, ni hindi na nga niya ko pinag-aral. Hanggang sa makilala ko ang isang lalaki, si master Honou.
Nang minsang lumabas ako sa bayan ng Tama, nakita ko na may mga kabataan na kumuha sa bag niya, syempre dahil kababayan ko siya tinulungan ko siya.
Sa tingin ko natuwa siya sakin kaya nga pinakain niya ko sa isang mamahaling restaurant. Hinatid niya rin ako sa tinitirahan ko, kaya nalaman niya kung paano ako maltratuhin ng kinagisnan kong ama.
Iniligtas niya ko, binigyan niya pa nga ng pera ang matandang yon para lang makuha ako.
Sa pagkakataong yon, napahagulgol na ko. Iyon ang unang beses na umiyak ako sa harap ng ibang tao. Tinapik naman niya ang ulo ko at sinabing isasama niya raw ako sa annex.
BINABASA MO ANG
Kizuna: Alone
Acción"Habang nasatabi ko si Yano hinding hindi ako matatakot." Iyon ang sinabi ni Mia, ngunit paaano kung magising siya isang araw na wala na sa tabi niya ang lalaking mahal? Maipagpapatuloy pa kaya niya ang buhay? Maraming lihim ang mabubunyag.