Chapter 18 *Two Choices*

1.7K 46 40
                                    

[Yano's POV]

Ang tagal kong inintay to, ang makita at mayakap uli ang babaeng mahal ko.

"Mia."

Nakasubsob sa dibdib ko ang mukha niya, gusto ko sanang pagmasdan ang mukha niya, gusto ko siyang matitigan pero humigpit ang yakap niya. Naramdaman ko na ang pag ayaw niya na bumitiw.

Napangiti ako, sabay hawak sa ulo niya.

"Mahal ko..."

"Yano, wag ka na uli mawawala ah, please dito ka lang sa tabi ko, wag mo na uli ako iiwan."

Nanginginig ang boses ni Mia, halata na pinipigil niya ang pag-iyak. Sa puntong yon hindi ko na napigilan pa na huwag siyang pagmasdan. Agad kung sinapo ang mukha niya at saglit pa'y tinitigan siya.

Nakita kong may luhang umagos mula sa mga mata niya, agad ko naman yung pinahid ng aking daliri.

"Yano, halika na, umuwi na tayo," sabi niya na may kasamang pagngiti. Sobrang tamis ng ngiting yon, mababakas talaga ang kaligayahan. Kaya nga parang nagdadalawang isip na ko. Sasabihin ko pa ba sa kanya ang totoo?

Ang plano ko ay ang  makita si Mia, ganoon na rin si Hanabi. Kukunin ko sila at isasama sa lugar na pupuntahan ko. Ang problema hindi ko alam kung papayag si Mia, sana pumayag siya.

"Halika, puntahan na natin si Hanabi, panigurado gusto mo na rin siyang makita, tsaka mo na lang ikwento yung mga nangyari sayo."

"Mia sandale."

"Ha?"

"May kailangan kang malaman."

Nagpasya nako, sasabihin ko sa kanya ang totoo. Bahala na kung anong maging reaksyon niya, pero sana, sana... ako ang panigan niya.

"Yano, bakit?"

May pagtataka sa mukha niya, sa paraan niya ng pagtingin, parang pinanghinaan ako ng loob na sabihin ang totoo, pero hinde. Kailangan na niya itong malaman.

"Alam mo na ba ang tungkol sa Aburame?"

Tumango siya.

"Kung gayon, alam mo na rin ang tungkol sa tagapagmana nila..." sabi ko.

"Oo alam ko na ang tungkol sa kanila, teka, may kinalaman ba sila sa bigla mong pagkawala?"

"Ang totoo nyan Mia, ako ang..."

Nakita kong kumunot ang noo niya. Naguguluhan siya, nagtataka, pero kailangan niya itong malaman.

"Buong buhay ko hindi ko inakala na mangyayari to, pero nangyari... Ako ang... Tagapagmana ng mga Aburame."

Katahimikan...

Nang mga oras na yon namayani sa amin ang katahimikan. 

"Nandoon si Hanabi, kasama niya si Koi, ah si Koi nga pala yung kapatid ni Erika, yung tunay na Nico, nakilala ko siya sa annex, kasi..."

"Mia!" tawag ko. Pinigilan ko na siya sa pagsasalita. Para kasing hindi niya narinig yung sinabi ko.

"Mia!"

"Itigil mo na nga ang pagbibiro, Yano ang tagal kong inantay ang pagkakataong ito, ngayong nandito kana babalik na sa dati ang lahat, magiging maayos na uli ang buhay natin."

"Hindi na ko babalik sa Tama, hindi na ko puwedeng bumalik don."

"Ha?"

"Kagaya ng sinabi ko, ako ang tagapagmana ng mga Aburame, at isa sa mithiin namin ay ang maibalik ang karangalan ng pamilya."

Kizuna: AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon