Chapter 10 *The Enemy*

1.5K 31 8
                                    

Dedication:  Gaya ng promise ko, hehe… tnx sa pagbasa and pag appreciate sa story. Ah, medyo ma action na nga lang tong part na’to. BTW di ko pa nababasa yung SDTG pero nakalinya na yon sa mga babasahin ko kasi yon yung pinag-uusapan ng mga kapatid ko sa pananampalataya, maganda raw yun ih, nirecommned nila skin ^^,

[Mei’s POV]

“Madam, may problema po tayo!” isa sa mga kasamahan naming babae ang nagbigay ng ulat. “Nasa labas po ang Petal, mukhang kompyansa sila na matatalo nila tayo!”

Walang naging reaksyon si Madam Kumi samantalang ang iba naming kasamahan ay nag-alala na.

“Makakaya ba nating labanan ang Petal?”

“Ilan ba sila? Siguro dapat maglabas na tayo ng mga sandata!”

“Nasa bakuran na natin ang Petal, baka hindi sila kayanin ng mga kawal natin.”

“Wala kayong dapat alalahanin” --Madam

 “Ha?”

 “Nagpunta lang naman dito ang Petal para kay Yano, kaya hangga’t nasa poder natin siya, hindi tayo mapapahamak”

“Hindi mapapahamak?” ulit ko. Sadyang naging misteryo sa akin ang sinabing yon ni Madam.

Nagpasya akong lumabas,

Kahit papano, gusto kong malaman kung ano na ang lagay ng mga kawal namin--

Lahat ng kasamahan namin ay puro babae. Si Ravi na isang maitim at maskuladang babae ang syang namumuno sa mga kawal (tagabantay ng aming lugar). Kasama niya ang 14 pang babae na mahuhusay rin sa kung Fu, sila ang humarap sa Petal.

Malalakas ang mga kawal namin, ngunit hindi patatalo ang Petal, Sa katunayan dalawa la sa kanila ang nalaban, yung may numero 6 at numero 5 sa damit, habang yung iba nakatayo lamang at nanonood.

Naging insulto yon para sa mga kasama ko--- kaya nga sinabay sabay nila ang pagsugod.

Isang suntok kay numero 6 ang ibinigay ni Ravi pero nakailag ito. Halos mabiyak naman ang sahig sa tindi ng suntok niya.

Sa pag-ilag ni number 6, sipa galing sa isa pa naming kasama ang sumalubong sa kanya.

Paulit ulit yon…

Ganoon din naman ang naranasan ni number 5.

Makikitang dehado sila, pero wala man lang bakas ng pag-aalala sa kanilang mga mata,

Patuloy lang sa pag-ilag sina number 6 at number 5.

Yung isa sa mga kawal namin, sinubukang sugurin ang iba pang miyembro ng Petal. Nang mapansin yon ni number 5, binigyan niya ng malalakas na sipa ang mga nakapalibot sa kanya, at dagliang sinugod ang kawal na yon.

“Ahh!” napatilapon ang kawal namin.

Sa puntong yon, naging sunod sunod na ang pagpapabagsak nila sa mga kasama namin.

 “Hindi maganda to…” Nasabi ko

Kalahati na kasi ang napabagsak nila.—Kahit dalawa lang sila nagawa nila yon?

“Kailangan na’tong malaman ni madam!” Papasok na ako nang bigla’y marinig ko ang boses ni Ravi.

“Mga peste kayo, PETAL tikman nyo to!” Sinugod ni Ravi ang nakamaskarang may numero 6,

Kizuna: AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon