Chaper 8 *Aburame*

1.4K 28 1
                                        

[Yuki’s POV]

“Aaahhh!!!” Sigaw nung lalaking nagpasabog ng Yamato Shrine.

Sa pamumuno ko, tinorture namin siya para mapaamin. Nung una sinabi niya na tuta siya ng gobyerno, pero napatunayan na nagsisinungaling siya kaya ilang beses namin siyang tinanong.

Matagal na rin namin siyang pinahihirapan, nariyang kinukuryente siya, pinapalo, binubuhusan ng tubig—pero hindi pa rin siya nagsasalita.

Nagpatuloy pa rin ang aming pagpapahirap hanggang sa mapaamin namin siya.

“Magsasalita na ko... aamin na ko!—Ang Aburame, sila ang nag utos sakin!”

“Aburame?”

Dahil sa sinabi ng lalaking yon, may nabunyag na mga lihim.

Agad pinag-usapan sa council ang tungkol sa Aburame.

[Rjs POV]

Hindi ko alam kung paano ang pamamalakad sa Yamato annex, pero ayon sa narrinig ko, mahigpit doon. Kaya nga naisip ko na bisitahin si Mia.

Pumunta ako sa annex kasama ang secretary ko (si Erika)

“Rj?” Halos manlaki ang mga mata ni Mia nang makita ako. “Rj!” agad syiang yumakap sakin.

“Buti nagpunta ka, namiss ko kayo!”

Ang higpit ng pagkakayakap niya sakin, gusto kong hilingin na sana tumigil ang oras.

Pero imposible...

Kumalas din sa pagyakap si Mia.

“Kamusta na sa’tin, ang anak ko, okey lang ba siya, hindi ba siya nagkakasakit?”

“Isang linggo ka palang nawawala, namiss mo na agad kami?” sabi ko sabay gulo pa sa buhok niya.

“Syempre naman no, lalo na ang anak ko, ano kamusta na ba siya?”

“Wag mo siyang alalahanin, binabantayan siya ng mabuti ni Yuki, kahit hindi syia mahilig sa bata talagang pinipilit niya na maalagaan ang anak mo.”

“Ganun ba, mabuti naman…” Nakahinga ng maluwag si Mia. “Maiba ko, bakit ka nga pala nagpunta rito, may kasama ka ba? Dapat isinama mo ang baby ko!”

Ngumiti ako “Gustuhin ko man pero hindi puwede, ang totoo nagpunta ko rito para mag observe, idinamay ko na rin ang pagtingin sayo”.

“Ganun pala, kaya mag-isa ka lang?”

“Actually hindi ako mag-isa, kasama ko ang secretary ko, pinuntahan niya lang ata yung kapatid niya.”

“Ah, oo yung kapatid ni Erika, nakilala ko siya rito, mabuti naman pala at magkikita sila”

“Mia…”

“Bakit? Parang siryoso ka ah…?”

Hindi agad ako nakapagsalita. Habang nakikita ko kasi si Mia, mas lalo lang akong nahihirapan.

“Rj?”

“Halos bahagi ka na rin naman ng Yamato council, kaya siguro dapat mo na ring malaman ang tungkol sa bagay na’to…”

“Ha?” Halatang parang kinabahan si Mia. “Ano yon Rj?”

“Tungkol ito sa naganap na pagpapasabog sa shrine, alam na namin kung sino ang tunay na salarin.”

Kizuna: AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon